embed embed2
  • 10 Illustrators Na Maaring Gumawa Ng Inyong Family Portraits

    Unique at kakaibang take ito sa inyong usual family pictures.
    by Ana Gonzales . Published Oct 22, 2019
10 Illustrators Na Maaring Gumawa Ng Inyong Family Portraits
PHOTO BY iStock
  • Sa dami ng mga photo studios ngayon, madali na lang maghanap ng kukuha ng litrato ng iyong pamilya sa budget na swak sa gusto mo. Pero kung naghahanap ka ng kakaibang paraan para ma-imortalize ang inyong pamilya, pwede kang magpagawa ng illustrated family portraits. 

    Sa isang Facebook group namin nakita ang listahan ng mga illustrators na tumatanggap ng pagawa ng mga personalized family at pet portraits. Narito ang ilan sa mga maaari mong kontratahin: 

    The Story Machine

    Facebook: @thestorymachineph

    Sila ay mga artists na based sa Cebu at Cagayan de Oro.

    Makulay at kakaiba ang kanilang mga gawa kaya siguradong magiging unique ang portrait na gagawin nila para sa iyo at sa iyong pamilya.

    Lorra Elena

    Instagram: @lorraelena

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mommy din si Lorra kaya naman siguradong maka-capture niya ang gusto mo kapag nagpagawa ka ng portrait mo at ng iyong anak o hindi naman kaya ay para sa inyong buong pamilya.

    Relatable ang kanyang mga drawings kaya magugustuhan mo itong makitang nakadisplay sa iyong sala o opisina.

    Little Portraits

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Instagram: @little.portraits

    Dalawa sa pinakatakaw pansin sa mga gawa ng Little Portraits ay ang kanilang Toddler Custom Portraits na nagkakahalaga ng Php1,000 pataas at ang kanilang Family Custom Portrait na nagkakahalaga naman ng Php2,500 pataas.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cute na cute ang interpretation ng artist sa iyong mga ibibigay na litrato kaya naman pwedeng-pwede ito para sa nursery ng iyong anak o di naman kaya ay sa sala. Magandang ipang-display ito sa lugar na unang makikita ng mga bisita.

    Rina Albert-Llamas

    Instagram: @rinadesignph

    Facebook: @rinadesignmanila

    Kung gusto mo naman ng gagamitin para sa holiday greetings ng iyong pamilya o di naman kaya ay para sa mga Christmas cards na ipamimigay mo, pwedeng-pwede ang illustrations na ito ni Rina. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Vibrant ito kaya magandang ilagay sa mga bagay-bagay tulad ng pamaypay, mugs, water bottles, at iba pa. Kung tutuusin, pwede nga itong maging giveaway para sa kasal o binyag.

    Alyssa De Asis

    Instagram: @alyssadeasis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makulay naman ang mga gawa ni Alyssa kaya bagay ito kung gusto mo ng maraming kulay para sa portrait ng iyong anak o ng iyong buong pamilya. 

    Neenah Hilario

    Instagram: @neenahilarioart

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Watercolor ang gamit ni Neenah sa kanyang mga artworks. 

    Kaya kung gusto mo ng watercolor version ninyong mag-asawa, maaari mo siyang i-commission para gawin ang inyong family o couple portrait.

    Moreen Guese - Moyeedoll

    Facebook: @moyeedoll

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ng ibang mga artists sa ating listahan, sobrang cute din ng kalalabasan ng mga portraits ninyong mag-anak dahil kakaiba ang artwork na gawa ni Moreen—lalo na kung hango sa totoong buhay. 

    Angge Co

    Instagram: @anggeco.ph

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May gawang 3D si Angge at mayroon din namang hindi—depende na lang ito sa gusto mo. 

    Minsan ay nagpapa-quick arts promo din siya kaya maaari kang makamura sa magaganda niyang illustrations.

    Alissa

    Instagram: @alissa.psd

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sobrang realistic naman ng mga gawa ni Alissa at talagang mabibilib ka sa paggamit niya ng mga kulay. 

    Pati shading at lighting ay talaga namang hahangaan mo. 

    Dar Murillo

    Instagram: @drwnmrllo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huhulihin naman ni Dar ang magagandang features ng iyong mukha sa pamamagitan ng kanyang watercolor illustrations. 

    Marami na rin siyang nagawang commissioned artworks at illustrations kaya sigurado kang kalidad ang kalalabasan ng portrait ninyong mag-anak.

    Nakakatuwang makita na maging isang uri ng artwork ang litrato ng iyong pamilya. Hindi lang iyo isang magandang paraan para magsilbing keepsake ang inyong portrait, isa rin itong napaka personal na paraan para alalahanin ang inyong pamilya sa puntong ito ng buhay ninyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Mayroon ka pa bang ibang nakakatuwang paraan para i-capture ang inyong family moments? I-share mo na yan sa amin sa Smart Parenting Village.

    What other parents are reading
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close