weekend guide,Tagalog,evergreen,baby stage,toddler stage,con-00307,Weekend Pasyalan Guide: Iglesia Ni Cristo Children's Museum,iglesia ni cristo, INC, children's museum, iglesia children's museum, iglesia museum, museum, metro manila museum, quezon city museum,Siguradong mag-eenjoy ang buong pamilya ninyo dito.
LifeFamily Fun

Pasyalan Alert! Noah's Ark-Inspired Children's Museum Sa Quezon City

Matatagpuan ito sa loob ng isa pang mas malaking museo na para naman sa buong pamilya.
PHOTO BYJhem Bon

Isa talaga sa hilig ng mga Pinoy ang mag-bonding kasama ang pamilya, bukod pa sa kumain at kumanta—kasama pa rin ang pamilya. Isa sa mga paborito ngayon ng mga nanay na puntahan ay ang Children's Museum na matatagpuan sa Quezon City. 

article image
Ginawa talaga para sa mga bata ang mga facilities dito.
PHOTO BY Jhem Bon

Highly recommended ito ng mga nanay sa kinabibilangan kong Facebook group na Smart Parenting Village. Kaya naman hindi namin pinalampas ng pamilya ko ang pagkakataong makapunta dito.

Paano ito puntahan?

Pwede kayong sumakay sa anumang pampublikong sasakyan na dadaan sa Commonwealth. Magpababa lang kayo sa Central Avenue. Mula doon, tumawid kayo ng tulay at maglakad papunta sa kapilya ng Iglesia ni Cristo. May mga tricycle na doon na pwedeng maghatid sa inyo papunta sa museum. 

Nasa loob ang Children's Museum ng mas malaking Iglesia ni Cristo Museum, na isa namang pribadong museo na tampok ang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo. Binuksan ang Children's Museum para hindi mainip ang mga bata sa pag-iikot sa Iglesia ni Cristo Museum.

article image
Sobrang daming pwedeng paglibangan ang mga bata.
PHOTO BY Jhem Bon
watch now

Magkano ang bayad dito?

Php150 ang entrance fee para sa iyo at sa isang anak mo na edad isa hanggang labing-isang taong gulang. Php50 naman para sa mga baby hanggang isang taon gulang. Php50 ang bayad para sa additional na guardian.

Dalawang oras lang pwedeng manatili at maglaro sa loob. May karagdagan nang bayad kung magtatagal pa kayo.

Anu-anong pwedeng gawin dito?

Ang konsepto ng buong Children's Museum ay mula sa Noah's Ark. Marami sa mga palaruan dito ay nakaayon sa mga hayop na isinakay ni Noah sa kanyang arko.

May malaking palaruan

Malawak ang buong lugar at maraming mapaglalaruan ang mga bata kaya siguradong ubos ang energy nila bago pa man matapos ang nakatalagang time limit. Mayroong mga padulasan na iba't-ibang ang taas. May mga see-saw at spring riders din na hugis iba't-ibang hayop.

article image
Malayang makakapaglaro ang mga bata dito.
PHOTO BY Jhem Bon

 

article image
Kahit ang mga adults ay mag-eenjoy.
PHOTO BY Jhem Bon
article image
Pwedeng paglaruan ng mga bata ang mga puzzles na ito.
PHOTO BY Jhem Bon
article image
Ito ang kanilang orientation room.
PHOTO BY Jhem Bon

Pwede ring paglaruan ng anak mo ang mga naglalakihang puzzles at blocks na mayroon sila. Mag-eenjoy din sila sa pag-akyat sa pambatang hanging bridge. Mayroon ding mga learning activity toys para sa mga maliliit na bata kaya pati ang iyong sanggol ay mag-eenjoy din dito.

May art area

Kung pagod na ang mga anak mo sa kakalaro, pwede silang mag-relax sa art area habang nagkukulay o gumuguhit ng kung anu-ano. May mga maliliit na upuan at lamesa na akma para sa mga bata. Mayroon ding mga pangkulay, pangguhit, at papel. 

article image
Dito pwedeng mag-arts at magpahinga ang mga bata.
PHOTO BY Jhem Bon

May interactive wall

Siguradong maaaliw din ang mga bata sa interactive wall na mayroon ang museo. Pwede silang gumuhit at magkulay dito gamit lang ang kanilang mga kamay.

Kid-friendly ba ang facilities?

Oo. Mayroon silang comfort room na sadyang idinisenyo para sa mga bata. Mababa ang mga lababo para siguradong maaabot ng iyong mga anak. 

article image
Spacious at cozy ang kanilang breastfeeding room.
PHOTO BY Jhem Bon

Mommy-friendly rin ang museo dahil mayroon silang breastfeeding room. Bagaman medyo madilim, cozy at inviting pa rin ito. Mayroon din itong changing table at square couch kung saan pwede mong ihiga ang iyong anak kung sakali mang gusto nitong umidlip sandali. Mayroon ding lababo at mga saksakan para sa mga gustong mag-pump ng gatas.

article image
Malinis ang mga facilities nila.
PHOTO BY Jhem Bon

Nagtatalag rin sila ng locker para sa bawat bisita. Bukod pa riyan, malawak din ang espasyo nila kaya pwedeng-pwede kayong mag-iwan ng stroller. May malaking shelf din na nakatalaga para sa mga sapatos.

Bukas ba ito para sa lahat?

Oo. Ano man ang inyong relihiyon, pwedeng-pwede kayong bumisita dito. Kaya naman huwag na kayong mag-atubili pang pumasyal dito, dahil welcome tayong lahat kahit hindi tayo kasapi sa Iglesia ni Cristo.

article image
Dalawang oras pwedeng manatili sa loob ng Children's Museum.
PHOTO BY Jhem Bon

Sa kasalukuyan, ang unang palapag pa lang ng Iglesia ni Cristo Children's Museum and binubuksan nila sa publiko. Kasalukuyan pang inaayos ang ikalawang palapag. 

Anu-ano ang mga dapat tandaan sa loob ng Children's Museum?

Lahat ay required na magsuot ng medyas. Mayroong mabibili sa admission area sa halagang Php30, kung sakaling wala kang suot o dala.

Bantayang mabuti ang mga bata. Gawa sa kahot ang mga palaruan. Para makaiwas sa aksidente, ugaliing bantayan lagi ang inyong mga anak. Dapat laging may kasamang bantay ang mga sanggol at batang tatlong taong gulang pababa. 

September noong nakaraang taon nang buksan ang Iglesia ni Cristo Museum kasama na ang Children's Museum. Noong una'y kailangan mo munang magpareserve bago makapunta. Ngayon, maaari ka nang mag walk-in. Bukas ito mula 9AM hanggang 6PM, Martes hanggang Linggo.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close