Isa na siguro sa mga pinaka namimiss ng mga pamilya ngayon ay ang mga weekend getaways o kahit iyong mga weekend gala papunta sa mga amusements parks, nature parks, malls at iba pa.
Ngunit dahil kasalukuyan tayong nakikipaglaban sa banta ng COVID-19, lahat ng mga ito'y pansamantalang naisantabi muna.
Kaya naman naglunsad ang maraming amusement parks sa iba't-ibang panig ng mundo ng mga virtual versions ng kanilang mga rides—kabilang na riyan ang Enchanted Kingdom.
Ayon sa pamunuan nito, ang kanilang layunin ay ipa-experience muli sa mga tao ang saya at excitement na dala ng ating mga paboritong amusement park rides.
Inilabas nila ang virtual version ng mga all-time favorite rides tulad ng Space Shuttle, Jungle Log Jam, at Disk-O-Magic.
"We hope that with this initiative, we can keep the EK magic alive and provide a welcome escape as people struggle to find some sense of normalcy amidst the pandemic," pahayag ni Anna Mamon-Aban, ang Head of Business Development & Digital Transformation ng Enchanted Kingdom.
Inilabas din nila ang kanilang 8-part Enchanted Kingdom Story Musicale, para magbigay aliw sa mga gustong makapanood nito sa bahay.
Pinaghahandaan na ng theme park ang kanilang muling pagbubukas bago matapos ang third quarter ng taong ito. Maaari mong panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.