Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 'Unforgettable' Movie Ni Sarah Geronimo Must-See Para Sa Buong Pamilya

    Puwedeng manood ang buong pamilya, mula kina lolo at lola hanggang kay bunso.
    by Jocelyn Valle .
'Unforgettable' Movie Ni Sarah Geronimo Must-See Para Sa Buong Pamilya
PHOTO BY @viva_ent/Instagram
  • Kilala si Sarah Geronimo hindi lamang bilang isang singer ngunit isang actress din. At nagbibida muli ang singer-actress, na tinaguriang Popstar Royalty, sa Unforgettable, na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

    Ang pelikulang Unforgettable ay kuwento ni Jasmine Lagman (Sarah) na naglakbay mula Metro Manila hanggang Baguio City upang makapiling ang kanyang lola na may malubhang sakit. Kasama at karamay niya ang kanyang pet dog na si Happy. Iba’t ibang mga tao at karanasan ang kanilang nakaharap sa special adventure na ito.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang 5 na rason kung bakit dapat panoorin ang Unforgettable, fan ka man o hindi ni Sarah Geronimo

    1. Puwedeng manood ang buong pamilya, mula kina lolo at lola hanggang kay bunso.

    Ginawaran ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng “G” rating ang Unforgettable. Ibig sabihin, maaari itong panoorin kahit ng mga bata dahil wala itong sensitibong paksa at eksena. Bagkus, wholesome ang tema at pagkagawa nito.

    2. Ang karakter ni Sarah ay may special needs at natalakay ito ng pelikula nang tama.

    Sa Facebook post ng Autism Society Philippines noong October 27, 2019, pinuri nila ang produksyon sa “positive portrayal of a person on the spectrum — without the tired exaggerations and stereotypes.”

    Inilarawan nila ang dalagang karakter ni Sarah bilang “neurodiverse” na ayon sa experts ay nagpapakita ng “autistic or other neurologically atypical patterns of thought or behavior.” Dagdag pa nila sa Facebook page na naipakita sa pelikula ang kalagayan ng neurodiverse character na kaloob sa konstekto ng pamilyang Pinoy at binigyan ito ng “dignity” at “enviable fortitude.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Sinasabing best movie performance ito ni Sarah.

    Nakakaantig ang pagganap ng bida dahil na rin sa kanyang sincerity at commitment hindi lamang sa kanyang karakter ngunit sa buong proyekto. Pinuri rin siya ng Autism Society of the Philippines sa kanilang Facebook post. Anila, “Sarah Geronimo did a wonderful job! She captured the unwavering loyalty, singularity of purpose and the depths of their distress.” Ikinuwento din nila na nakisalamuha ang aktres sa mga young adults na may katulad na kondisyon ng kanyang karakter bilang paghahanda sa kanyang pagganap. Nagsilbi din daw consultant sa produksyon ang cofounder ng kanilang grupo na si Teacher Cecile Sicam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Kagiliw-giliw ang pet dog ni Sarah dito at ang kanilang interaction sa isa’t isa.

    Katulad ng pangalan ng pet dog ay maha-Happy talaga ang mga manood sa kalistohan at kakyutan niya dito. Parang matagal nang mag-amo ang aso at ang aktres dahil sa pinamalas nilang chemistry.

    More from Smart Parenting

    5. Di matatawaran ang supporting cast at special guest actors.

    Sa pangunguna ng beterang aktres na si Gina Pareno (bilang Lola Olive) ay nabigyan ng buhay ang mga taong nakaligid sa bida. Kasama na rito ang mga ate niya sa pelikula na sina Ara Mina (Dahlia) at Meg Imperial (Violet), maging ang mag-ina na tumulong sa kanyang paglalakbay na sina Yayo Aguila (Nanette) at Kim Molina (Chuchay). Isa lamang si Regine Velasquez na may special participation dito. Maging ang mismong ama ni Sarah na si Delfin Geronimo ay may cameo. Alamin kung sino pa ang iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles