embed embed2
  • The Quest for the Adarna: Naaalala Mo Pa Ba Sina Prinsipe Pedro, Diego, at Juan?

    Balikan ang kwento ng Ibong Adarna kasama ang iyong mga anak sa musical adventure na hatid ng Repertory Philippines.
    by Ana Gonzales .
The Quest for the Adarna: Naaalala Mo Pa Ba Sina Prinsipe Pedro, Diego, at Juan?
PHOTO BY Ray Gonzales
  • Sa bilis ng modernong panahon ngayon at sa dami na rin ng mga pelikula, kwento, at panooring makikita online, hindi nakapagtatakang hindi na kilala ng mga kabataan ngayon ang mga karakter mula sa mga kwentong Pilipinong tulad ng Alamat ng Ibong Adarna.

    Kaya naman para ipakilala itong muli sa bagong henerasyon, nilikha ng Repertory Philippines, sa pamamagitan ng Rep’s Theater for Young Audiences (RTYA), ang The Quest for the Adarna, ang kanilang kauna-unahang orihinal na Filipino musical adventure.

    Nagsimula ang pagtatanghal noong September 14 at magpapatuloy hanggang January 26, 2020 sa Onstage Theater sa Greenbelt 1. 

    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang puntahan namin para panoorin ang kanilang kauna-unahang pagtatanghal, para kaming bumalik sa aming kabataan. Nagsimula ang kwento gaya ng aming naalala—sa masaganang kaharian ng Berbania na pinapalakad ni Haring Fernando at Reyna Valeriana. Hindi kumpleto ang kwento kung wala ang tatlong magigiting na prinsipe na sina Pedro, Diego, at Juan. Naroon din ang misteryosong ermitanyo na naging susi ng isa sa mga prinsipe upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na darating sa kanila. 

    What other parents are reading

    Ilang beses nang nabigyan ng bagong buhay ang Alamat ng Ibong Adarna, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataong itinanghal ito sa salitang Ingles at nilapatan ng orihinal na musika. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Joy Virata at panulat ni Luna Griño-InocianKaakibat niya sa paglikha ng makabagong kwentong ito ang musical director at composer na si Rony Fortich.

    Luna Griño-Inocian sa unang gabi ng pagtatanghal
    PHOTO BY Ray Gonzales
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ayon kay Griño-Inocian, hindi naging madali ang paglikha niya ng isang child-friendly play na hango sa isang kwentong mayroong madilim at nakakatakot na tema. Kaya naman para maging mas akma ito para sa lahat ng manonood ng hindi isinasakripisyo ang totoong kwento at tema ng alamat, kumuha siya ng mga karakter mula sa mga hindi masyadong kilalang bahagi ng kwento. Siniguro rin niyang mayroong prominente at malakas na female presence ang buong pagtatanghal—patunay na ang role ng mga babae ngayon ay hindi na lamang limitado sa pagiging isang prinsesang nangangailangan ng tulong. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakaganda rin ng kanilang set at costume design. Simple ito ngunit totoo sa panahon kung kailan nangyari ang kwento ng Adarna. Kapag napanood mo ang buong pagtatanghal, hindi mo aakalaing pwede palang maging ganoon ka-moderno ang isang kwentong mahabang panahon nang kaakibat ng kulturang Pilipino.

    PHOTO BY Ray Gonzales

    Walang batang maiinip sa buong pagtatanghal dahil mayroong mga bahagi na kailangang tumulong ng mga manonood para malampasan ng mga karakter ang mga pagsubok na daraanan nila. Maging ang mga banyagang nanonood ay game na game sa pagtulong at pagkanta.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding mga bahagi na may shadow play at puppetry kaya naman magiging isang kakaibang experience talaga ito, hindi lang para sa mga anak mo, kundi pati na rin sa iyo. Isa rin itong magandang paraan para turuan ang iyong mga anak ng kahalagahan ng pagpapatawad, paggalang, pagsasabi ng totoo, at pagpapahalaga hindi sa panlabas na itsura, kundi sa ugali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Ray Gonzales

    Mahaba pa ang panahon mo para panoorin ang The Quest for the Adarna kasama ng iyong pamilya. Ang orchestra center seats ay nagkakahalaga ng Php800, habang ang orchestra side naman ay nagkakahalaga ng Php600. Ang balcony seats naman ay maaari mong ipa-reserve sa halagang Php500.

    Ikwento mo sa amin kung kumusta ang inyong experience sa pamamagitan ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close