-
Your Health FDA Warns Against 5 Face Mask Brands: Here Is A List That Is FDA-Approved
-
Home Ang Sagot Sa Malamig Nating Kape! A Heating Coaster That Keeps Coffee Warm For Hours
-
Preschooler Your Child Throws a Tantrum Over Everything! How to Deal With It Now
-
News Snubbed at Louis Vuitton in New York, Regine Velasquez Buys 20 Pairs of Shoes Next Door
-
Pasyalan Ang Weekend Market Na Ito Sa Sabado (Busog Ka Na At Maaliwalas Pa!)
Malayang makakapaglaro ang kids at pets sa paligid sa Saturday market na ito.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY courtesy of Urban Farm
Maraming tao ang nawiwiling pumunta sa weekend market dahil sa mga pagkain at iba pang produkto, maging old favorites man o new finds. Bukod diyan, mainam itong pasyalan ng buong pamilya, katulad ng bagong bukas na Urban Farm sa Greenfield District Central Park sa Mandaluyong City.
Mayroong open space dito kung saan preskong makakakain o makakapahinga ang mga mamimili sa picnic tables at park benches. Malaya ding makakapaglaro ang kids at pets sa paligid, lalo na sa may damuhan. Bukas ang Urban Farm tuwing Sabado mula 6 a.m. hanggang 12 noon. Sa mga susunod na Sabado ay magkakaroon ng fitness at leisure activities, ayon sa Greenfield Development Corporation executives na sina Michael Andan, head of marketing communications, at Johanna Christine Clavecilla, senior manager. Dagdag pa nila ay may mga nakahanay na ring special events para sa nalalapit na Christmas season.
Sinikap ng organizers na ang vendors, na nasa 40 ang bilang sa kasalukuyan, ay nag-a-alok ng “more sustainable and local products” at may itinutulak na advocacy. Hinihikayat din nila ang mga ito na iwasan ang paggamit ng single-use plastic at Styrofoam habang nakapagtalaga na sila ng waste segregation program.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod sa mga fresh produce (gulay, prutas, isda) at ready-to-eat products (lutong ulam, kakanin, tinapay, French fries) ay marami pang ibang food items (coffee, tea, honey, dried fish, organic eggs, black/brown rice, processed meat) at maging non-food items (bags, wallets, ceramics). May namataan ang SmartParenting.com.ph nang bumisita kami noong October 26 na ilang interesting products.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKabilang sa mga ito ay isang mainam na alternatibo sa processed meat, ang mushroom burger patty at tocino mula sa Adong's at Minting's Agri Farm. Meron ding all-natural peanut butter at yema spread; mushroom fries at mushroom balls in a rice; coffee in a tea bag; placemats with pockets; at all-natural household cleaner. Silipin ang ilan sa ibaba.
Gusto namin ang all-natural peanut butter, yema spread at meron ding sugar-free peanut butter.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTulad sa nabibiling mushroom chips sa pakete, ang bagong lutong mushroom fries ay buo ang mushroom.
Ang kape na ito ay nakasilid sa tea bag at tinitimpla na parang tsaa!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng placemats ay may bulsa o pockets para sa mga kubyertos.
Malaking tulong ang paggamit ng all-natural house cleaner sa mga taong may allergic rhinitis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network