“Mommy, ano pong baon ko bukas?”
Siguro hindi iisang beses lang na naitanong ng anak mo kung anong baon niya sa school. Posible ring ikaw na mismo ang nauubusan ng baon ideas. Bilang magulang, gugustuhin mong magana siyang kumain kahit nasa eskuwelahan. Dahil nasa kinder, siguradong maraming activities kung saan kailangan niya ring maging active at malakas. Ano-ano nga ba ang baon ideas for kindergarten?
Isa sa basic guides na ipinakikilala sa mga bata ang tinatawag nating "G foods" (Go, Grow, Glow Foods). Ito ay itinuturo sa mga bata upang maunawaan nila ang nutritional value ng iba't ibang klase ng mga pagkain.
Ngayong buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Nutrition Month.
Panahon ito para ipaalala muli sa lahat ang kahalagahan ng pagpili at pagkain ng masustansyang pagkain. Ayon sa National Nutrition Council, isa sa tatlong batang wala pang limang taong gulang ay maliit at mababa para sa kanilang edad (stunting). Ang ganitong kondisyon ay maaaring magdulot ng iba pang health problems, kasama rito ang impaired cognitive development at increased risk ng chronic diseases. Hindi nga maitatangging karaniwang problema ang malnutrisyon sa ating bansa kung kaya’t maigi na ring balikan kung ano-ano nga bang pagkain ang dapat ibigay sa mga bata.
Magandang oportunidad ang baon ideas para sa kindergarten para ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng kanilang kalusugan sa mura nilang edad.
Ano ba ang G Foods?
Go foods
Nakatutulong ang Go foods sa healthy brain function, bata man o may-edad na. Binibigyan din tayo nito ng enerhiya. Kabilang sa Go foods ang sumusunod:
- kanin
- tinapay
- pasta
- cereals
- kamote
- patatas
- sweet corn
Kasama rin dito ang iba pang starchy vegetables. Go foods din ang fats kagaya ng margarine at oils. Kapag kulang dito, kapansin-pansing mas mabilis mapagod at hirap mag-focus ang isang bata.
Grow foods
Nagtataglay ng esensyal na protina ang Grow foods. Nagiging mas malakas at malusog din ang batang nakakakain ng mga ito. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
- dairy products (gatas, cheese, yogurt)
- itlog, manok
- beans, nuts, peas
- karne, isda
Glow foods
Pinalalakas naman ng Glow foods ang immune system. Kasama rito ang mga gulay at prutas. Madalas irekomenda ang sumusunod na mga gulay:
- broccoli
- cauliflower
- kalabasa
- kale
- lettuce
- malunggay
- okra
- repolyo
Popular din ang sumusunod na mga prutas sa mga bata:
- avocado
- kiwi
- mansanas
- orange
- ubas
- saging
Mayaman sa bitamina at mineral ang iba pang mga prutas kagaya ng mangga, papaya, pinya, berries, peras, kamatis, at marami pang iba. Paliwanag ng Kid’s Health, ang masusustansyang pagkain ay mayroong mga bitamina at minerals na mahalaga para sa nervous system.
Ngayong nabalikan mo na kung ano-ano ang mga pagkain sa bawat kategorya, handa ka na rin ba sa baon ideas para sa Kindergarten mong anak? Narito ang ilang tips para sa mommies na tulad mo.
RELATED: One Week Baon Ideas Para Hindi Madaling Mag Sawa Ang Iyong Anak Sa Kaniyang Pagkain
Tips sa pag-handa ng baon ng kindergarten
1. Go, Glow, Grow.
Piliin ang masustansyang mga pagkaing nabanggit sa itaas. Makatutulong ang mga ito upang maging patuloy na malusog ang iyong anak.
Ibinahagi ng full-time mom na si Isabel Roces- Trebol kung paano siya maghanda ng baon ng kanyang anak. “As much as possible, I make my child’s school snacks with fresh ingredients.”
Talagang ma-e-enjoy ng iyong anak ang pagkain kung sariwa ang mga sangkap nito.
“I use cookie cutters that are stainless steel and thicker than average (2 inches), making it easier to slice through two pieces of bread without squishing or distorting the sandwich. I also give oatmeal (rolled oats not quick cooking), and mix it with some sweet fruit like apple, mango, or dragon fruit. This way I don’t need to add sugar.”
Tandaan ding mahalaga ang pag-inom ng tubig kaya pabaunan ang iyong anak ng refillable na tumbler o water bottle.
2. Maging creative.
Gawing makulay at/o cute ang mga hugis ng pagkaing gaya ng rice at tinapay. Mas magandang presentation, mas magana ang kumakain. “I prepare fun-shaped sandwiches using cookie-cutter molds. So (I prepare) a cream cheese, pimiento, or peanut butter sandwich, toasted then cut out. This makes meals far more appetizing than the usual bread slice,” dagdag pa niya.
Basahin din dito ang tungkol sa bento style na mga baon na usong-uso nitong nakaraang mga taon sa mga mommies.
RELATED: Masarap, Mura, at Masustansya: Baon Ideas You Can Try Even If You're A Non-Bento Parent
3. Isama ang iyong anak sa planning.
Maaari ding tanungin ang iyong anak kung ano-ano ang gusto niyang baon sa school. Mula sa kanyang sariling baon ideas, magkakaroon ka ng pagkakataong maipakikilala sa kanya ang healthy eating lifestyle.
Mahalaga ring maging bukas ang isip sa kanyang mga gustong kainin at bigyan lamang ng payo para hindi siya napipilitan lang sa pagkain ng mga gulay at prutas. Sa oras na maintindihan na niya ang mga benepisyo nito sa kanyang kalusugan, saka magiging mas posibleng piliin din niya ang mga ito.
4. Maging wais at matipid.
Ngayong 2023, ang tema ng National Nutrition Month ay “Healthy Diet, Gawing Affordable For All”.
Hindi kailangang sobrang mahal ng mga sangkap na gagamitin. Hangga’t maaari, mag-research nang mabuti kung saan makabibili ng mura pero sariwang mga sangkap. De-kalidad na produkto ang gamitin at turuan ang anak na huwag sayangin ang kanyang pagkain dahil mahalagang bahagi ito ng inyong budget kada buwan.
5. Variety ng baon.
Marami ngayong materyales online kung saan makakakuha ka ng ideya kung anong baon ang puwedeng ihanda. Puwede ring magtanong sa mga kaibigan at kakilalang mommies (at daddies!) Iwasang mahiya dahil mas maraming ideya, mas mabuti!
Gawing paiba-iba ang baon ng iyong anak para higit niyang ma-enjoy ang kanyang baon sa loob ng ilang buwang pagpasok sa eskuwelahan.
6. Mag-explore.
Subukan ang rekomendasyon ng mga eksperto at kapwa nanay sa paligid. Unang-una rito ang pag-check sa nutrition labels ng mga pagkaing inihahanda para sa pamilya. Dito kasi nakasaad ang nilalaman ng pagkain, kung mayroon ba itong mga sangkap na makabubuti sa katawan at kalusugan.
Puwede ring subukan ang sumusunod na baon ideas for kindergarten:
- yogurt
- pizza pandesal
- waffles
- pancakes
- frozen fruit sticks
- crunchy chickpeas
- trail mix (nuts, seeds)
- kamote fries
- peanut butter sandwich
- veggie sticks (carrots, pipino)
- popcorn (cheese, barbecue)
- smoothies (mangga, pakwan)
- toast and cream cheese
- cucumber and egg salad
- berries at iba pang prutas
- seaweed snacks
- tuna crackers
- nilagang itlog
Ang mga ito ay madaling ihanda, gawin, kainin, at ubusin. Siguradong mag-e-enjoy at busog ang iyong anak.
Paalala ng Johns Hopkins, mainam ding bigyang pansin ang uri ng carbohydrate sa pagkain. “The type of carbohydrate in the diet is more important than the amount of carbohydrate in the diet because some sources of carbohydrate—like vegetables (other than potatoes), fruits, whole grains, and beans—are much healthier than sugar, potatoes, and foods made from white flour.”
Mayroong tinatawag na Kid’s Healthy Eating Plate at mas mainam ayon sa kanila na walang matatamis na inumin at pagkain, at junk food sa mga kinakain ng bata. Okay lang kung paminsan-minsan. Huwag lamang aaraw-arawin.
Ibinahagi rin ni Aya Savet ang kanyang motibasyon sa paghahanda ng baon ng kanyang anak: “My tip is not to consider baon creation as just another chore that you’re required to do. Do it from the heart, with joy, out of love! It may be a bit of a challenge but the hard work and time invested in every bento baon is no biggie compared to the fulfillment it brings. Being able to remind my daughter each day how much she is loved and valued, and seeing how her eyes light up with the widest smile on her face is priceless. These keep me motivated to do my best every day. All the more when she comes home with a happy tummy and empty yumbox!”
Makatutulong ang pagiging intentional at praktikal sa paghahanda ng baon. Hindi kailangang maging stressful ang baon ideas for kindergarten. Siguraduhin ding malinis lagi ang lunch box at iba pang container ng pagkain. Sana ay makatulong ang mga paalalang ito para mas mag-enjoy at maging aktibo ang iyong anak sa kindergarten!