Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Bento Baon Inspirations Mula sa Smart Parenting Village

    Naghahanap ka ba ng inspirasyon para sa mga baon ng anak mo?
    by Ana Gonzales .
Bento Baon Inspirations Mula sa Smart Parenting Village
PHOTO BY Ching Escarilla
  • Isa talaga sa mga daily challenges ng mga nanay ay ang mag-isip ng ulam at baon for the day. Minsan talaga, mauubusan ka na ng ideas, lalo na pagdating sa baon ng mga bata. Mas mahirap pa kung mapili sa pagkain ang anak mo. Kung madalas mong nararanasan na umuuwi ang anak mo na hindi naubos o hindi man lang nabawasan ang kanyang baon, bakit hindi mo subukan ang mga bento boxes ideas na ito? 

    Matrabaho mang gawin ang mga bento box baon meals, sulit naman silang investment ng pagod at oras. Una, binabago nila ang paningin ng mga anak mo sa baon nila. Kumbaga, meron silang something to look forward to. Isang magandang surprise nga naman kung bubuksan nila ang baon na ipinadala mo at makakakita sila ng mga cute characters. Pangalawa, isa ito sa mga pinakasimpleng paraan para masingitan ng masusustansyang prutas at gulay ang pagkain ng mga anak mo. Hindi na nila alam na gulay ang kinakain nila kung muka itong cute na bear o di kaya ay unicorn. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kung isa ka sa mga nanay na hindi marunong o nagsisimula pa lang sa pag gawa ng mga bento box meals, narito ang ilan sa mga pinaka-cute na bento boxes na gawa ng mga mommies sa Smart Parenting Village:

     

    PHOTO BY Ching Escarilla
    PHOTO BY Ching Escarilla
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Ching Escarilla
    PHOTO BY Ching Escarilla
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Ching Escarilla
    PHOTO BY Ching Escarilla
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Ching Escarilla
    PHOTO BY Ching Escarilla
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Ching Escarilla
    PHOTO BY Alelly Cablao-Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Alelly Cablao-Hernane

     

    Huwag ma-discourage o ma-intimidate sa mga bento boxes inspirations na makikita mo online dahil madali lang naman silang gawin. Lalong-lalo na kung mayroon ka ng mga tamang gamit. Maaari kang bumili ng mga bento supplies mo sa BrightBrands.ph (Facebook: @BrightBrands.ph) na isa sa mga highly recommended shops for bento ng mga nanay sa Smart Parenting Village. Maaari ka ring umorder sa Shoppee o di kaya ay humanap sa mga surplus stores. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang mga bento box designs at recipes na gusto mong i-share? I-comment mo na o di kaya ay ibahagi sa mga ka-mommies natin sa Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles