celebrity,Tagalog,cooking tips,Dingdong Dantes,Marian Rivera,courtship,Marian Rivera Sa Kung Paano Niya 'Nabighani' Si Dingdong Dantes,celebrity, Marian Rivera, Dingdong Dantes, cooking, cooking ideas, sinigang, cooking with kids, cooking tips,Ikinuwento ni Marian Rivera kung paano niya nabigyani ang leading man niyang si Dingdong Dantes, na ngayon ay asawa na niya ng halos walong taon.
LifeFood

Ikinuwento Ni Marian Rivera Kung Paano Niya 'Nabighani' Si Dingdong Dantes

Ikinasal sina Marian at Dingdong noong December 30, 2014.
PHOTO BYInstagram/marianrivera

Noon pa mang na nagsisimula si Marian Rivera sa showbiz ay sinasabi na niyang lumaki siya sa kanyang lola na si Francisca Rivera sa Cavite. Nagtrabaho kasi ang nanay niyang si Amalia Rivera sa Spain, na siyang home country ng tatay niyang si Francisco Javier Gracia Alonso.

Sinasabi rin ni Marian sa press interviews na natuto siyang magluto sa kanyang lola. Ibinahagi naman niya kamakailan sa isang event na dinaluhan ng Smart Parenting ang unang putahe na natutunan niyang gawin.

"Sinigang," ang sagot ng actress/TV host/product endorser/entrepreneur sa aming tanong. Dugtong niya, "At doon ko nabighani ang asawa ko," patungkol sa kapwa niya artistang si Dingdong Dantes.

Nagbalik tanaw si Marian noong panahong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon ni Dingdong. Taong 2009 ito, kung kailan nasa ikalawang teleserye na sila ng pinagbibidahan, ang Dyesebel. Dalawang taon na rin ang nakalipas nang una silang magtambal sa MariMar, na nagpasikat kay Marian at nagpakilala pa nang husto kay Dingdong.

Noong panahon na iyon, sabi ni Marian, tinanong siya ni Dingdong, "Do you know how to cook?" Ang sabi naman daw niya, "Okay lang."

Paliwanag niya habang nasa event, "Siyempre pa-humble effect lang ako. Di n’ya alam, Caviteña, ako pa ang nagtatadtad. Walang tingin-tingin." Tinutukoy ni Marian ang gamit na pang-asim sa kanyang sinigang.

Kuwento niya, "’Yun talaga ang tinuro ng lola ko sa akin. Maraming version ’yan. Puwedeng gamitin ang sampalok, literal, o instant. ‘Yung puro na maglalaga ka…Pag walang time, instant, pero kung may time ka, why not? Gamitin ang purong sampalok."

watch now

Pinatotohanan ni Marian ang kasabihang, "The way to a man's heart is through his stomach," dahil nauwi sila nila ni Dingdong sa kasalan noong December 30, 2014. May dalawa na silang anak: Zia, 7, at Sixto, 3.

Ang pagluluto rin ni Marian ang susi sa pagiging maganang kumain ng dalawang bata. Aniya, "Siguro kung nakikita niya ’yung nagluluto, magana ring kumain. Sa family namin, ’yan ang aming bonding: eating. Mahilig kaming kumain na pamilya."

Sabi pa ni Marian, magandang bonding activity ang pagluluto kasama ng mga anak. Mainam daw na patulungin ang mga bata basta simpleng putahe lang, tulad ng no-bake dessert, na kailangan lang paghaluin ang mga sangkap. Si Zia raw ang katulong niya talaga sa pagluluto, pero mas nahihilig ang panganay niya ngayon sa baking.

Payo ni Marian na huwag mag-alala kung magkalat ang mga bata habang nagluluto. Punto niya, "Parang mas cute nga na messy. Hindi sila matatakot na magkamali. Kapag [istrikto] ‘Ay, natapon’ the more na nawawala sila ng ganang matuto.

"So okay lang  na magkalat sila, tumikim sila. Part din na matututo sila. Wala rin naming perfect na parenting. Kahit ako, natututo sa mga anak ko."

Basahin dito at dito para sa recipes na puwedeng gawin kahit toddler ang katulong sa pagluluto.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close