Kung kayo ay madalas mamili sa palengke, maaring napansin na ninyo kung gaano kadami ang supply ng mangga nitong panahong ito. Ito ay dahil sa tinatayang mahigit 2 milyong kilo ng mangga na sobrang supply ngayong buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA). Maaring mabulok at masira ang mga ito kung hindi ito maibenta.
Dahil dito, inilunsad ng DA ang Metro Mango campaign kung saan ang isang kilo ng mangga ay mabibili sa halagang Php 20 hanggang Php 50 lamang — malaking bawas mula sa regular nitong presyo. Gayunpaman, ito ay para lamang sa mga bibili ng mangga ng bulto.
Ang mga discounted na kilo ng mangga ay mabibili sa Department of Agriculture Central Office sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City at sa Bureau of Plant and Industry sa Malate, Manila. Available din ang mga ito sa Muntinlupa City Hall, Paranaque City Hall, at ilang piling Waltermart branches.
Sa murang halaga ng mangga ngayon, bakit hindi samantalahin at gumawa ng panghimagas para sa buong pamilya? Heto ang ilang no-cook recipes mula sa Yummy.ph na madali lamang gawin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
No-cook mango desserts
Easy Mango Strawberry Popsicle
PHOTO BY Patrick Martires
Dalawang ingredients lang ang kailangan para dito: mangga at strawberry, at 10 minuto lamang ang paghahanda! Kunin ang recipe dito.
No-Bake Mango Cream Pie
PHOTO BY Yummy.ph
Siguradong magugustuhan ng buong pamilya ang recipe na ito kung saan magsasama ang tamis ng mangga at linamnam ng cream! Kunin ang recipe dito.
Ice cream ba ang hanap? Imbes na bumili, sundin na lang ang recipe na ito na gumagamit ng 3 ingredients lamang. Kunin ang recipe dito.
Easy Mango Parfait
PHOTO BY Yummy.ph
Ang parfait ay isang frozen dessert na gawa sa prutas, cream, at broas. Narito ang isang madaling recipe na kayang gawin sa 15 minuto! Kunin ang recipe dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
No-Bake White Chocolate Mango Cheesecake
PHOTO BY Yummy.ph
Cheesy at creamy na may tamis ng mangga — talagang panalo ang no-cook recipe na ito! Kunin ang recipe dito.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.