-
5 Bagay Na Natutunan Ng Isang Doktor Para Ligtas Ang Pag-Iinit At Pag-Iimbak Ng Pagkain
Maaaring maiwasan ang hatid na panganib ng chemicals mula sa plastic food container.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Hindi lang sa pagkain ng masustansya natatapos ang pagiging malusog ng katawan, matibay na immune system, at malayo sa sakit. Malaking bagay din na piliin ang mas ligtas na pamamaraan ng pag-iimbak at pag-iinit ng pagkain. May ilang tips para magawa ito.
Detox the refrigerator
Kuwento ni Dr. Celeste Gomez, isang medical expert mula sa The Medical City Pediatrics at Institute of Functional Medicine, na dating puno ang kanilang refrigerator ng plastic containers. Nagdesisyon siyang mag-detox sa pamamagitan ng pagpapalit ng plastic para sa mas ligtas gamitin na glass containers.
Paliwanag niya sa interactive session na hatid ng Promil Organic milk brand nitong August 13, 2020, ang plastic containers ay may taglay na chemicals, gaya ng bisphenol A (BPA), na masama ang epekto sa kalusugan. Ilang pag-aaral ang ginawa na sa United States na nagpapakita ng masamang epekto ng chemicals sa endocrine system, male reproductive system, at iba pa.
What other parents are reading
Reuse empty wine bottles
Para hindi na bumili si Dr. Gomez ng glass containers pamalit sa mga gawa sa plastic na sisidlan ng tubig, ginagamit na lamang niya ang mga naitabing wine bottles. Aniya, “I clean and sterilize them, then I put water in them and put something as cover.”
Recycle glass packaging
Bukod sa wine, marami pang ibang produkto na inilalagay sa babasaging bote, at iyon ang piliing bilhin kesa sa mga nakalagay sa plastic. Mabuti ito sa kalusugan at pati na rin sa kalikasan.
Pagkatapos maubos ang laman ng bote, maaaring hugasan ito para magamit pa sa ibang bagay. Isa sa mga ito bilang storage ng grocery items, tulad ng asukal, asin, paminta, at marami pang iba.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAvoid recycling plastic food containers
Naiintindihan ni Dr. Gomez kung nasasayangan ang mga nanay na tulad niya sa mga plastic containers na kadalasang ginagamit sa food delivery. Pero babala niya na may hatid na panganib ang plastic, lalo na kung nadaanan ito ng init.
Mas mainam daw na gumamit ng glass food containers bilang lalagyan, halimbawa, ng ulam na itatabi sa ref. Kung iinitin ang ulam sa microwave, walang chemicals na hahalo sa pagkain, di tulad kung plastic ang gamit.
Make an achara to preserve veggies
Ang mga gulay na organic ay hindi talaga tumatagal na sariwa, ayon pa kay Dr. Gomez, dahil walang “wax or preservatives” ang mga ito. Kaya suhestiyon niya na kung mahihirapan na makonsumo kaagad ang mga gulay, gawing atchara ang mga ito para hindi mabulok at masayang.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments