embed embed2
  • 10 Best Parenting Advice Na Magbabago Sa Buhay Mo Bilang Magulang

    Narito ang ilang piraso ng words of wisdom na maaari mong gamiting gabay sa pagiging nanay.
    by Ana Gonzales .
10 Best Parenting Advice Na Magbabago Sa Buhay Mo Bilang Magulang
PHOTO BY iStock
  • Bahagi na yata ng pagiging magulang ang walang humpay na pag-aalala at pag-iisip na may mali kang ginagawa pagdating sa pagpapalaki ng iyong mga anak. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nabuo ang aming Facebook group na Smart Parenting Village—para magkaroon ang mga magulang ng lugar kung saan sila malayang makakapagbahagi ng mga tips at hacks na makakapagpadali ng kanilang mga buhay.

    Kamakailan nga ay nakita namin ang isang napakagandang tanong mula sa isa sa mga miyembro na si mommy Eurish Javiñas.

    What is the best piece of parenting advice you've ever received?

    Marami ang nagbahagi ng kanilang mga sagot kaya naman naisip naming ipunin ang ilan sa mga pinakamagaganda para makatulong sa ano mang pinagdadaanan mo ngayon bilang magulang.

    Maging mabuting halimbawa

    Kung nag-aalala ka sa asal ng anak mo, isa lang ang pwede mong gawin—ang maging mabuting halimbawa sa kanila. Gaano mo man sila kadalas na pagsabihan at ilang beses mo man silang basahan ng mga libro tungkol sa mabubuting asal, hindi nila ito matututunan sa iyo kung hindi mo ito ipapakita sa kanila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw ang unang-unang dapat maging ehemplo kung anu-ano ang mga dapat at hindi dapat na ugali ng anak mo.

    What other parents are reading

    Enjoy the moment / Take it one day at a time

    Mabilis lumaki ang mga bata. Hindi mo namamalayan, mga dalaga at binata na sila. Kaya naman mahalagang i-enjoy mo ang mga moments na bata pa sila. Maraming mga nanay sa Village ang nagsabing mabilis ang panahon. Gaano ka man kapagod o stressed, importanteng iappreciate mo ang bawat sandaling nariyan pa sila sa tabi mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Choose presence over presents

    Maraming mga nanay rin ang nagsabi na ang mga materyal na bagay ay pwedeng palitan at ang pera ay pwedeng kitain, pero ang oras, kailanman ay hindi mo na maibabalik.

    Piliin mo ang quality time kaysa laruan, regalo at kung anu-ano pa. Mas maaalala ng mga anak mo ang moments kaysa materyal na bagay.

    What other parents are reading

    Huwag mong itrato bilang 'investments' ang mga anak mo

    Hindi mo sila ipinanganak para maging 'investments'. Hindi mo sila dapat ituring na assurance at insurance ng magandang buhay mo paglaki nila. Hindi rin dapat na responsibilidad ng panganay mong anak na buhayin ang kanyang mga kapatid. Ang responsibilidad na iyon ay mananatili sa inyo ng iyong partner bilang mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lilipas din ang hirap

    Hindi habangbuhay na iiyak ang anak mo dahil nag-ngingipin siya. Hindi rin habangbuhay na mahihirapan kang painumin siya ng gatas o pakainin o patahanin kapag umiiyak siya. Ang mga ito ay lilipas din at minsan ay mas mabilis pa sa inaakala mo.

    What other parents are reading

    Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba

    Mahihirapan kang makita ang mga bagay na dapat mong ipagpasalamat kung palagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa ibang mga nanay. Bagaman mahirap na hindi magkumpara, lalo na sa panahon ngayon ng internet at social media, kailangan mo itong i-praktis, para na rin sa iyong sariling mental health.

    Mahirap nang maging magulang, huwag mo nang mas pahirapan pa ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkukumpara.

    Irespeto mo rin ang iyong mga anak

    Importante na nakikinig ka rin sa mga sinasabi ng mga anak mo. Isa itong magandang paraan para maramdaman nila na importante rin ang kanilang mga sinasabi. Kapag marunong kang makinig sa mga anak mo, matututunan din nilang makinig sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Huwag mong disiplinahin ang anak mo sa harap ng ibang tao

    Malaki ang magiging impact ng pamamahiya sa iyong anak. Maaari siyang lumaki na takot magkamali o di naman kaya ay mahiyain. Disiplinahin mo ang iyong anak nang hindi sumisigaw, sa loob ng isang kwarto kung saan ligtas siya at hindi siya mapapahiya.

    Huwag idamay ang bata sa away matanda

    Hindi mo dapat pagbuntunan ng galit ang anak mo, ano man ang kalagayan ng relasyon mo sa iyong partner. Kailanman ay hindi nila dapat sisihin ang kanilang mga sarili sa ano mang nangyayari sa kanilang paligid.

    Alagaan mo rin ang iyong sarili

    Hindi mo maaalagaan ng tama ang iyong pamilya kung sarili mo mismo ay hindi mo inaalagaan. Kailangan mo ring bigyan ng panahon ang iyong sarili para mag-relax at mag-pursue ng mga bagay na gusto mong gawin. Mag-recharge ka kung kailangan para mas maayos mong maalagaan ang iyong pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mayroon ka rin bang natanggap na best parenting advice na hindi mo makalimutan? I-share mo na iyan sa comments section. Gusto mo bang makakita pa ng mas maraming parenting advice? Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles