embed embed2
  • P14.75 Hanggang P930, 3 Brands Ng Containers Na Pwedeng Ilagay Sa Freezer

    Ito ang mga brands ng containers na pwede mong gamitin para mas maging maayos ang freezer ninyo.
    by Ana Gonzales .
P14.75 Hanggang P930, 3 Brands Ng Containers Na Pwedeng Ilagay Sa Freezer
PHOTO BY Facebook/EcosolutionsPH and LocknLock
  • Alam mo bang malaki ang matitipid ninyo kung maayos at malinis ang freezer ninyo? 

    Ayon sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, mas madaling i-manage ang mga tirang pagkain kung mayroon kayong mga kaukulang lalagyan para dito. 

    More from Smart Parenting

    Bukod pa riyan, mas madali ring i-budget ang mga karne at iba pang ingredients kung mayroon itong tamang lalagyan at kung nakasalansan ito nang maayos sa freezer.

    Kung punong-puno kasi ng iba't-ibang klaseng supot at kung anu-ano pa ang freezer ninyo, mas malaki ang chance na hindi ninyo makikita ang mga pagkaing mayroon kayo.

    More from Smart Parenting

    Mas madali rin ang prep time ninyo kung organisado ang freezer ninyo. Hindi niyo na kailangan pang maghalukay at manghula kung ano ang laman ng alin at kung gaano na ito katagal sa freezer. 

    Kaya naman para mas maging maayos ang freezer ninyo, inilista na namin ang mga brands ng mga freezer-safe containers na pwede ninyong gamitin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Saan makakabili ng mga freezer-safe containers?

    Ecosolutions PH

    (Facebook: @EcolutionsPH)

    Hindi lang pang negosyo ang mga itinitinda nilang eco-friendly containers—pwede rin ang mga ito para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ninyo sa bahay. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa kanilang Facebook page, 100% plastic-free ang kanilang mga containers. Gawa ang mga ito sa sugarcane bagasse at makakaasa kang gluten-free at ligtas gamitin sa inyong freezer, kahit sa loob ng microwave.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Leak-proof din ang mga takip kaya sigurado kang hindi maghahalo-halo ang amoy o katas ng ano mang ilalagay mo dito. 

    Marami kang pagpipilian na sukat at laki ano man ang inyong pangangailangan. Halimbawa, ang kanilang 950ml Deep Rectangle Box ay nagkakahalaga lang ng Php14.75 kada piraso. 

    Mayroon din silang mga trays na nagkakahalaga ng Php40 kada piraso. Pwede ang mga ito kung marami kayong kailangang iimbak sa freezer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pumunta lang kayo sa website nila na https://ecolutionsph.com/ para umorder. 

    More from Smart Parenting

    LocknLock

    (Facebook: @LocknLockPhilippines)

    Isa ang brand na ito sa mga pinakakilalang matibay at maaasahang brands ng mga  food containers. Bagaman bahagyang may kamahalan, makakasiguro ka namang hindi ito basta-basta mabibitak sa loob ng freezer. 

    PHOTO BY Facebook/LocknLock
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa riyan, spill-proof din ang LocknLock kaya sigurado kang walang matatapon at hindi maghahalo-halo ang amoy at lasa ng pagkain sa freezer. 

    Marami ring mga sizes na pagpipilian kaya naman hindi ka mauubusan ng mga options gaano man kalaki ang kailangan mo. Nagkakahalaga ng Php250 hanggang Php930 ang kanilang mga freezer-safe containers depende sa pangangailangan mo.

     

    PHOTO BY Facebook/LocknLock
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    More from Smart Parenting

    Locaupin PH

    (Facebook: @LocaupinPhilippines)

    Kilala ang brand na ito, hindi lang sa kanilang mga freezer-safe containers, kundi pati na rin sa kanilang mga organizers. 

    Sa kanila ka makakabili ng mga trolleys, kitchen racks, at iba pang pwede mong gamitin para mas maging maayos ang bahay ninyo. 

    Bukod sa maganda, mura at abot-kaya rin ang kanilang mga containers. Php250 lang ang kanilang 4-piece set na pwede kahit saan sa loob ng refrigerator ninyo. Mabibili mo ang mga ito sa Lazada. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan lamang ito sa mga freezer-safe containers na pwede ninyong pagpilian. Environment-friendly man o plastic ang hanap ninyo, mayroon kayong mabibili. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles