embed embed2
  • Ang Bango! All-Purpose Cleaner Gawa Sa Orange Peel At Iba Pa

    Ibinahagi ng mga nanay mula sa Smart Parenting Village ang kanilang mga natural cleaners.
    by Ana Gonzales .
Ang Bango! All-Purpose Cleaner Gawa Sa Orange Peel At Iba Pa
PHOTO BY Alelly Hernane
  • Dahil sa dami ng mga naglalabasang bagong sakit ngayon, mas nagiging mabusisi ang mga magulang pagdating sa kalinisan at kalusugan ng mga anak nila. May isang nanay nga na nakagawa ng sarili niyang brand ng cleansers dahil sa kagustuhang mapanatiling malinis ang tahanan nila.

    Alam mo ba na hindi mo kailangang gumastos ng malaki para lang mapanatiling malinis at mabango ang bahay ninyo? May mga sangkap sa bahay ninyo na pwede mong gawing cleaner!

    Narito ang ilan sa mga ibinahagi sa amin ng mga nanay na miyembro ng Smart Parenting Village:

    Orange Peel All-Purpose Cleaner

    Dahil maraming orange peel sa bahay sina mommy Alelly Hernane, naisipan niyang gawin itong all-purpose cleaner. Ganito lang ang gagawin mo:

    1. Ipunin sa isang lalagyan ang mga orange peels.
    2. Lagyan ng isang tasa ng suka at isang tasa ng tubig. Pwede ring isang tasa ng suka sa dalawang tasa ng tubig.
    3. Ibabad ang orange peels sa water and vinegar solution ng tatlo hanggang pitong araw.
    4. Pagkatapos ibabad, ilipat na ito sa spray bottle. Huwag isama ang balat ng orange! Salain ito gamit ang strainer.
    Tatlong sangkap lang, may natural all-purpose cleaner ka na!
    PHOTO BY Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo ni mommy Lely, mas maganda kung isang tasa ng suka at dalawang tasa ng tubig ang gagamitin para hindi masyadong matapang ang amoy at hindi rin malagkit. "Okay na okay ito kasi [sa halip] na itapon ang orange peel, magagamit pa itong panlinis," kwento niya sa kanyang post sa Smart Parenting Village. "Mura at tipid na, environment-friendly pa—at take note! Wala itong chemicals compared sa ibang mga panlinis," dagdag pa niya.

    Pwede itong gamitin para sa door knobs, lamesa, upuan, tiles, at sahig. Pwede rin itong gamiting panlinis ng stove at counter sa kusina o 'di naman kaya sa toilet bowl sa banyo.

    More from Smart Parenting

    Kalamansi All-Purpose Cleaner

    Tulad ng lemon, pwede mo ring gamitin ang mga napiga nang kalamansi. Ipunin mo lang ang balat nito sa isang lalagyan, saka mo ito samahan ng isang tasang tubig at dalawang tasang suka.

    Maganda itong pantanggal ng mantika at natuyong sebo sa lababo at lutuan. Maganda rin itong panlinis ng lababo sa banyo dahil bahagyang mas matapang ito kaysa sa orange peel cleaner.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Lemon All-Purpose Cleaner

    Kung gusto mo naman ng mas matapang pa, pwede mong gamitin ang lemon. Ipunin mo lang ang mga balat tulad ng sa dalawang nauna, at saka mo ulit lalagyan ng isang tasang suka at dalawang tasang tubig.

    Maganda naman itong gamiting panlampaso sa sahig o pamunas sa mga lamesa at salamin.

    More from Smart Parenting

    Payo pa ng mga nanay, huwag mag-alala dahil hindi mag-aamoy panis (o suka) ang bahay ninyo. Sa katunayan, mas magiging mabango pa nga ito lalo na kung orange at lemon ang gagamitin mo.

    Pwede ring ibabad sa suka ang mga balat at saka lang lalagyan ng tubig kapag ililipat mo na sa spray bottle. Sa ganitong paraan, talagang mas concentrated ang all-purpose cleaner mo. Paborito itong gamitin ng mga nanay sa baby chairs ng mga anak nila dahil wala itong harsh chemicals na maaaring makasama sa mga bata.

    Nakagamit na ba kayo ng natural all-purpose cleaners? Kumusta ang inyong experience? Anu-anong citrus fruits ang ginamit ninyo? I-share mo na 'yan sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles