embed embed2
  • Heto ang Listahan ng Mga Disinfectant Na Makakapatay Ng Coronavirus

    Maaring mag-survive ang coronavirus sa mga ibabaw ng mesa, sa banyo, at sa iyong telepono
    by Lei Dimarucut-Sison .
Heto ang Listahan ng Mga Disinfectant Na Makakapatay Ng Coronavirus
PHOTO BY Vasyl Dolmatov/iStock
  • Dahil sa lawak at bilis ng pagkalat ng coronavirus, hindi maiiwasang lahat na lang ng bagay ay ating paghihinalaan. May humatsing o umubo? Coronavirus. Nilalagnat ang officemate? Coronavirus. Huwag hawakan ang door knob. Huwag hawakan ang mukha. Mag-hand sanitizer. Sabi nga, mas maganda nang maging "germophobe" sa mga panahong ito. 

    Ang paghuhugas ng kamay pa din ang siyang pinakamabisang panlaban sa coronavirus, sabi ng Center for Disease Control and Prevention. Pero malinis man ang ating mga kamay, maari pa ring manatili ang coronavirus sa mga kagamitan sa bahay. 

    Ayon kay Dr. Charles Chiu, isang infectious disease professor sa University of California, "The range of persistence on surfaces was less than five minutes to nine days." Nailathala ang pag-aaral niya sa Journal of Hospital Infection noong Pebrero 2020. 

    Sa pag-aaral na ginawa ng National Centre for Infectious Diseases at ng DSO National Laboratories sa Singapore, napag-alamang ang coronavirus ay maaring manatili sa mga banyo at kuwarto na ginamit ng mga maysakit nito, partikular na sa mga switch ng ilaw, salamin ng bintana, mga upuan, lapag, at kama.

    What other parents are reading

    Noong Marso 6, 2020, naglabas ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ng listahan ng mga brand ng disinfectant na nakakapatay ng coronavirus. Kasama sa listahan ang mga sumusunod na brands:

    Clorox Healthcare® Bleach Germicidal Cleaner Spray (Ready to Use o RTU)

    Clorox Multi Surface Cleaner + Bleach (RTU)

    Clorox Pet Solutions Advanced Formula Disinfecting Stain & Odor Remover (RTU)

    Clorox Disinfecting Bleach2 (Dilutable)

    Clorox Performance Bleach1 (Dilutable)

    Clorox Germicidal Bleach3 (RTU)

    Clorox Clean Up Cleaner + Bleach (RTU)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Clorox Disinfecting Bathroom Cleaner (RTU)

    Clorox Disinfecting Wipes

    Clorox Toilet Bowl Cleaner with Bleach (RTU)

    Lysol Power Plus Toilet Bowl Cleaner (RTU)

    Lysol Cling & Fresh Toilet Bowl Cleaner (RTU)

    Lysol Bleach Mold and Mildew Remover (RTU) 

    Lysol Clean & Fresh MUlti-surface Cleaner (Dilutable)

    Professional Lysol Disinfectant Spray (RTU) 

    Purell Professional Surface Disinfectant Wipes

    Tingnan ang buong listahan.

    "Using the correct disinfectant is an important part of preventing and reducing the spread of illnesses along with other critical aspects such as hand washing," sabi ni EPA Administrator Andrew Wheeler.

    What other parents are reading

    Ayon kay Elizabeth Scott, Ph.D., co-director sa Boston's Simmons Center for Hygiene and Health in Home and Community, ang pitong bagay na ito ang dapat pagtuunan ng pansin kapag nagdi-disinfect sa bahay, lalo na kung mayroong may sakit:

    1. Mga mobile phone. "Cold and flu viruses survive on them, anywhere from a few hours to a few days," sabi niya.

    2. Mga remote control. Isa ito sa mga gamit na gamit sa bahay at madalas ay pinagpapasa-pasahan pa. 

    3. Ang banyo -- partikular ang gripo sa banyo. 

    4. Ibabaw ng mga mesa. Punasan ang mga ito ng malinis na basahang may disinfectant bago at pagkatapos silang gamitin.

    5. Computer at laptop. 

    6. Mga laruan at stuffed toy. Labhan o hugasan ang mga ito kung maari, ayon sa care instructions.

    7. Bedsheet, kumot, at mga tuwalya. Pumili ng anti-bacterial na sabon o bleach (basahin ang instructions para maiwasan ang pagkupas ng mga de-kolor).  

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close