home tips,Tagalog,inspiring stories,house construction,inspiring Pinoys,syn-00370,Bahay Sa Halagang P50,000? Ganito Ang Diskarte Ng Isang Tatay,dream home, house construction, inspiring stories, inspiring Pinoy, inspiration,Ganito ang diskarte ng isang tatay para maipatayo ang family home sa halagang P50,000.
LifeHome

Bahay Sa Halagang P50,000? Ganito Ang Diskarte Ng Isang Tatay

Naipatayo ang family home, na may sukat na 14x16 feet at may aircon, sa loob ng 25 araw.
PHOTO BYFacebook/Russel Simorio

Maraming netizens ang humanga sa isang ama na naitayo ang bahay sa halagang PHP50,000.

Kinilala ang lalaki bilang si Henry Tugot, asawa ni Rejeen Tugot, at mayroon silang dalawang anak.

Na-post sa Facebook ang mga larawan ng bahay na itinayo ni Henry: mula sa hollow blocks, semento, at plywood.

Ang PHP50,000 na ipon ni Henry ay galing sa mga pa-extra-extra niyang trabaho, ayon sa post ng news reporter na si Russel Simorio.

Ang nakamamangha pa kay Henry, nagawa niyang itayo ang simpleng tirahan sa loob ng dalawampu’t limang araw.

article image
PHOTO BY Courtesy of Russel Simorio
article image
PHOTO BY Courtesy of Russel Simorio

Sa kabuuang sukat na 14x16 feet, ang bahay ay may isang kuwarto, living room, kusina, at terrace.

Base sa photos ay nakabitan pa ng air-con ang bahay.

Maliit man ang sukat ng bahay ay walang dudang na-maximize ni Henry ang kanyang espasyo.

Sa mga nai-post na larawan, makikita ang before and after photos ng small house: mula sa balangkas nito hanggang sa pagpipintura hanggang sa finished product.

watch now

Ang paggamit ng pintura at makulay na wallpaper ay nagpaganda sa itsura ng loob at labas ng bahay.

Sa labas ay pinuno pa ito ng mga halamang nakapaso para dagdag dekorasyon. Ang cute!

article image
PHOTO BY Courtesy of Russel Simorio

 

This story originally appeared on Pep.ph.

*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close