-
Paano Gamitin Ang Baking Soda Bilang Gamot, Panlinis, Paglalaba At Iba Pa!
Madalas mapagkalituhan ang baking soda sa baking powder.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Hindi dapat nawawala ang baking soda sa kusina, banyo, at iba pang parte ng bahay. Napakarami kasing benepisyo ng baking soda, at nagagamit ito mula sa pagluluto at panggamot hanggang sa paglilinis ng katawan, kagamitan, at kapaligiran.
Benepisyo ng baking soda
Baking soda ang kilalang tawag sa chemical compound na sodium bicarbonate. Ito ay kulay puti, itsurang pulbos na kristal (crystalline powder), walang amoy, may kaunting asim sa panlasa, at hindi nakakalason. Napakarami benepisyo ng baking soda sa loob at labas ng kusina.
Baking soda bilang gamot
Pinaniniwalaang nakakatulong nakakagamot ang sodium bicarbonate sa ilang karamdaman at kondisyon:
- Metabolic acidosis Sanhi ito ng malalang sakit sa bato (kidney); diabetes, circulatory insufficiency dulot ng shock o dehydration; extracorporeal circulation of blood; cardiac arrest, at severe lactic acidosis.
- Uric acid crystallization. Dagdag tulong kapag umiinom na ang pasyente ng uricosuric medication sa gout.
- Severe diarrhea. Kasabay ito ng substantial GI bicarbonate loss.
- Stomach pain. Kung dulot ito ng hyperacidity
- Sunburned/Itchy skin. Maiibsan ang pakiramdam kapag nilagyan ng baking soda ang pampaligong tubig.
- Insect bite. Paghaluin ang baking soda at konting tubig para makagawa ng paste, na siyang ipapahid sa parte ng katawan na may kagat ng insekto.
- Canker sores. Lagyan ng 1 teaspoon na baking soda ang 1/2 cup na maligamgam na tubig upang mawala ang singaw sa bibig.
Baking soda para sa personal hygiene
Mainam at mabisang gamitin ang baking soda bilang all-natural at eco-friendly na produkto:
- Mouthwash at teeth whitener. Dahil may antibacterial at antimicrobial properties ang baking soda.
- Deodorant. Natatanggal ang masamang amoy ng pawis sa kili-kili dahil ginagawang less acidic ito ng baking soda.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBaking soda sa sa kusina
Madalas mapagkalituhan ang baking soda sa baking powder dahil halos magkapareho sila ng itsura at parehong ginagamit sa pagbi-bake.
Mainam ang baking soda kung kailangan ng agarang pag-alsa ng bini-bake, at baking power naman kapag kailangang maghintay muna ang pag-alsa. Ang baking powder kasi ay pinaghalong sodium bicarbonate at dalawang klase ng acid (monocalcium phosphate at sodium acid pyrophosphate/sodium aluminium sulfate.
Bukod sa pagluluto, may iba pang benepisyo ng baking soda na makikita sa iba-ibang paraan:
- Pangtanggal ng pesticides, wax, putik, at ibang dumi sa mga fresh fruits at vegetables. Ibabad ang mga gulay at prutas sa palanggang may tubig at baking soda ng ilang minuto bago hugasan muli at iluto o di kaya itabi muna.
- Panglinis ng refrigerator gamit ang maligamgam na tubig na may halong baking soda. Maglagay na din ng purong baking soda sa isang maliit na sisidlan na walang takip at ilagay sa may likurang bahagi ng ref upang mapigilan ang masamang amoy.
- Panglinis ng iba pang applicances, gaya ng oven, toaster oven, at microwave.
- Pang-alis ng bara sa lababo. Una, lagyan ng 1 cup na baking soda kung saan may bara at saka buhusan ng 1 cup na suka. Maghintay ng ilang minuto at saka buhusan naman ng kumukulong tubig.
- Pangtanggal ng coffee at tea stain. Punasan ang mga tasa gamit ang basang sponge at baking soda paste (na gawa sa baking soda at kaunting tubig). Ganito din ang gawin sa stained marble, tarnished silver, grease stains, at kitchen tiles.
- Pangtanggal ng sunog na parte ng kaldero. Magpakulo ng tubig sa kaldero at patayin ang apoy. Maglagay ng 1/2 cup na baking soda sa kaldero at ibabad magdamag. Kinabukasan, madali nang linisan ang kaldero.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBaking soda bilang tulong sa banyo at paglalaba
Subok na ang bisa ng baking soda bilang produkto na ligtas sa kalusugan at kalikasan, kaya mas mainam ito kesa sa mga nabibiling gawa sa kemikal.
- Panglinis ng bathroom tiles, toilet bowl, shower, at sink. Ipahid ang baking soda paste gamit ang sponge at maghintay ng 20 minutes bago punasan ng basahan
- Panglinis ng toothbrush bristles. Magdamag na ibabad ang toothbrush sa maligamgam na tubig na may halong baking soda.
- Pangtanggal ng mantsa sa damit mula sa pawis. Gumawa ng malapot na baking soda paste at ipahid sa parte ng damit na may matsa. Maghintay ng isang oras at saka labhan. Maaari rin na haluan ng baking soda ang detergent power para mas pumuti ang mga damit na lalabhan.
Tunay na maraming benepisyo ang baking soda. Mainam na subukan at alamin kung saan pa ito pupuwedeng magamit.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments