-
Busy Lagi? May Nadiskubre Kaming Mabilis Na Paraan Ng Paglilinis
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming roles na ginagampanan ang mga nanay. Bukod sa pag-aalaga sa mga bata, kayo ring mga nanay ang punong-abala sa paglilinis ng bahay.
Pero paano kung nagtatrabaho ka pa? Paano kung kailangan mo pang i-homeschool ang anak mo? Paano kung dalawa (o tatlo) ang mga batang inaalagaan mo? Paano kung wala ka nang panahong maglinis?
Pwede mong subukan ang FlyLady Cleaning Method.
Nagtrending ito sa Pinterest
Ayon kay organizing specialist Marla Cilley, ang tinaguriang FlyLady, ang paglilinis ay dapat ginagawa kada 15 minuto.
Ang paliwanag sa likod nito: hindi dapat nakakapagod at labis na nakakastress ang paglilinis. Kapag hinati-hati mo ito sa maliliit na bahagi, mas magiging madali ito, lalo na kung limitado lang ang panahon mo para maglinis.
Kailangan mong mag-develop ng tinatawag na small habits
Maraming eksperto na rin ang nagsabi na kung gusto mong magkaroon ng mga magagandang habits, kailangan mo itong simulan isa-isa at paunti-unti.
Halimbawa, sanayin mo na ang sarili mo at ang mga anak mo na magligpit ng hinigaan pagbangon niyo pa lang. Ito ang pinaka-unang chore na na-accomplish mo sa araw mo. Pagkatapos, maligo ka na agad para hindi ka na tamarin.
Pwede ka na ring maglinis ng mabilis sa banyo—kung araw-araw mo itong gagawin, hindi magiging masyadong marumi ang banyo mo para kailanganin mo pa itong i-deep clean.
Pagkatapos mo dito, pwede ka nang magbihis at maghanda ng agahan at pakainin ang inyong mga alagang hayop kung mayroon man.
Kung nagtatrabaho ka, pwede ka nang magsimulang magtrabaho pagkatapos ninyong kumain. Ilagay mo lang muna sa plangganang may tubig ang pinagkainan ninyo para hindi tumigas at ipisin. Pwede mo itong hugasan mamaya, habang nagluluto ka ng tanghallian.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTama na muna ang household chores, dahil kailangan mo namang mag-focus sa trabaho, kung pang-umaga man ang trabaho mo. Kung hindi ka naman nagtatrabaho, ito ang panahon mo para sa mga anak mo.
Kung homeschooling ang mga anak mo, gamitin mo itong oras para sa sarili mo. Pwede kang mag meditate ng 5 hanggang 15 minuto, habang nagbabasa ng aralin ang mga anak mo.
Importante ring hatiin mo ang bahay ninyo sa iba't-ibang zones
Ito ang isa sa mga sikreto sa tagumpay ng FlyLady Cleaning Method. Payo ni Cilley, makakatulong kung hahatiin mo ang bahay ninyo sa limang zones:
- Zone 1 (First week of the month): Clutter sa buong bahay
- Zone 2 (First week of the month): Kusina
- Zone 3 (Second week of the month): Home office, craft area, children's bedroom
- Zone 4 (Third week of the month): Bedroom, bathroom, closets
- Zone 5 (Fourth week of the month): Sala / Living room
Narito ang isang halimbawa ng FlyLady Cleaning Method schedule.PHOTO BY Etsy via PinterestADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAyon sa zoning na ito, kung ano lang ang sakop ng zone na iyon, 'yun lang ang pagtutuunan mo ng oras at lakas—15 minutes kada araw.
Pasensya ang sikreto
Walang nanay na gusto ng makalat na bahay. Kaya naman normal na makaramdam ka ng pagkainis kung nakikita mong nagiging marumi ang bahay ninyo.
Sa pamamagitan ng FlyLady Cleaning method, nasasanay ka na mag-focus sa maliliit na cleaning habits. Sa ganitong paraan, hindi na maiipon ang kalat sa bahay ninyo.
Marami ka pang makikita sa Pinterest na mga routines at schedules na inspired mula sa FlyLady Cleaning Method. Mayroon din silang app na pwedeng tumulong sa iyo, dahil mayroon itong mga tips at reminders.
Ikwento mo sa amin sa comments section ang inyong progress gamit ang FlyLady Cleaning Method.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments