-
Real Parenting Define Stress-Free Life. Isa Sa Mga Sagot Ng Moms, 'Bumukod Ka'
-
News TikTok Asked To Block Underage Users After Death Of 10-Year-Old In 'Blackout Challenge'
-
Toddler Cases of Misdiagnosed ADHD Rising Because of Early School Enrollment, Harvard Study Finds
-
Toddler Parusa, Pagsigaw: Maling Gawain Sa Pagdisiplina Na Puwedeng Maiwasan, Ayon Sa Expert
-
Paano Ang Buhay ECQ Sa Mga Nanay Na May Babies Na 1-Year-Old Pababa
Sabi ng mga nanay, nakakamiss ang mga simpleng bagay.by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Marami ang nagbago sa ating mga buhay simula nang pumasok sa ating bansa ang banta ng COVID-19. Mula sa pagsuspindi sa mga local at international flights, hanggang sa pagkansela ng pasok ng mga bata at pagpapatupad ng enhanced community quarantine kung saan ipinagbawal na ang public transportation at ang paglabas-labas ng bahay.
Hindi rin natin inasahan ang bilis ng mga pagbabagong ito, kaya naman karamihan sa atin ay hindi lubos na nakapaghanda para sa community quarantine. Sa unang ilang araw at linggo, marami sa ating mga kababayan ang nagpanic buying habang ang ilan naman ay nagmamadaling umalis ng Metro Manila.
As of writing, kasalukuyan tayong nasa ika-37 araw ng enhanced community quarantine. Dapat ay noong isang linggo pa natapos ang quarantine ngunit base sa pag-aaral ng mga eksperto, hindi pa maaaring i-lift ang quarantine—patuloy pa rin kasing tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Lahat tayo ay hirap sa mga pagbabagong ito, ngunit karamihan sa atin ay masipag pa ring sumusunod sa sinasabi ng mga eksperto.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa aming Facebook group na Smart Parenting Village, halo-halo ang mga reaksyon ng mga magulang simula nang ipatupad ang quarantine, hanggang sa ngayong extended ito.
Ayon sa mga nanay, bagaman nakapahirap ng pinagdadaanan nating lahat, mayroon at mayroon pa ring magandang naidulot ang quarantine na ito. Narito ang ilan sa mga pros and cons ng quarantine at kung paano ang coping mechanisms ng mga nanay na may babies isang taon pababa:
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPRO: Sama-sama ang pamilya
Marami sa mga nanay sa sa Village ang malaki ang pasasalamat na kasama nila ngayon ang kanilang mga pamilya at nabigyan sila ng pagkakataon para magkaroon ng makabuluhang oras kasama ang isa't-isa.
"Okay na okay po ang quarantine namin ni baby. More bonding moments, more time to play with my baby. Sa bilis ng panahon ngayon, ang bilis din nilang lumaki kaya I treasure and enjoy every moment with my baby." – Joycell Molina Arbollente
"Ang ikinatuwa ko lang sa nangyaring quarantine ay nandito 'yung hubby ko, more time to bond with our baby. At the same time, siya ngayon ang nag-aalaga ng baby namin. Ang dami kong time para magluto at maglinis ng bahay." –Joan Martin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMore family time at playtime with baby naman ang nakita ni mommy Angel Calalang-Dy na mabuting naidulot ng quarantine sa pamilya nila. Ayon pa sa kanya, naging pagkakataon din daw ang quarantine para makapagluto sila ng home-cooked meals at makapag-focus sa proper hygiene at sanitation.
"At some point may advantage din ang quaratine. Nakakasama lagi ng in-laws ko si baby. Everyday silang naglalaro at masaya ang mga in-laws ko. At the same time, natutong maglakad ang baby ko kasi maluwag ang space dito at lagi siyang sinasamahan maglakad sa loob ng bahay ng lolo at lola niya." –Rakz Deloso
"I have my 9 month old baby girl. Nagpapasalamat ako sa quarantine kasi natupad 'yung pangarap ko maging full-time mom kahit alam kong limited time only lang. I am a working mom kasi at nasanay akong ilang oras ko lang siya sa isang araw naalagaan. Ngayon, I can give her all the time I have and mas nakakapag-pay ako ng attention sa mga needs and developments niya. Nakakapagod nung umpisa kasi hindi sanay buong araw nagaalaga pero masaya at feel na feel ang motherhood. No work no pay pero money can't bring back times and moments with my daughter like these." –Kathrine Malicdem Bautista
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPRO: Marami akong bagong natutunan tungkol sa asawa ko
Minsan, sa sobrang dami ng mga responsibilidad natin bilang mga magulang, hindi na natin masyadong nabibigyang pansin ang ating mga responsibilidad, maging ang ating mga pangangailangan, bilang asawa. Ngayong lahat tayo ay nasa bahay lang kasama ang ating mga asawa, marami tayong nadidiskubreng bago o 'di naman kaya ay naaalala tungkol sa ating mga asawa.
"Ang ikinatuwa ko, si hubby has more time at home. He can help out more with taking care of the baby. They have more bonding time and he realizes more my value as a wife and as a mother. Na 'di pala ganoon kadali. Nakita niya and naexperience niya na mahirap pala at 'di ganoon kasimple. Mas na appreciate niya 'yung role ko." –Diana Gernan Pedro
"Hirap na hirap husband ko na mag-alaga mag-isa. Send help naman daw. Ngayon alam niya kung gaano kahirap magbantay ng makulit na baby. Wala na daw sa oras ang kain niya pati pagligo niya. Para sa mga working parents, mas naappreciate namin talaga ngayon ang halaga ni yaya." –Nica Piao Bagus
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"I must admit that I'm even more in love with my husband now because he's like a pro when it comes to taking care of our baby. And now that we're stuck at home together, we thank the Lord for this opportunity to spend more time with our baby." –Ella MaraMelanie Dator Perez - Donaire
"This quarantine made me realized mas saulado ng asawa KO ung highs and lows energy ni baby kung kelan. Kaya I adjust not to one only but for them two. And I like learning new things about them." –Madeleine Guerra De Lira
CON: Nakakamiss ang mga simpleng bagay
Ayon sa mga nanay, namimiss nila ang mga simpleng bagay tulad ng pagpunta sa parke o ang malayang paglilibot kasama ang kanilang mga pamilya.
"Pinakamhirap lang [is when my child wants to go] out. She will get her shoes then head to the door and papaluin niya. So minsan, nilalabas siya ni hubby sa hallway para lang ma-satisfy 'yung lalabas siya ng pintuan." –Lala Tellano-Viray
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"My baby likes to go outside since mainit sa loob ng bahay at kulob yung hangin. Kaya we spend time sa mini terrace ng apartment namin during her playtime." –Helen Oli
"We are missing going to the park to get some fresh air but hanging out in the terrace works just fine." –RicRic
CON: Delayed ang bakuna ni baby
Hindi rin makapagpa-checkup ang mga nanay at ang kanilang mga anak. Ayon sa mga nanay, nalilito sila kung ano ba ang gagawin. Pwede ba silang pumunta sa health centers? O ayos lang na delayed ang bakuna ng kanilang mga anak?
"My [little one] is just 2 weeks old and mahirap pumunta sa hospital para magpacheckup and pabakunahan sya, wala din health center kaya medyo nagwoworry ako sa kanya." –Miki Doyugan
"Di pa makumpleto vaccines ni baby (5 months) kasi walang clinics and sa health center wala din. Worried baka malagpasan na yung maximum age limit ng vaccine." –Tere Piso Lee
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Downside is [that] we not able to go to pedia for vaccine schedule. But best to stay home than risk going to the hospital." –Avi Ging
"Downside is nalilito kami sa checkup, hindi namin alam kung itutuloy or hindi. Hindi namin alam kung pwede ba dalawang adults plus baby lalo na currently pregnant." –Dada Jabonillo
"Sinisipon at inuubo [si baby]. Ang mahirap di kami makalabas at makapunta sa pedia niya. But I try natural remedy like Oregano it works naman. Hoping mawala na." –Pau Guese-Asuncion
CON: Natatakot kami sa pwedeng maging epekto nito sa mga bata
"Dahil sa lockdown nahihirapan ako imaintain ang nasimulan ko na tamang kain sa anak ko, hindi makapasok ang mga delivery ng gulay sa lugar namin plus nagstop for the mean time ang online gulay seller na trusted ko. Nagwoworry ako baka di na tama ang nutrients na nakukuha niya. Sana maging free flow ang mga veggies and other foods." –Irene Llagas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"I have a 2-month-old baby boy. I'm breastfeeding, kaso hindi pa siya ganun kalakas, so nag-mix feed kami. Na-stress ang husband ko nung nagpatupad na ng quarantine kasi iniisip niya na 'yung worst case scenario na baka hindi ako mag succeed sa breastfeeding journey." –Paula Laceda
"As much as I like to do baby-led weaning, hindi ko magawa ng maayos kasi wala akong gamit. Pero ginagawan ko ng paraan. Ang pinakamahirap ay 'yung madalas na siyang magpabuhat at ayaw niya sa loob ng bahay." –Shannen Carpio
Ilan lamang ang mga ito sa pinagdadaanan ng mga nanay na may mga maliliit na anak ngayong nasa bahay ang buong mag-anak dahil sa community quarantine.
Kayo? Kumusta ang inyong mag-anak ngayong nasa bahay lang kayo? Anu-ano ang inyong mga coping mechanism? I-share niyo lang sa comments section.
Para sa iba pang mga balita at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network