embed embed2
  • Mga Halaman Para Sa Loob Ng Bahay: Maliit, Hindi Mahal At Hard To Kill

    Therapeutic ang pag-aalaga ng halaman.
    by Jocelyn Valle .
Mga Halaman Para Sa Loob Ng Bahay: Maliit, Hindi Mahal At Hard To Kill
PHOTO BY Pexels
  • Nitong ilang taong nagdaan, nagsimulang maging uso ang pag-aalaga ng indoor plants na parang pag-aaruga sa pet animals. Tumaas pa ang popularidad ng ganitong gawain nang kinailangang pumirmi sa tahanan bilang pag-iingat laban sa COVID-19. Naging mainam na libangan ang pagkakaroon ng halaman sa loob ng bahay dahil, ayon sa mga binansagang plantito, plantita, at halamom, nakakatanggal ito ng stress.

    “Therapeutic,” sabi nga ni Dana Santos, isang plant lover mula pa pagkabata. “It keeps you grounded and makes people happy.”

    Kaya naman nang magdesisyon siyang iwanan ang kanyang 15-year corporate job noong 2017, naisipan niyang magsimula ng bagong karera bilang plant artist/stylist. Pagkatapos, inanyayahan niya ang kanyang kapwa plant enthusiast na si Rose Calderon upang maisakatuparan ang kanyang “passion project,” na ngayon ay isa nang plant business na tinawag nilang Terrace House PH. 

    Aniya, hindi niya kinailangan ng malaking puhunan para magkanegosyo dahil siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang mga produkto sa pamamagitan ng pagtatanim at pagpapalago ng mga halaman. Katunayan, marami na siyang mga halaman sa bahay niya mismo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hard to kill na halaman sa loob ng bahay

    Para sa mga nagbabalak magsimulang mag-alaga ng halaman sa loob ng bahay, may ilang suhestiyon si Dana na personal niyang paborito dahil may kaliitan lamang, hindi mahal, at “hard to kill.”

    Air plants

    Dahil hindi kailangan ng lupa para mabuhay, perfect ang air plants sa mga taong ayaw ng lupa sa paso. Maaring ilagay ang air plant sa terrarium, basta siguraduhin na mayroon itong bukasan para sa air circulation.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Peace lily

    Isa ang peace lily sa best houseplants dahil iba-iba ang laki nito, maganda ang itsura, at nakakatulong na linisin ang hangin. Sapat na ang fluorescent light para ito mabuhay kaya tamang-tamang sa mga nakatira sa hindi masyadong naaaraw ang loob ng bahay.

    Aglaonema

    Maraming mga uri at hybrid ang aglaoneama, kabilang na ang pink, camouflage, at green foliage. Tiyak na gagawin nitong maaliwalas at maganda ang mga sulok ng bahay na kulang sa sigla.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Calatheas

    Tinuturing ang calathea na isa sa mga pinakamaganda at kapansin-pansin sa plant kingdom. Patayo ang itsura nito, hugis oblong, at may taglay na makukulay at matitingkad na mga dahon. Dahil sa angking bold markings, binansagan din itong zebra plant, peacock plant, at rattlesnake plant.

    More from Smart Parenting

    Tips sa pagbili ng indoor plants 

    May tatlong pangunahing payo si Dana sa pagbili ng halaman sa loob ng bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Piliin ang thick stocky stems

    Ang makapal na tangkay ay palatandaan na ang halaman ay malakas at malusog. Dahil matatag na ang halaman na may makapal na tangkay, mas malaki ang tsansa na malalampasan nila ang transition mula sa nursing pot hanggang sa bigger pot o kahit pa itanim sa lupa mismo, halimbawa, sa outdoor garden.

    Suriin ang kulay ng mga dahon

    Batay sa kondisyon ng mga dahon, malalaman na kung ang halaman ay malusog o hindi. Kaya doon na sa mayroong matingkad na kulay berde at huwag sa kulay brown na may kulubot. Kapag naninilaw na ang mga dahon, ibig sabihin hindi nadidiligan nang tama ang halaman.

    Busisiin ang soil condition

    Nagsisimula ang pagiging malusog ng halaman sa kanais-nais na kalagayan ng lupang tinamnan nito. Bilhin iyong nasa moist soil upang ang mga ugat ng halaman ay malayang kumalat at masipsip nang husto ang mga sustansya ng lupa.

    More from Smart Parenting

    Paano maging mabuting plant parent

    Bagamat mayroong green thumb si Dana kaya halos natural sa kanya ang pag-aalaga ng halaman, naiintindihan niya na hindi lahat ng tao ay katulad niya. May kahirapan daw talaga ang proseso lalo sa simula, pero kapag inalam ang plant care basics at natutunan ang routine, maraming benepisyo ang magiging hatid sa plant parent. Maaaring sundin ang ilang paraan para maasam ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bigyan ang halaman ng basic needs

    Ang ang nutrisyon ng halaman? Right soil, right water requirement, at right environment para sila lumago. Idagdag pa ang pagpapa-araw sa saktong oras at pag-ayon sa pabago-bagong panahon, klima, at mood.

    Ihanda at hayaan ang sarili na madumihan ang mga kamay

    Gawin din ang research at matuto sa sariling mga karanasan sa pag-aalaga ng halaman. Kalaunan, magiging pamilyar din sa pangangailangan at pag-uugali ng mga alaga.

    Maging matiyaga

    Maaasam din ang green thumb pero hindi kaagad. Nangangailangan ito ng “meaningful involvement, a lot of patience, practice, and being more familiar with plant behaviors.”

    Kung nais na magkaroon ng halaman sa loob ng bahay, umpisahan na sa pagbubungkal ng lupa na magiging bagong tahanan nito at ituloy-tuloy lang ang pag-aaruga nang puno ng pasensya at pasasalamat sa hatid na saya.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles