embed embed2
  • Paano Maging 'Fun' Ang Gawaing Bahay, Celebrity Parent Edition

    Damay pati ang toddler at older kids nila.
    by Jocelyn Valle .
Paano Maging 'Fun' Ang Gawaing Bahay, Celebrity Parent Edition
PHOTO BY Instagram/khsotto and rochellepangilinan
  • Sa haba ng listahan ng mga dapat gawin ng isang magulang, hindi puwedeng makaligtaan ang gawaing bahay. Kaya kahit pagod, nakukuha nilang gawin ang mga tungkulin na may kalakip na saya at tulong na rin ng mga anak na kaya nang kumilos sa bahay.

    Sexbomb Moms Rochelle, Jopay, Sunshine

    Habang nagluluto, bigay todo sa pagkanta at pagsayaw si Rochelle Pangilinan, ang kinikilalang pinuno ng all-girl dance group na Sexbomb na sumikat noong 2000s. Naaliw tuloy ang kanyang mister at kapwa GMA-7 star na si Arthur Solinap kaya palihim siyang kinunan ng video na uploaded na ngayon sa kani-kanilang Instagram account.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Minsan mommy, minsan cook, minsan Sexbomb,” ani Rochelle sa kanyang caption. Biro naman ni Arthur sa sarili niyang caption, “Naks, may Christmas album.” Ang napili kasing kantahin ng dancer-turned-actress ay ang 2002 Christmas song ng Sexbomb na may titulong “Wish Ko Sa Pasko.”

    More from Smart Parenting

    Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong August 8, 2017. Ang baby girl nilang si Shiloh Jayne ay one year old nitong March 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dinaan ni Jopay Paguia, isa pang kilalang miyembro ng Sexbomb, ang paglilinis ng bahay na parang TikTok video habang inaasikaso naman ng kanyang asawa at kapwa dancer na si Joshua Zamora (ng dating Manoevers all-male dancer group) ang labada. 

    Lahad ni Jopay, na isa ring actress/host/vlogger, sa caption ng uploaded na video sa kanyang Instagram account: “Naglinis ako sa sala, room, CR, and kitchen. Si Babas naman nag-laundry at nagtiklop ng mga damit plus pina-sleep pa niya si Alessa kanina. Thanks, Daddy Josh. Love you.”

    Si Alessa ang only child ng mag-asawang ikinasal noong June 6, 2014 at “Babas” ang term of endearment sa isa’t-isa. Magti-three years old na ang batang babae sa darating na December 28. 

    More from Smart Parenting

    Gaya ng ilang hashtags na ginamit ni Jopay, sila ni Joshua ay tunay na #partnershipgoals at #husbandandwifeteam. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ginagawang kuwela ni Sunshine Garcia, isa ring Sexbomb dancer-turned-actress, ang bawat gawaing bahay. Nang magplantsa siya minsan ng mga damit nilang mag-anak, binalandra niya ang standee ng kanyang singer-actor husband na si Alex Castor, na dating councilor at provincial board member sa Bulacan.

    Ikinasal sila noong March 2, 2019 at ang kanilang baby boy na si Axel ay nagdiwang ng 2nd birthday nitong September 10. 

    “Bawal muna akong istorbohin, plantsadora peg ko. Ayan, binabantayan pa ako ng asawa ko,” pabirong sabi ni Sunshine sa caption ng kanyang Instagram photo, kung saan nakamuwestra siyang manghahalik. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mapapanood sa  YouTube channel ni Sunshine ang kuwelang videos ng gawaing bahay, tulad ng paglilinis ng kusina at banyo. Aniya sa isang post, “Pangit ang boses mo gaya ko? Lika sa banyo tayo kumanta. Promise ang ganda ng boses ko dito. Puwede ako maging recording artist.”

    More from Smart Parenting

    Nadine Samonte

    Katuwang ni Nadine Samonte sa paglalaba si Heather, ang 4-year-old panganay nila ng mister nang halos pitong taon na si Richard Chua. Kasalukuyang namamalagi ang mag-anak, kabilang ang 1-year-old bunso na si Titus, sa kanilang farm sa probinsya ng Zambales habang pinaiiral pa rin ang community quarantine sa Metro Manila. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “What a wonderful morning with my little Heather,” lahad ni Nadine, na nakilalang produkto ng GMA-7 talent search na StarStruck, sa caption ng Instagram post na kalakip ang ilang litrato at video nilang mag-ina. 

    “She is so sipag. I let her do chores na rin para at an early age marunong na siya at natuturuan na. Yes, I love washing and ironing and cleaning. Mas gusto ko hands-on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do.

    "That’s the reason din kung bakit wala ako sa showbiz. I’m enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam. I love doing anything for them. 

    “At 11 a.m., natapos din kami, haha! Sa dami niyang nilabhan namin, ah! At ang kulit ni Heather, lumublob na din siya at kaya hiwa-hiwalay ang damit dahil hinahabol namin si Mister Sun. Have a happy day everyone.”

    More from Smart Parenting

    Kristine Hermosa

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binayayaan ng mga masisipag na mga anak si Kristine Hermosa at ang kanyang mister at kapwa artista na si Oyo Sotto. Ang panganay nilang si Kiel ay 12 years old, at sumunod sila Dre, Kaleb, at Vin.

    “Mighty helper” ang tawag ni Kristine kay Kaleb nang tulungan siyang maglaba at mag-post tungkol sa kanilang gawaing bahay sa Instagram. Magdiriwang ng 6th birthday si Kaleb sa October 11, 2020. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Miss little chef” naman ang only girl na si Dre, na Ondrea Bliss ang buong pangalan at 9 years old sa darating na December 26. Ipinanganak siya 11 months pagkatapos ikasal ang kanyang celebrity parents noong January 12, 2011.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaasahan na rin ang bunsong si Vin, 4 years old sa November 5, gaya ng pagwawalis ng ginupit na buhok ng kanyang Kuya Kaleb. Paliwanag ng kanilang mommy sa Instagram post nito: “Dahil sa inaasam-asam niya na magpagupit, siya ay nagkusang loob na gawin ang mga bagay na ito, at sa huli ay nakamit rin niya ang bunga ng pinaghirapan.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles