-
New Moms Swear Lifesaver Ang Trolley Na Ito Kung Makalat Ang Bahay Ninyo
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sabi nila, kapag nagkaanak ka na raw, pwede mo nang kallimutan ang paglilinis ng bahay dahil magkakalat din naman ang mga anak mo—pati na rin ang asawa mo! (LOL!)
Pero syempre, dahil likas na sa mga magulang, lalo na sa mga nanay, ang pagiging masinop, hahanap at hahanap tayo ng paraan para ma-organisa pa rin kahit papaano ang ating mga tahanan.
What other parents are reading
Sa kakahanap ng mga organizers at shelves, nadiskubre ng mga nanay na pwedeng-pwede palang gamitin para sa maraming bagay ang trolley organizers.
Dati, makikita mo lang ang mga ito sa mga salons at parlors, pero ngayon, makakakita ka ng at least isang ganito sa isang household.
Bukod kasi sa space saving at moveable ito, abot-kaya rin ito at marami kang pwedeng ilagay.
Trolley organizers na mabibili mo online
Yali Home 3-Layer Multipurpose Storage Trolley
(Php1,299)
PHOTO BY Yali HomeIto ang nabiling trolley ni mommy Ciarra dela Cruz, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ayon sa kanya, sulit ito dahil may baskets at hanging buckets na magsisilbing extra storage space.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGanito rin daw ang inorder ni mommy Lea Manille Tee-Ching na nabili niya sa halagang Php1,299, plus Php125 para sa shipping.
What other parents are reading
Locaupin 3-Tier Kitchen Utility Trolley
(Php1,248)
PHOTO BY Locaupin PhilippinesIto naman ang trolley ni mommy Dang Cahanding-Ceñir. Ginagamit niya ito na lalagyan ng sterilizer, formula milk, at water, pati na rin ang mga bibs at first aid kit nila.
Maganda rin ang Metal Storage Rolling Cart ng Locaupin na mabibili mo sa halagang Php1,980.
What other parents are reading
SM Department Store's Trolley
(Php1,295 to Php2,995)
Sa SM naman nakabili ng trolley si mommy Glyza Quistadio. Nabili niya ito sa halagang Php1,295.
PHOTO BY Glyza QuistadioADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Tier Slim Slide Out Kitchen Trolley
(Php858)
PHOTO BY MoonbeamMaganda ito kung manipis na trolley ang hanap mo. Kasya kasi ito sa mga sulok-sulok sa bahay ninyo kaya—perfect kung limited space lang ang available sa inyo.
Kung iniisip mo naman ang mabisang paraan para ayusin ang trolley ninyo, pwede mong gayahin ang ginawa ni mommy Ceci Alarcon-Era. Baby essentials at iba pang toiletries ang laman ng kanyang trolley. Kasama rin dito ang cloth diapers ng anak niya.
What other parents are reading
Alin man sa mga ito ang maging choice mo para sa bahay ninyo, siguradong magiging malaking tulong ito para i-organize ang mga pinakamahalagang gamit ng anak ninyo.
Mayroon na ba kayong ganito sa bahay? Saan niyo ito nabili? Paano niyo ito ginagamit? I-share niyo lang iyan sa comments section.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments