embed embed2
  • Sa Halagang P350,000, Nagkabahay Ang Pamilyang Ito Na May Indoor Pool At Mini Forest

    Nakabase ang pamilya sa Romblon.
    by Jocelyn Valle .
Sa Halagang P350,000, Nagkabahay Ang Pamilyang Ito Na May Indoor Pool At Mini Forest
PHOTO BY Courtesy of Karen Riva
  • Simpleng bahay kubo lang sana ang inaasam ng mag-asawang Karen Christine at Richard Riva para sa second home ng kanilang pamilya sa lugar nila sa Romblon. Pero nakapagpatayo sila hindi lang ng isa pang bahay bagkus meron pa itong indoor pool, mini forest, at tree house sa halagang Php350,000.

    Maraming humanga sa kuwento ng mag-asawa sa SmartParenting.com.ph (basahin dito), at dumami pa lalo ang nabigyan nila ng inspirasyon sa video na ginawa ng Summit Video Originals.

    Sabi ni Karen, kahit sila ni Richard at kanilang tatlong anak ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng kanilang pagsusumikap na mapaganda ang loteng nabili nila noon pang 2019. Ipagpapalit pa nga niya raw sana ang lote para naman sa isang beachfront property. Itinuloy na lang nila ang second home project habang may COVID-19 pandemic.

    Maging sa loob ng bahay, maaliwalas at masarap magpahinga.
    PHOTO BY Courtesy of Karen Riva

    Kuwento pa ni Karen na kahit hindi siya interior designer o landscaper, maayos ang kinalabas ng kanyang mga ideya at sumang-ayon naman ang kanyang asawa kinalaunan. Hindi rin daw siya expert sa gardening kaya nagpatulong siya sa mga talagang bihasa sa mga halaman kaya naman bumagay sa mini forest ang kinalabasan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pula ang napili nilang kulay para sa bahay upang mag-stand out ito sa berdeng kapaligiran. Dagdag pa ni Karen na parang fairy tale raw ang ideya niya dahil "in the middle of the woods" daw ito. Pagkatapos nilagyan nila ng indoor pool at tree house para sa mga bata. Sa mezzanine naman ang nagsisilbi nilang kuwarto at pahingahan.

    Mapapanood ang video rito:

     

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles