-
Ang Galing! Hindi Na Kailangan Ng Lupa Ng Halamang Ito
Kung hindi ka masyadong magaling sa paghahalaman, pwede kang magsimula sa mga ganito.by Ana Gonzales . Published Jun 4, 2020
- Shares
- Comments

Mabisang panlinis ng hangin ang mga halaman. Bukod pa riyan, nagmumukhang mas kaaya-aya at maaliwalas din ang kwarto kapag may halaman dito. 'Yun nga lang, hindi lahat ay magaling at marunong pagdating sa pagtatanim at pag-aalaga.
Kaya naman hulog ng langit talaga sa mga nais maging 'plantito' at 'plantita' ang mga air plants o Tillandsia.
Hindi mo na kailangan ng lupa o paso
Ang maganda sa mga air plants, hindi mo na kailangan pang isipin kung anong klaseng lupa ang kailangan mo at kung kailan mo sila dapat i-repot. Ilalagay mo lang sila sa mga air plant holders at isasabit o ilalagay sa lamesa, okay na!
Maraming creative at stylish na paraan para i-display ang air plants. Sa isang Good Housekeeping article, ipinakita nila ang iba't-ibang lalagyan na pwede mong gamitin.
Pwede itong ilagay sa mga pansabit at pwede ring ilagay sa mga babasaging lalagyan.
What other parents are reading
Madali itong alagaan
Isa pa sa talagang magugustuhan mo sa air plants ay kung gaano ito kadaling alagaan. Ayon kay Bliss Bendall, isang NYGB Certified Horticulturist, importanteng maging specific sa air plant na aalagaan mo.
Iba-iba kasi ang requirements ng mga ito para tumubo ng maayos—kung kilalang-kilala mo ang air plant na bibilhin mo, mas madali itong alagaan.
Pagdating naman sa sunlight na kailangan ng air plants, importanteng huwag masyadong madilim at huwag din namang masyadong nakatutok sa araw.
Importante rin ang humidity sa mga air plants. Kaya naman madali silang palaguin dito sa atin dahil na rin sa klima dito.
What other parents are reading
Ibinababad ito sa tubig
Sa tunay na habitat ng mga air plants, sagana sila sa tubig sa pamamagitan ng ulan at natutuyo naman sila nang tuyong-tuyo kapag summer. Kung aalagaan mo sila sa bahay, sabi ni Bendall, ibababad mo sila sa room temperature na tubig sa loob ng isang oras.
Pagkatapos nito, pwede mo na ulit silang ibalik sa lalagyan. Kailangan silang madiligan minsan sa isang linggo. Kailangan mo ring hayaan munang tumulo ang tubig pagkatapos mo silang ibabad para hindi maipon ang tubig sa lalagyan. Maaari kasi itong magdulot ng pagkabulok ng halaman.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMabibili ito online
Nagkakahalaga ng Php119 hanggang Php300 ang mga lalagyan ng air plants. Php95 hanggang Php400 naman o higit pa ang presyo ng air plants, depende sa klase at dami ng bibilhin mo.
Isa sa mga makikita mong sellers sa Lazada ang Plants in the City PH.
Ito ang isa sa mga varieties na mayroon sila. Nagkakahalaga ito ng Php249.PHOTO BY Plants in the City PHCONTINUE READING BELOWwatch nowMayroon din sila ng tinatawag na Cotton Candy air plant na nagkakahalaga rin ng Php249. Makakabili ka rin ng mga ganitong klase ng halaman mula sa Cartimar at Farmer's Market.
Kung lalagyan naman ng air plants ang hanap mo, makakabili ka sa VCN Mall sa Lazada. Marami ka pang makikitang varieties online na hindi tataas ang presyo sa Php600.
Kung ngayon ka pa lang mag-aalaga ng mga halaman, magandang simula ang mga air plants. Bukod sa low-maintenance na, nakakatulong din ang mga ito para bawasan ang alikabok at pollutants sa hangin.
Nasubukan mo na bang mag-alaga ng air plants? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments