embed embed2
  • Lucky Plants In Photos! Dagdagan Ang Positive Vibes Sa Bahay

    Para raw sa masaganang 2021 na Year of the Ox.
    by Jocelyn Valle .
Lucky Plants In Photos! Dagdagan Ang Positive Vibes Sa Bahay
PHOTO BY Terrace House PH
  • May mga halaman na tinatawag na good luck plants dahil, ayon sa feng shui, nagdadala sila ng suwerte sa sino mang meron nito sa bahay. Suwerte raw sa negosyo, buhay pag-ibig, pagsasama ng pamilya, at iba pang aspeto ng pamumuhay.

    Bilang gardener at horticultural artist, madalas matanong si Dana Santos tungkol sa good luck plants. Interesado lalo na raw iyong mga bagong kasal at may bagong bahay (o bagong lipat nang nirentang bahay), pati na mga naghahanap ng housewarming gifts.

    Lucky plants 

    Ayon kay Dana, na may-ari rin ng Terrace House PH plant shop, may ilang mga kilala at pinaniniwalaang good luck o feng shui plants. Tamang-tama hindi lang para sa Chinese New Year, pati na sa buong taon. 

    Pachira aquatica (Money Tree)

    Kapansin-pansin ang Pachira aquatica sa central trunk nito na may mula tatlo hanggang pito na braided stems. Sa itaas ng mga ito, mayroon namang mga malalaki at makikintab na green leaves Karaniwan silang lumalaki sa pagitan ng 3 at 6 feet.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Binansagan ang Pachira aquatica bilang Money Tree. Sa Asian philosophy kasi, simbolo ng material at spiritual growth ang mga malalagong halaman.
    PHOTO BY Terrace House PH
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Naaakit raw ang success sa “fresh air with grassy scent,” sabi ng The Chinese Zodiac. Kaya ang taong mayroon ng ganitong halaman sa bahay o opisina ay nagiging “more receptive to further opportunities.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saan ilagay sa bahay? Ipuwesto ang Money Tree sa parte ng bahay na maliwanag pero hindi direktang tinatamaan ng sikat ng araw. Piliin rin daw sa may bandang kaliwa ng bahay o opisina para lumakas ang dating ng suwerte.

    Dracaena sanderiana (Lucky Bamboo)

    Isang flowering plant ang Dracaena sanderiana mula sa Central Africa at isinunod ang pangalan nito sa German-English gardener na si Henry Frederick Conrad Sander. Kaya tinatawag din itong Sander’s dracaena, pero mas kilala bilang Lucky Bamboo.

    May paniniwala sa Asian culture na suwerte ang magbigay at makatanggap ng bamboo bilang regalo.
    PHOTO BY Terrace House PH
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Base sa feng shui, iba-iba ang kahulugan ng bilang ng bamboo stalks. Kapag tatlo: happiness, wealth, at long life. Kung lima o anim, wealth at good luck. Kung pito, good health naman.

    Figus elastica (Rubber Fig)

    Malalaki at makakapal ang mga dahon ng Ficus elastica. Ang mga kulay nito ay maaaring makikintab na luntian (shiny green), batik-batik na dilaw (variegated yellow), magkahalong puti at berde (creamy white-green), o di kaya mapupula (burgundy).

    Kilala ang figus elastica sa ilang pangalan, tulad ng rubber fig, rubber tree, at Indian rubber bush.
    PHOTO BY Terrace House PH
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umaabot ang taas ng Rubber Fig hanggang 10 feet. Dahil sa bilugan nitong mga dahon, nangangahulugang pera ang Ficus elastica sa feng shui. Ginagawa rin raw nitong stress-free ang kapaligiran ng kuwarto o bahay.

    Pilea peperomioides (Chinese Money Plant)

    Mula sa southern China ang flowering plant na Pilea peperomioides. Hugis barya o coins ang mga dahon nito, kaya raw may hatid na kayamanan at prosperidad sa may-ari nito. Tinatawag tuloy itong Chinese Money Plant.

    Kailangan diligan ang Chinese Money Plant nang husto at hintayin na matuyo rin ang lupa bago diligan ulit. Mainam na paarawan sa umaga. Pagkatapos, iwasan na ang direktang sikat ng araw.
    PHOTO BY Terrace House PH
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Crassula ovata (Jade Plant)

    Isang succulent ang Crassula ovata galing sa South Africa at Mozambique. Mayroon itong matitingkad na kulay berdeng mga dahon na sinasabi sa feng shui na simbolo ng magandang kapalaran.

    Kaya rin daw nitong kontrahin ang negative energy sa bahay para mawala ang init ng ulo. Basta huwag lang daw ilagay sa bedroom o bathroom.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagdadala raw ang Jade plant ng wealth, luck, at good fortune sa Chinese New Year. Masuwerte rin daw itong regalo sa housewarming.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles