embed embed2
  • Mommy-Approved CCTV Cameras Mula Php700

    Naghahanap ka ba ng security system na abot-kaya?
    by Ana Gonzales .
Mommy-Approved CCTV Cameras Mula Php700
PHOTO BY Pixabay
  • Hunyo nitong tao, mahigit dalawang libong insidente ng murder, physical injuries, at homicide ang naitala sa bahagi ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan.

    Bagaman bumaba ang bilang ng naireport at naitalang krimen ngayong taon kumpara sa mga nakaraan, para sa mga magulang na katulad natin, hindi pa rin ito sapat na dahilan para maging kampante. Katunayan, mas pinapaigting pa nga natin ang seguridad sa loob at labas ng ating mga tahanan. 

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, maraming magulang ang nagtatanong kung ano nga ba ang mga magagandang klase ng closed-circuit television o CCTV. Narito ang ilan sa aming mga nakitang recommendations:

    V380s IP CAM Wireless Home Monitor, Php700

    Kung ayaw mong halatang-halata na may CCTV kayo sa bahay, pwede kang kumuha ng mga inconspicuous o ‘yung mga hindi madaling makita na uri ng CCTV. Kabilang na riyan ang lightbulb security cameras tulad ng V380s IP CAM. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo itong mabili sa online shops o hindi naman kaya ay sa mga sellers sa Facebook. Nagkakaiba lang ng presyo depende kung saan ka bibili.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa mga nanay sa Village, hindi malakas ang liwanag nito, ngunit malinaw ang camera. Namomonitor nila ang kanilang mga anak, pati ang mga yaya kahit na nasa trabaho sila. Mayroon itong built-in 360-degree fisheye lens. Ibig sabihin, malawak ang area na sakop nito at sigurado kang walang blind spots. High definition din ang video kaya makakasiguro kang malinaw ang makikita mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang isa pa sa mga nagustuhan ng mga nanay dito ay ang two-way audio nito. Ang bulb camera kasi ay may kasama ng built-in speaker at microphone. Kung makita mo man ang anak mo na may ginagawa at kailangan mo siyang bawalin, madali na lang ito gamit ang two-way audio. Pwede rin itong i-connect sa internet para ma-access mo ito gamit ang app sa iyong IOS o Android phone.

    D-Link DCS-850L PTZ Wireless Baby Camera, Php3,000

    Malaking difference man ang talon sa presyo, para sa mga nanay sulit pa rin ito. Itinuturing nila itong isang magandang investment dahil sa pan and tilt feature at sa two-way audio nito. Mayroon itong digital zoom at may built-in din na hanggang limang lullabies para kay baby.

    Bukod pa rito, mayroon din itong sound and motion detection—tuwing may made-detect itong galaw o tunog, magpapadala ito ng notification sa iyo. Pwede mo itong i-connect sa iyong smartphone para magkaroon ka ng instant baby monitor. Saan ka man magpunta ay mamomonitor mo ang iyong mga mahal sa buhay na nasa bahay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cleverdog Panoramic 360, Php2,590

    Maraming klase ng Cleverdog CCTVs pero ang Panoramic 360 ang isa sa mga pinaka highly recommended sa Village. Marahil ito’y dahil na rin sa 360-degree wide angle view na inooffer nito. HD rin ang images kaya sigurado kang makikita mo ang lahat ng gusto mong makita. May motion detection din ito, pero hindi katulad ng iba na magsesend lang ng notifications, ang Cleverdog ay magpapadala pa ng pictures sa bawat paggalaw na made-detect nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din itong share option para mai-share mo ito sa pagitan ninyo ni hubby. May built-in light sensor din ito na makakatulong lalo na kung gabi mo kailangang i-monitor ang inyong tahanan—sobrang handy kung wala kayo sa bahay o di kaya ay nasa out-of-town trip ang pamilya. 

    360 Smart Camera D706, Php4,600

    Ang isa sa mga pinaka magandang selling point sa camera na ito ay ang kanyang seven meters ng night vision distance. Ibig sabihin, umaga o gabi ay pwede mong i-monitor ang nangyayari sa loob at labas ng iyong bahay. Kung may pagkakataon mang gagabihin ka sa trabaho, hindi ka mangangamba kung kumusta ang mga anak mo.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ng karamihan sa mga CCTV sa listahang ito, mayroon din itong two-way realtime communication. Pero ang ikinaganda nito kumpara sa iba ay ang face recognition at body determination nito. Mayroon itong ultra HD lens na kayang kumuha ng high definition images at magdetect din ng ngiti mula sa iyong mga pamilya. 

    Napakadali rin nitong i-setup dahil wala ka ng kailangang wires at chords—smartphone lang at wifi access ang kailangan. 

    Goodhand CCTV

    Kung ayaw mo namang bumili ng plug and play at mas gusto mong may mag-install sa loob at labas ng bahay ninyo, pwede kang magpatulong sa Goodhand. 

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa kanilang Facebook page, mayroon silang CCTV packages at surveillance systems, burglar alarm, electromagnetic locks, at marami pang security devices na makakatulong para mapanatili kayong ligtas.

    Sa panahon ngayon, hindi ka pwedeng patumpik-tumpik pagdating sa seguridad ng iyong pamilya lalo na kung mayroon pa kayong maliliit na bata na kasama sa bahay. Hindi masamang mag-invest sa mga gadgets na maaaring makatulong sa iyo para kampante mong iiwan ang mga anak mo sa bahay. 

    Anong CCTV ang gamit ninyo? I-share mo lang sa comments section o hindi kaya ay irekomenda mo sa ibang mga nanay na katulad mo sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles