-
Your Kid’s Health Mga Red Flags Kung Nahulog Mula sa Kama o Mataas na Lugar ang Iyong Anak
-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
News Naging Bikitima Ng Scam Si Jolina Magdangal Ng Isang Online Plant Seller
-
Love & Relationships 3 Reasons People in Happy Relationships Cheat And How to Move On
-
Nagkalat Ang Laruan Sa Bahay? Toy Organizers Mula P265 Hanggang P3,000
Pwede pang i-repurpose ang mga ito paglaki ni baby, para hindi masayang.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Left to right: Mother Material Ph, Happy Kiddos Ph
Bahagi na ng paglaki ng ating mga anak ang mga children's books at mga laruan. Ngunit minsan, gaano mo man subukang kontrolin ang dami nito, maaari pa rin itong maipon sa bahay.
Madalas ngang hinaing ng mga nanay sa aming online community, paano ba ioorganisa ang mga laruan at libro ng kanilang mga anak?
READ MORE ABOUT YOUR CHILDREN'S TOYS HERE:
- This Mom's Simple Hack Will Make Your Kids Love Their Old Toys Again During Quarantine
- How To Properly Clean And Disinfect Your Child's Toys During The COVID-19 Pandemic
Isang mainam na solusyon diyan ang pagi-invest sa toy organizer at trolleys. Narito ang ilan sa mga bilihan na pwede ninyong tignan.
Online stores na may toy organizers
Mother Material Ph
Highly recommended ito ng mga nanay dahil hindi lang shelves at organizers ang mabibili mo dito. Mayroon ding mga educational cloth books, activity books, at marami pang iba.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosMay trolley sila na nagkakahalaga ng Php2,300. Three layers ito na may mesh storage, at lockable wheels. Matibay din ang mga frames nito. Waterproof din ito kaya pwedeng gamitin sa kusina, banyo, at laundry room kung hindi mo na gagamitin para sa laruan ng mga anak mo.
Mayroon din silang 4-Layer Kub Drawer na may gulong na pwedeng gamitin sa mga laruan at sa mga damit ni baby. Nagkakahalaga ito ng Php3,800.
Toys for your Tots
Magaganda at marami ring pagpipilian sa mga shelves ng Toys for your Tots. Mayroon silang mga utility carts with wheels na nagkakahalaga ng Php1,950 hanggang Php2,500—depende sa klase at sa dami ng mga selves.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHappy Kiddos Ph
Abot-kaya naman ang mga shelves na mayroon dito. Malalaki na ang mga ito sa halagang Php2,900. Mayroon din silang mga shelves na may lalagyan ng libro na nagkakahalaga naman ng Php2,200 hanggang Php2,340.
Homeds
Kung gusto mo namang makamura, pwede kang umorder ng mga individual boxes sa Shopee store na homeds. Nagsisimula sa Php265 ang kanilang mga boxes, hanggang Php950 para sa multilayered na lalagyan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga nanay, maganda itong choice dahil selyado ito at hindi nakakapasok ang mga insekto.
Simply Modular PH
Modular storage naman ang sagot ng ilang mga nanay. Maganda ang ganito dahil kontrolado mo ang laki, dami ng shelves, at taas ng bubuuin mong toy storage.
May mga modular boxes sila na nagkakahalaga ng Php299 hanggang Php599. Ang mga sets ng shelves nila ay nagkakahalaga ng Php300 hanggang Php5,500.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTeoumi
Kung gusto mo naman ng mga simple at minimalist na lalagyan, highly recommended ng mga nanay ang Teoumi. Nagsisimula ang kanilang mga organizers sa halagang P300 hanggang P780.
READ MORE ABOUT YOUR CHILDREN'S TOYS HERE:
- This Mom's Simple Hack Will Make Your Kids Love Their Old Toys Again During Quarantine
- How To Properly Clean And Disinfect Your Child's Toys During The COVID-19 Pandemic
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan lamang ang mga iyan sa mga toy organizers na pwede mong bilhin para sa mga laruan o gamit ng iyong mga anak.
Marami ka pang makikitang choices sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Mayroon ka na bang ginagamit na toy organizer? Saan mo ito nabili? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network