embed embed2
  • Before ECQ: Walang Me-Time. During ECQ: More Time Maligo

    Deserve mo to, Ma. Huwag mong i-deny.
    by Ana Gonzales .
Before ECQ: Walang Me-Time. During ECQ: More Time Maligo
PHOTO BY courtesy of Alfie Pardo Saniel and Erika Tumbokon-Quezora
  • Binibilang mo pa ba kung ilang araw na tayong naka-enhanced community quarantine (ECQ)? Para sa karamihan, matagal na silang nawala sa bilang. Sa dami kasi ng adjustments na kinailangan nating pagdaan, minsan, nakakalimutan na natin kung anong araw na.

    Para sa karamihan ng mga magulang, lalo na sa mga nakakapagtrabaho sa bahay, hindi tumitigil ang buhay dahil sa ECQ. Bagkus, mas doble effort pa nga ang mga magulang para patuloy na kumita ng pera at maturuan ang kanilang mga anak ng aralin lalo na ngayong walang pasok sa eskwelahan.

    Paano nga ba nito binago ang me-time ng mga nanay? May me-time pa ba ngayong quarantine? Narito ang mga ibinahagi ng mga nanay mula sa Smart Parenting Village:

    Before ECQ: Manicure, pedicure, at spa

    During ECQ: K-Drama, twinning, solo moment, at exercise

    'Yan ang nagbago sa me-time ni mommy Din Real Bautista. "Watching K-Drama is my only me-time—but I'm not complaining!" Pabirong sabi niya. Kung dati raw ay nasa mall sila o 'di kaya ay nagkakape siya kasama ang mga kaibigan, ngayon ay binge watching na lang ng kanyang mga paboritong Korean dramas.

    Naisisingit din ni mommy Din ang twinning kasama ang kanyang baby girl, kahit na nasa balkonahe lang sila.

    Sinong nagsabing hindi pwedeng mag-twinning kahit nasa bahay lang?
    PHOTO BY courtesy of Din Real Bautistia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Para naman kay mommy Karen Joyce Real dela Cruz, dahil nasa bahay naman ang asawa niya, hindi na niya kailangang gumising. "Me-time ko is K-Drama sa gabi kapag tulog na si baby. Pwede kasi akong magpuyat since nandito si hubby sa bahay."

    Twinning naman ang ginagawa madalas ni mommy Alfie Pardo Saniel at ng kanyang anak. Sa kanilang latest na twinning session, ipinakita ni mommy kung ano ba talagang itsura ng work-from-home.

    Ito ang tunay na sitwasyon ng mga nanay na working from home.
    PHOTO BY courtesy of Alfie Pardo Saniel

    "Before ECQ, ang me-time ko ay pagpunta sa spa," kwento ni mommy Anne Oliver. "But now na ECQ, I always make sure na ako 'yung unang nagigising para makapagkape at mag muni-muni habang tahimik pa ang lahat. It really helps me to recharge and relax," dagdag pa niya.

    Maswerte na raw si mommy Cynn Thia AC Gonzales kapag naisisingit niya ang spa noong wala pang ECQ. Ngayon, everyday workout naman ang naging me-time niya. "Inaassist ako ng kids ko sa timer," kwento niya. "Stress-reliever din namin ang magtanim sa backyard ng mga gulay with participation of course ng kids. Sila taga-dilig morning and afternoon."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Before ECQ: Grocery

    During ECQ: Makeup at gardening

    Dahil isang miyembro na lang ng pamilya ang pinapayagang lumabas para mamili ng mga pangangailangan ng pamilya, nawalan ng me-time ang karamihan sa mga nanay na pamimili lang ang panahon sa sarili.

    Kwento ni mommy Erika Tumbokon-Quezora, kung dati ay grocery shopping ang me-time niya, ngayon, makeup na lang. "Yes! Nag-aayos ako sa bahay kasi nakakaaliw din," kwento niya. "First time ko magkaroon ng baby girl kaya excited akong mag-twinning with her."

     

    Skincare and makeup pa rin kahit nasa bahay, because why not?
    PHOTO BY courtesy of Erika Tumbokon-Quezora

     

    Sabi naman ni mommy Kenzie Barerra Viray, "I still dress up because of work—at home pero on cam kaya nakikita pa rin." Dagdag pa niya, tuwing gabi, may TikTok sessions sila ng baby niya.

    Grocery din ang me-time ni mommy Ana Carina Ilumin Tersol dati. Ngayon, paliligo ng matagal, K-Drama at pagbabasa ang me-time niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Malaki rin ang naitutulong ng gardening sa mga nanay ngayong ECQ. Bukod kasi sa source ito ng masusutansiyang gulay, maganda rin itong me-time o bonding moment.

    Gardening ang nagsisilbing me-time ni mommy Kenneth-Melissa Paula Javier. "Dati, ang me-time ko ay trip to the grocery. Pero ngayon, ang nakakapagpasaya sa akin ay gardening tuwing hapon. Nakaka-enjoy din, lalo na 'yung nakikita ko ang curiousity [ng anak ko]," kwento niya.

    Tumutulong din ang anak ni mommy sa gardening.
    PHOTO BY courtesy of Kenneth-Melissa Paula Javier
    What other parents are reading

    Before ECQ: Milk Tea

    During ECQ: Supply run

    Si mommy Laiza Deogracias ang nakatokang mamili ngayon para sa mga pangangailangan ng baby niya—ito na ang nagsisilbi niyang me-time. Dati, lumalabas siya tuwing Sabado at pumupunta sa kaibigan niya. "Ang me-time ko before ECQ is hanging out at my best friend's condo every Saturday after work. Malapit lang kasi siya sa work ko. Kwentuhan over milk tea lang, not exactly me-time but it offered me peace of mind after every stressful week," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Head of the family din si mommy Cha Chi Alv. Mountain biking naman papuntang grocery ang nakakapagpasaya sa kanya. "Mountain biking makes me happy! I used to bike and do trails prior to having a baby then stopped when I got preggy. So this ECQ made me go back to biking, it is a plus pa that there are less cars [on the road]. I never thought na babalikan ko 'tong hobby ko na 'to since I gave up on this noong nabuntis ako, but because of the need this ECQ, I found out na kaya ko pa pala!"

    Hindi akalain ni mommy na kering-keri niya pa pala ang biking.
    PHOTO BY courtesy of Cha Chi Alv

    Pagbili rin ng essentials ang me-time ni mommy Nilda Macaraig de Vega-Ermeno. "Doon lang ako nakakapag-solo kasi 24/7 ako ngayon sa bahay," sabi niya. "'Di kami gaano nakakapag-twinning outfit ng aming baby boy pero nagagalit siya tuwing gagayahin ko itsura niya!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Before ECQ: Walang Me-time

    During ECQ: More time maligo

    Marami naman sa mga nanay ang aminado na bago ang ECQ, wala talaga silang me-time. Alam niyo ba na isa sa mga talents na na-dedevelop ng mga nanay at tatay kapag nagkakaroon sila ng anak ay ang paliligo ng sobrang bilis? (Totoo! Matagal na ang 10 minutes!)

    Ngayong ECQ, me-time ng mga nanay ang paliligo nang higit pa sa limang minuto na nakasanayan nila. Kwento nga ni mommy Ronalyn Apple Bate, "Noong wala pang ECQ, wala halos akong me-time dahil focused ako kay baby at nag-aasikaso rin ng maliit na negosyo. Pero ngayong naka-ECQ, nagkaron ako ng me-time—more time maligo!"

    What other parents are reading

    Nakakatawa naman at sobrang relatable ng rebelasyon ni mommy Chenilyn Estrella Habitan. Ayon sa kanya, pagkatapos niyang gumawa ng napakaraming household chores, nagbababad siya sa banyo. "Siguro, umaabot ako ng one hour," pagbabahagi niya. "Ito ang ginagawa ko: nag-sising-along ako while soaking in my favorite body soap."

    "Ilang kanta din ang nakakanta ko and most of the songs I play ay 'yung may kaunting birit. Sobrang nakakawala ng pagod at stress. Simula nung dalaga ako, singing is my stress reliever and mind relaxer. After ng session ko sa bathroom, good mood na ako ulit. Kaya natututukan ko naman ang mga kids. Naglalaro kami at nagtatagutaguan sa bahay kahit wala naman talaga kaming mataguan," sabi pa niya.

    May panahon rin daw silang mag-asawa para sa isa't-isa. "Time for heart-to-heart talk, pag-usapan ang mga kung anu-ano. Diyan kami nagkaka-openan ng mga nararamdaman namin—I think ito ang important na me-time para sakin."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kakaiba naman ang me-time ni mommy Andrea Kristine. Gumagawa kasi sila ng face shields ng mga anak niya para sa mga frontliners. "Bonding time namin ng mga kids ko right now is making free faceshields for our frontliners," kwento niya.

     

    Saludo kami sa mga pamilyang patuloy na tumutulong sa ating mga frontliners!
    PHOTO BY courtesy of Andrea Kristine

     

    What other parents are reading

    Marami pang ibinahagi sa amin ang mga nanay sa Village tungkol sa mga pagbabago sa routine at me-time nila. Marami rin kaming natutunan para mas ma-encourage pa na magpahinga. Dahil, hindi porke nanay o tatay ka na ay hindi mo na pagtutuunan ng pansin ang sarili mo. Dapat, paminsan-minsan, kakanta ka rin ng birit sa banyo o magkakape habang tulog pa lahat ng tao.

    Me-time mo ba ang makipagchikahan sa kapitbahay? Dahil ECQ, sa mga nanay at tatay na lang sa Smart Parenting Village ka makipagtsimisan.

    Para naman sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles