-
Labor & Childbirth 7 Exercises You Can Do At Home To Help Prepare You For Labor And Delivery
-
Toddler Why Your Toddler Has a Favorite Parent (and What to Do If It's Not You)
-
Your Kid’s Health Bawang At Pabango? Home Remedies Para Sa Sakit Ng Ngipin Mula Sa Dentista
-
Money Is It Okay to Hide Money From Your Partner? An Expert's Advice
-
Toy Storage Solutions Mula P89 Hanggang P4,000
Paano nga ba maiiwasang pakalat-kalat ang mga laruan ng mga bata?by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Sabi nila, kapag nagkaroon ka na raw ng anak, makakaasa kang magiging makalat ang inyong bahay. Bukod kasi sa magiging challenging na ang pagliligpit, nariyan din ang dami ng gamit ng iyong anak—lalong-lalo na kung maraming kamag-anak na nagreregalo o nagbibigay.
Isa nga sa mga pinaka-challenging na iligpit ay ang mga laruan ng mga bata. Kapag kasi nagsimula na silang maglaro, magmumukha talagang dinaanan ng malakas na hangin ang loob ng bahay ninyo.
What other parents are reading
Kaya naman para hindi ka na mahirapang magligpit, magandang mayroon kang dedicated storage para sa lahat ng laruan ng iyong anak. Makakatulong ito, hindi lang para mapanatiling masinop ang inyong bahay, kundi para na rin maturuan ang anak mo ng kahalagahan ng pagliligpit ng mga laruang hindi na niya gagamitin.
Narito ang ilan sa mga storage solutions na pwede mong bilhin sa Lazada ano man ang budget mo.
Hanging storage organizer, Php89
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung maliliit at malalambot lang naman ang mga laruan ng mga anak mo, hindi mo na ito kailangang ikahon. Pwede kang bumili ng hanging storage organizer na gawa sa net. Bukod sa magaan ito, mas makakatipid ka rin ng space kung nakasabit ang iyong storage kaysa nakababa sa sahig.
Maganda rin ito dahil pwede mo itong tiklupin kung hindi mo ito gagamitin. Isa rin ito sa mga pinakamurang options na mahahanap mo online.
What other parents are reading
Foldable storage chair box, Php199
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaraming ganitong klase ang mabibili mo online o di naman kaya ay sa Divisoria at Baclaran. Maganda ang mga ganito kung gusto mo ng multi-purpose storage containers—storage na, upuan pa. Maraming disenyo ka ring pagpipilian kaya sigurado kang mayroong babagay sa design ng bahay ninyo.
Linen storage box, Php737
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMedyo mas sophisticated naman ang itsura ng storage box na ito—perfect kung ang mga
furniture mo sa sala o sa kwarto ay leather. Bagay ang mga ganito sa pamilyang kaunti lang ang laruan na kailangang itago.
What other parents are reading
Foldable storage box, Php1,132
PHOTO BY LazadaMas malaki ng bahagya ang kahon na ito, pero tulad ng naunang foldable box, pwedeng-pwede ito kung konti lang ang laruang ilalagay mo at maliit lang ang space na mayroon sa bahay ninyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWOrganono Eco-Friendly Multipurpose Rack, Php1,245
PHOTO BY LazadaKung mas malaking storage solution o bookshelf naman ang hanap mo, magandang choice ang Organono rack na ito. Bukod kasi sa multipurpose na, eco-friendly, non-toxic, at waterproof din ito.
Happy Kiddos Toddler Shelf, Php2,000
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagandang choice din ang shelves, lalo na kung ayaw mo na nakasara ang lalagyan ng laruan ng mga anak mo. Montessori-inspired learning din kung ang storage mo ay nakabukas na katulad nito. Wala itong harmful chemicals tulad ng pintura. Bilog din ang mga gilid kaya sigurado kang ligtas para sa mga bata.
Bear Toy Storage with Book Rack, Php2,000
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami-rami ba ang mga laruan ni baby pero limited ang space sa bahay? Bagay sa iyo ang 2-layer storage rack na ito. Mayroon din itong removable trays na pwede mong alisin at ilapit sa iyong mga anak kapag oras na ng ligpitan.
Kung willing ka namang gumastos ng karagdagang Php500, pwede mong bilhin ang mas malapad na Bear Storage na ito.
3-Layer White Toy Storage with Cabinet and Book Rack, Php3,700
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng maganda sa storage na ito, hindi lang laruan ang pwede mong i-store dito. Sa katunayan, pwede ang mga libro sa loob ng cabinet at mga toiletries ni baby sa shelf—depende na lang sa iyong pangangailangan.
Mayroon itong tatlong malalaking bins at anim na maliliit na bins kaya siguradong hindi ka mauubusan ng paglalagyan.
Ruyiyu Kids Toy Organizer and Storage Bins, Php4,725
PHOTO BY LazadaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung naghahanap ka naman ng toy organizer na simple ngunit matibay, bagay sayo ito. May kamahalan nga lang dahil gawa ang frame nito sa steel pipe. Mayroon din itong gulong kaya madali lang ilipat-lipat kung maglilinis ka man ng bahay.
What other parents are reading
Anong toy storage ang ginagamit ninyo sa bahay? Paano mo sinisigurong hindi nakakalat ang mga laruan ng mga anak mo? Ibahagi mo na iyan sa comments section o di kaya ay i-share sa mga kapwa mo nanay sa Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network