embed embed2
  • Wais Folding Trick Para Ma-Reuse Pa Ang Plastic Bags!

    Pwede ninyong subukan ang storage tip na ito para magamit niyo pang muli ang inyong plastic bags.
    by Ana Gonzales .
Wais Folding Trick Para Ma-Reuse Pa Ang Plastic Bags!
PHOTO BY iStock
  • Noong nakaraang taon, lumabas sa ilang mga pag-aaral na pangatlo ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinakamalala pagdating sa pagkakalat ng plastic sa mga karagatan.

    Nakasaad sa report ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) na gumagamit tayong mga Pilipino ng humigit kumulang apatnapu't walong milyong shopping bags at apatnapu't limang milyong film bags araw-araw.

    More from Smart Parenting

    Ayon sa mga eksperto, ang problemang ito ay hindi bunsod ng kawalan ng isang maayos na waste management system. Ito'y mula sa napakalaking bilang ng single-use plastic bags na regular na ginagawa para sa iba't-ibang mga industriya.

    Isang magandang paraan ang pagre-recycle para hindi na makadagdag ang inyong pamilya sa tambak-tambak na basurang dulot ng paggamit ng single-use plastic bags.

    Kung hindi ninyo maiwasang gumamit ng mga plastic bags, maaaring punasan ang mga ito pagkatapos gamitin bago itago sa isang tuyong lalagyan.

    More from Smart Parenting

    Sa halip naman na lukutin ang mga ito para maitago, pwedeng sundin ang plastic bag folding technique ni Coral Lee, associate editor at recipe developer mula sa Food52.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa kanya, ginamit niya ang folding trick na ito nang nagtrabaho siya sa isang Japanese pastry shop. Tatlo lang silang nagtutulong-tulong noon sa pastry shop kaya kailangang malimitahan ang mga liligpitin. Isa ang folding trick na ito sa mga paraan nila para hindi magkalat ang plastic bag sa shop at para na rin makatulong sa pag-aalaga sa kalikasan.

    Narito ang paraan kung paano ito gawin:

    ILLUSTRATOR Cyrille Calderon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    ILLUSTRATOR Cyrille Calderon
    ILLUSTRATOR Cyrille Calderon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Cyrille Calderon
    ILLUSTRATOR Cyrille Calderon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    ILLUSTRATOR Cyrille Calderon

    Siguraduhin mo lang na malinis ang mga plastic bags bago mo sila tiklupin para hindi sila langgamin kapag itinago mo na sa lalagyan.

    Ngayong nakatiklop na ang iyong mga reusable plastic bags, mas nakakaengganyo na silang gamiting muli. Mayroon ka bang mga recycling techniques at iba pang storage hacks para mas maayos maitago ang mga plastic bags at iba pang mga bagay na pwedeng i-recycle? I-share mo na ito sa comments section. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto mo namang matuto ng mas marami pang hacks at techniques na tulad nito, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles