-
Katuwang Ni Yeng Constantino Ang Asawa Na Matupad Ang Pangarap Na Tiny Home At Farm House
Pitong taon nang kasal si Yeng sa katulad niya musikero na si Yan Asuncion.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Sa loob ng pitong taon ng pagiging mag-asawa, natutunan na nina Yeng Constantino at Yan Asuncion kung paano maging higit pa ang kanilang tirahan.
Gawing home ang house, ika nga ng singer-songwriter ng mga sikat na awitin tulad ng Hawak-Kamay.
At iyan nga ang ginawa ng mag-asawa nang maitayo na ang kanilang pangalawang bahay sa sarili nilang farm sa labas ng Metro Manila. Tinawag nila itong "dream tiny home." Gumawa pa sila ng video series sa vlog ni Yeng para ibahagi ang proseso ng construction at decoration ng sinasabi nilang farmhouse.
Nagbigay ng house tour si Yeng sa unang video ng kanilang "Dream Tiny Home" series. Aniya, "Gusto namin ni Yan na pag pumunta kami dito, ibang-iba ang vibe sa bahay namin sa Manila."
Ang overall design ng kanilang farmhouse ay pinaghalong tropical, industrial, at minimalist.
Tropical: halos kahoy ang materyal na ginamit sa naitayong bahay, pati na ang bubong na gawa sa anahaw at dingding na nilapatan ng banig.
Industrial: rough finish ang sahig at cement finish naman ang counter sa kusina at banyo.
Minimalist: piling-pili ang mga kagamitan kaya spacious pa rin kahit hindi kalakihan ang bahay
Balcony
Napapaligiran ng taniman ng saging at iba pang punong-kahoy ang farmhouse nina Yeng.PHOTO BY YouTube/Yeng ConstantinoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa sa mga sikreto kung bakit maaliwalas ang farmhouse, ayon kay Yeng, ay ang malawak na balkonahe sa palibot. Dito rin kasi nila gustong magtrabaho kaya may ilang mga electrical outlet para sa laptop at iba pang electrical na gamit.
Living room
Nagbigay ng pop of color at Middle Eastern touch ang pares ng ottoman na, ayon kay Yeng, binili nila sa Dubai.PHOTO BY YouTube/Yeng ConstantinoKuwento ni Yeng na mahalaga ang pagbili ng tamang sofa para maging "tambayable" ang kanilang bahay. Kaya ibinahagi niya ang checklist sa pagbili nila ng sofa para sa kanilang farmhouse:
- Kumportable—dahil merong scoliosis silang mag-asawa, kailangang lapat sa kanilang likod ang kanilang inuupuan
- Kulay—dapat nagbe-blend sa tema ng kanilang farmhouse
- Pasok sa budget
- Merong removable covers—dahil gusto nilang madali itong linisin
- Kasya sa kanilang pickup truck para madala nila sa kanilang farm
Kitchen
Nagsisilbing ventilation habang nagluluto ang awning windows na bumabalot sa farmhouse.PHOTO BY YouTube/Yeng ConstantinoCONTINUE READING BELOWRecommended VideosPaliwanag ni Yeng sa disenyo ng kusina: "Open shelves ang aming concept dahil ayaw naming mag-stock ng gamit na hindi naming gagamitin. So lahat nakikita.
"Nangyayari ba sa inyo na may mga gamit kayo, ’tapos since nakatago, nagulat na lang kayo na naluma na dahil nakatago sa mga cabinet? Nangyayari sa ’min ’yan."
Bathroom
Balak ni Yeng na paligiran ang bathtub, na may concrete finish na platform, ng mga paso ng cactus at iba pang halaman.PHOTO BY YouTube/Yeng ConstantinoSabik na ipinakita ni Yeng ang banyo, sabay sabi, "Akalain n’yo bang dito pa sa tiny home matutupad ang aking dream bathroom?"
Dugtong niya, "Noon pa man, gusto ko na talaga ng bathroom na outdoor pero indoor. Ang bubong na ginamit namin dito is polycarbonate, so pumapasok ang natural ang natural light sa taas."
Ibinida niya ang isa sa paborito niyang parte: "Sa side na ito, meron akong bathtub."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKuwento niya, "Doon sa house namin sa Manila, wala akong bath tub." Meron lang daw siyang portable na tub na inilagay nila balkonahe sa bahay nila sa Metro Manila. "Pero siyempre, ang hirap naman maligo doon. Walang water source. Magdadala pa ng timba [ng tubig], at saka ibubuhos."
Bedroom
Mababa ang kama dahil mababa rin ang kisame sa loft-type nilang kuwarto.PHOTO BY YouTube/Yeng ConstantinoLoft-type ang nagi-isang kuwarto sa kanilang farmhouse. Ito ang dahilan kung bakit may kaliitan ang kusina. Direkta kasi itong nasa itaas ng kusina.
Basahin dito kung paano magkaroon ng tiny home na swak sa budget.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments