birthday,Tagalog,birthday cake,online shopping,birthday cake ideas,trending ph,big kids stage,Regalo Ni Hubby Para Sa Asawang Mahilig Mag-Online Shopping,online shopping, birthday, birthday cake, Amazon cake, Tagalog, trending ph, birthday cake ideas,Kung hubby mo ang mag-oorder, ano kaya ang design ng cake na ipapagawa niya para sa iyo?
LifeInspiration

Regalo Ni Hubby Para Sa Asawang Mahilig Mag-Online Shopping: Amazon Birthday Cake

Regalo Ni Hubby Para Sa Asawang Mahilig Mag-Online Shopping: Amazon Birthday Cake

Maituturing na isang supportive na asawa si Mac McGuire dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa kanyang misis sa birthday nito noong July 20, 2019.

Imbes na isang karaniwang cake ang kanyang iregalo, pinagtuunan niya ng panahon kung paano niya magagawang mas espesyal ang araw na ito para sa kabiyak. At heto na ang naging resulta:

Dahil alam ni Mac na mahilig mag-online shopping at madalas mag-order sa kilalang online retailer na Amazon ang asawang si Emily, na isang photographer, naisip niyang magpa-customize ng birthday cake na ganito ang tema sa Sweet Dreams Bakery of Dunn sa North Carolina.

“When you order a lot from Amazon..you get an Amazon box cake. .” ang caption ni Emily sa litrato ng cake na pinost niya sa Instagram. 

watch now

Ang cake ay mayroong tatlong layers ng chocolate chiffon, at ginamitan ng fondant icing para ma-achieve ang disenyong shipping box ng Amazon. 

Para maging makatotohanan, mayroon itong label (na naka-address kay Emily) at packing tape ng Amazon. Mayroon ding sulat kamay ng salitang “Happy Birthday.”

Ayon sa Sweet Dreams Bakery, lahat ng bahagi ng cake ay edible, pati ang tape at label. Maari din daw silang gumawa ng gluten-free version nito para sa mga may special diet.

“It was delicious! Thank you so much!” ang comment ni Emily sa post ng Sweet Dreams Bakery sa Facebook tungkol sa cake. 

Ginamit din niya ang hashtag na #hubbydidgood sa kanyang Instagram post. Napaka-thoughtful naman talaga ng kanyang asawa! (Para mapanatiling happy si misis, heto ang tips ng mga mister!)

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more

Close