-
Getting Pregnant 9 Ways to Try Getting Your Baby to Kick and Punch While in the Womb!
-
Toddler Noticing Your Child's 'Bad' Behavior? Check How You Talk To Him
-
Real Parenting Dad, There's a Reason Why It's Hard to Say No to Your Little Girl
-
Big Kids So Your Child May Not Have Valedictorian Potential: That's Okay
-
Pamilya Sa Bulacan, Ipinambili Na Lang Ng Relief Goods Ang Perang Pang-Outing Sana
Kanselado ang outing pero masaya pa din ang pamilya Chanby Lei Dimarucut-Sison .

PHOTO BY courtesy of Charlene Chan
Kung walang COVID-19 ngayon, nasaan kaya tayo? Malamang, nasa beach resort kasama ang pamilya para sa isang masayang summer vacation.
Tradisyon na ang mag-bonding kasama ng pamilya sa beach tuwing summer, lalo na at kasabay ito ng bakasyon sa eskwela. Para sa marami, pinaghahandaan talaga ito at pinag-iipunan.
Ang pamilya nina Mrs. Grace Chan ng Sta. Maria, Bulacan, ganoon din sana ang balak ngayong taon. Palawan at Puerto Galera sana ang tungo ng mag-anak, pero dahil nagkaroon ng enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus, hindi na nga natuloy ang bakasyon ng pamilya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa halip, ginamit na lang nila ang pondong nakalaan sana para dito para tumulong sa nangangailangan. At sinimulan nila ang gawaing ito doon mismo sa kanilang komunidad.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAyon kay Charlene Chan, isa sa mga anak ni Grace, dalawampung taon nang ginagawa ng pamilya ang pagtulong sa mga kalugar nila; nagkataon lamang na ngayon ay may COVID-19 kaya nabigyan ito ng pansin.
Ngayong taon, sinimulan din nila ito nang mas maaga. Noong unang linggo ng quarantine, mga pack ng mixed vegetables ang ipinamahagi nila.
PHOTO BY courtesy of Charlene ChanADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod pa sa relief goods, nagluluto rin ng pagkain ang pamilya Chan para sa kanilang mga kapitbahay.
Pansit, special ginataang munggo at cheesy tuna pie na umaabot sa 500 piraso o packs ang ipinapamigay nila, ayon kay Charlene.
PHOTO BY courtesy of Charlene Chan"In the second week we supplied [them with] some groceries and for Holy Week, we decided to [distribute] cooked food, like ginataang monggo, mais, pancit, and tuna pie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Charlene Chan"Every Holy Week [ginagawa namin ito] pero mas dinamihan namin this year; we know kasi na madami sa mga neighbors namin wala pang nare-receive na help from government," dagdag pa niya.
Bilang katuwaan din ng mag-anak, suot nila minsan ang kanilang summer outfit kapag namimigay ng relief goods.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan, isang pamilya ang namahagi ng pagkain sa mga kapitbahay gamit ang perang naipon para sana sa swimming. Isinuot na rin nila ang mga pang-beach na damit dahil kanselado na ang kanilang outing. @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/r2mObYqSuB
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) April 14, 2020Ayon kay Grace, natural lamang na tumugon sa mga nangangailangan.
"Siyempre, nakikita mo ang kapwa mo nagugutom, tutulungan mo. Tutulong kami hanggang kaya namin," sabi niya.
PHOTO BY courtesy of Charlene ChanAng isa pang anak ni Grace na si Christopher, hinikayat ang iba pa na may kakayahan na tumulong din sa kapwa-Pilipino.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa pamilya Chan, walang tigil ang pagtulong sa kapwa hanggang matapos ang quarantine, o hanggang kaya nila.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network