-
Getting Pregnant This Mom Fought Against Five of the Most Severe Pregnancy Complications
-
Love & Relationships A Mom Confesses: 'I've Fallen Out Of Love With My Husband. We Live Like We're Siblings'
-
Money Pinay Mom Says This Work At Home Job Lets You Earn Up To P100K Monthly
-
Toddler Matigas Ang Ulo At Sumasagot? 4 Ways To Discipline Kids Who Refuse To Listen
-
Sa Hirap Man O Ginhawa, Kasama Rin Natin Ang Ating Mga Alaga!
Kasama na rin sa bagong meaning ng extended family ang ating mga furbabies.by Anzenne Roble .

PHOTO BY Agbayani Russell/Facebook
Ang tradisyunal na pamilyang Pilipino ay binubuo ng nanay, tatay, anak, lolo, lola, at mga tito at tita. Pero kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pag-iiba ng istruktura ng itinuturing na pinakamaliit na unit ng komunidad. Kasama na rito kung sino ang mga itinuturing na miyembro ng pamilya — kabilang na ngayon ang mga alaga na hindi na lamang bantay kung ituring.
3 kwentong nagpapatunay na ang mga alaga ay kapamilya na rin
Binibigyan din sila ng pagmamahal at pag-aalaga, at tulad sa ibang kapamilya, bawat isa ay importante, at hanggat maaari ay magkakasama sa hirap man o sa ginhawa. Tulad na lamang ng ipinakitang pagmamalasakit ng mga amo na ito sa kanilang mga alaga:
Walang iwanan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosDahil itinuturing na nila bilang kapamilya ang ang mga alagang aso, sinama ng dalawang bata ang mga tuta sa kanilang paglikas noong paparating ang bagyong Ramon sa Cagayan. Sa kanilang murang edad, pinakita ng dalawa ang pagiging responsable at higit sa lahat, ang tunay na ibig sabihin ng pagkakaroon ng pamilya.
Pagtulong sa nangangailangan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagbigay inspirasyon din ang larawan ni Russel Agbayani kung saan makikita ang kanyang pamangkin na si Mark Angelo Agbayani na nililigtas ang kanyang alaga sa gitna ng baha. Gaya ng dalawang bata sa larawan sa itaas, si Mark at ang kanyang pamilya ay nasalanta rin ng bagyong Ramon sa Cagayan. Ang kanyang katapangan ay umani ng maraming papuri mula sa netizens, na halos lahat ay nagpasalamat sa kabutihan na kanyang ginawa.
Ilang araw matapos ang bagyo, ibinahagi ni Russel na nailigtas ni Mark ang kanyang mga alagang aso. Hindi lang pala isa kundi pito ang kanyang mga "best friends!"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKasama kahit saan
Naging viral din ang larawan na ito nang makuhaan ang isang pamilyang naglilipat-bahay kasama ang kanilang mga alagang aso at pusa. Sa unang tingin, mukhang pagmamalupit ang ginawa dahil nakalagay sa sako ang mga aso, pero kung makikita ito nang buo ay mapapansin na ito lamang ang kanilang sinakyan para makasama sa paglilipat.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTunay na nakakabilib ang pagmamahal na ipinakita ng mga furparents na ito sa kanilang mga furbabies. Mahirap o mag-iba man ang kanilang sitwasyon, hindi sila naging makasarili at inisip na iwanan na lang ang mga ito. Sila ay magandang halimbawa ng tunay na pamilya at nakakapagbigay inspirasyon na pahalagahan ang lahat ng uri ng buhay—kumakahol man o ngumingiyaw man.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network