-
Love & Relationships Mom Of Twins Resorts To, Er, Extreme Measures To Stop Hubby's Long Bathroom Breaks
-
Preschooler 6 Signs of Successful Parenting, According to a Clinical Psychologist
-
Love & Relationships 'Lagi Akong Dina-down Ng Asawa Ko. Wala Na Rin Akong Kaibigan At Tiwala Sa Sarili Dahil Sa Kanya'
-
Money Because 'Walang Trabahong Pang-Forever': 5 Lessons on Investing from Dimples Romana
-
4 Pampa-Good Vibes Sa Kabila Ng COVID-19: Marami Pa Ring Magagandang Nangyayari!
Anu-ano nga bang mga magagandang nangyayari ngayon sa kabila ng pagkalat ng virus na ito?by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Likas talagang masiyahin ang mga Pilipino. Ano man ang pagdaanan natin, nakakahanap tayo ng paraan para tumawa at maging masaya. Minsan, nasosobrahan ito at nawawala sa lugar, pero mas madalas, nakakatulong ito para maibsan ang bigat ng ating mga dinadala.
Isang magandang halimbawa na riyan ang trahedyang idinulot ng pagputok ng Taal, Enero ngayong taon. Sa kabila ng hirap na dinanas ng mga kababayan natin sa mga evacuation centers, nakuha pa rin nilang tumawa at magbiro nang isuot nila ang mga pinakanakakatawa at kakaibang mga clothing donations na natanggap nila.
Kasunod nga ng pagputok ng Taal ay ang pagkalat naman ng novel coronavirus o mas kilala bilang COVID-19. Ayon sa kasalukuyang datos, mahigit isang daang pasyente na ang naitala bilang confirmed cases dito sa bansa, habang mahigit isang daang libo naman sa buong mundo.
Kaya naman para mapigilan ang mas malawak na pagkalat ng virus, isinailalim na ng gobyerno sa community quarantine ang buong Metro Manila. Pili na lang ang mga establisimyentong bukas sa publiko, sinuspindi na ang pasok sa mga eskwelahan, at isinusulong ang flexible work hours sa mga pribadong kumpanya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagaman hirap ang mga Pinoy sa mga biglaang adjustments na ito, sinisikap pa rin ng marami na gawing normal ang kanilang mga pang araw-araw na buhay. Hindi man maaalis ang mga aberya, marami pa ring magagandang balita ang naglabasan. Narito ang ilan sa kanila:
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosLibreng pagkain para sa ating front liners
Sino pa bang nangunguna sa pagharap sa problemang ito kundi ang ating mga medical professionals? Sa kabila ng pagod, kakulangan ng supplies, at iba pang mga balakid, nananatili silang alisto para tugunan ang mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayan.
Para bahagyang maibsan ang kanilang pagod, may mga restaurants at coffeeshops na nagpaabot ng tulong. Isa na riyan ang The Coffee Bean & Tea Leaf na magbibigay ng brewed coffee para sa mga doktor, nurses, at staff. Kailangan lang nilang ipakita ang kanilang ID.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagpamigay din sa mga doktor at nurses ng turon at tubig ang lahat ng SM Markets noong March 13. Samantalang 250 bowls ng oat caldo naman ang ipinamigay ng Myron's, isang premium steak shop, sa mga medical staff ng Philippine Lung Center, Rizal Medical Center, The Medical City, at Makati Medical Center. Plano na rin nilang magpamigay sa iba pang ospital para makatulong sa mas marami pang medical professionals.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWUnlimited kape naman ang ipinamahagi ng Pino Group of Restaurants, sa pangunguna ni PJ Lanot, co-owner ng Pino Restaurant, Pipino Veg, at Pi Breakfast & Pies.
Pati ang Plaza Catering ay tumulong rin para makapagpamahagi ng pagkain sa hanggang apat na raang medical professionals.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami pang ibang mga restaurants at cafes na nagpaabot ng tulong sa ating mga frontliners.
What other parents are reading
May mga gurong nagpapamahagi ng online learning resources
Dahil suspendido ang klase ng mga bata, nag-alala ang mga magulang kung paanong matuto ng aralin ang kanilang mga anak. Kaya naman to the rescue pa rin (kahit online) ang ating mga guro at homeschooling nanays, na siyang namahagi ng mga online learning resources na pwedeng gamitin ng mga magulang para turuan ang kanilang mga anak.
Ang ibang mga eskwelahan ay gumagamit na ng mga free platforms tulad ng Genyo, Google Classroom, Zoom, Moodle ((Modular Object-Oriented Dynamic Learning Environment), Edmodo, Schoology, at Turnitin—ang pinakaaccessible sa lahat ay ang Google Classroom.
Masipag ding nagbabahagi ng mga online learning resources ang mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village para matulungan ang mga kapwa nila magulang na maturuan ang mga anak nila ngayong karamihan sa atin ay naka-quarantine sa bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa sa mga ibinahagi nila ay ang online learning resources at activities mula sa Scholastic Learn at Home.
Marami ring makikitang mga verified at legitimate learning resources sa Facebook, tulad ng We Are Teachers (Facebook: @WeAreTeachers).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabsidiya ng DOLE
Marami pang ibang magagandang nangyayari sa kabila ng banta ng COVID-19. Katulad na lang ng sabsidiyang handang ibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga private sector employees na nakagamit na ng kanilang mga leave credits. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sasagutin ng DOLE ang mga araw na naka-leave ang isang empleyado na wala nang leave credits. Halimbawa, kung ang quarantine leave ay 14 days at lima na lang ang leave credits mo, ang ahensiya na ang magbabayad ng siyam na araw.
Libreng pelikula
Basta may internet ka, hindi ka maiinip sa bahay. Nariyan ang mga streaming apps na siguradong matagal niyo nang ginagamit. Mayroon na ring mga film production companies tulad ng TBA Studios na nag-upload ng kanilang mga pelikula sa kanilang YouTube channel para hikayatin ang mga tao na manatili sa bahay.
May mga nagkasakit din ng COVID-19 na nakarecover mula sa virus. Sa kasalukuyang tala, mahigit 70,000 na tao na ang gumaling mula sa COVID-19.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKumusta kayo sa bahay ngayong may community quarantine? Anu-anong mga good vibes stories ang mayroon kayo? I-share na 'yan sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network