Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Nakakatuwang Pagmasdan Ang Mga Young Stars Bilang Doting Titas!

    Maganda na involved na ang mga tita o tito sa buhay ng kanilang pamangkin.
    by Jocelyn Valle .
  • Mahalaga ang role ng isa tita or tito sa buhay ng mga bata. Madalas sila ang nagiging kaibigan o confidant na anak mo. May mga bagay na pakiramdam nila magagalit ka pero malaya nilang nasasabi kay tita. Sa kanila, walang judgment na makukuha mula kay tita. Hikayatin mo ang ganitong relasyon dahil makakatulong ito kung may problema ang iyong anak — meron siyang tatakbuhan na pinagkakatiwalaan mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda na baby palang involved na ang mga tita at tito sa buhay ng iyong anak, katulad ng mga young stars na ito. Nakakatuwang pagmasdan sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto at Alex Gonzaga pagdating sa kanilang mga pamangkin — para na rin silang mommy sa pagtrato at pagmamahal sa mga ito.

    KATHRYN BERNARDO

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Malapit si Kathryn Bernardo sa kanyang pamangkin na si Lhexine Chryszell Alcantara, na siyang anak na babae ng kanyang ate na si Chrysler Bernardo-Alcantara. Nang minsan matanong sa isang event ng kanyang iniendorsong camera brand, sinabi ng aktres na si Lhexine ang paborito niyang kunan ng litrato.

    Gano’n din naman si Kathryn sa 6 na taong gulang niyang pamangkin. Sa Instagram account ni Lhexine, inilarawan niya ang sarili bilang “fave niece” at “no. 1 fan” ng kanyang sikat na tita. Madalas din siyang mag-post ng mga larawan na kasama si Kathryn at, kung minsan nga, pati rin ang boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May likas na gandang artistahin at sariling talento si Lhexine kaya hindi malayong sundan niya ang mga yapak ni Kathryn sa showbiz. Katunayan, nagsisimula na ito sa modeling ng mga kasuotang pambata. Nag-aaral din itong sumayaw at kumukuha ng dance lessons mula ballet hanggang hip-hop.

    More from Smart Parenting

    ALEX GONZAGA

    Enjoy si Alex Gonzaga sa pagiging tita sa nag-iisa niyang pamangkin na si Severiano Elliot “Seve” Soriano. Si Seve ang 3 taong gulang na anak na lalaki ng kanyang ate na si Toni Gonzaga at ang asawa nito na si Paul Soriano. Madalas mag-post si Alex ng mga litrato at video ni Seve. Isinasama din niya ang bata sa kanyang vlogging. Magiliw niyang tinatawag ito na “Chambeh,’ na siya ring titulo ng kanyang kanta.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong September 2017, nag-post si Alex sa kanyang YouTube channel ng video kung paano niya magagawang mahalin siya ni Seve. Sinulat pa niya sa caption na ang post na ’yon ang kanyang paborito dahil sa kanyang “cutest pamangkin.”

    Dagdag pa niya, “I love him with all my heart and I recently discovered that the only way that I could make him laugh is by dancing like a pro. Sa sobrang galing ko minsan bumubulong pa siya ng ‘Galing’ hahaha!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pinakahuling pagkakataon na nag-vlogging ang mag-tita ay nitong September 2019 lang. Binigyan ni Alex ang YouTube post ng titulong “Seve’s Day Out,” at ipinakita dito ang mga ganap sa kanilang pagpasyal sa mall. “Minsan nalang napayagan ng magulang si Seve ilabas siya,” sabi ng aktres sa caption, “nagkasugat pa! Haaay!”

    More from Smart Parenting

    JULIA BARRETTO

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naging tita si Julia Barretto sa unang pagkakataon nang manganak ang nakatatandang kapatid niya na si Dani Barretto noong September 13. Si Dani ang panganay sa limang anak ng dating aktres na si Marjorie Barretto, habang si Julia ay ikalawa naman. Pinangalanan ni Dani, isang vlogger, at ng kanyang asawa na si Xavi Panlilio, isang negosyante, ang kanilang panganay bilang Camilla Marguerite, o Baby Millie.

    Sa Instagram post ni Julia noong September 17, ibinahagi niya ang ilang larawan na kuha sa ospital nang dalawin nila ng kanyang pamilya si Dani at Baby Millie. May mga larawan din na kuha bago manganak si Dani.

    “Our eldest sister is now a mother, and I’m officially an aunt,” pag-anunsiyo ng 22 anyos na aktres sa caption. Ikinuwento pa niya na ninais na ng kanyang Ate Dani na maging ina noong mga bata pa sila, at ngayon nga ay nasaksihan pa niya na magkatotoo ito. Aniya, hindi sapat ang mga larawan para ipakita ang nararamdaman nilang ligaya sa pagsilang ni Baby Millie. Ngayon pa lang ay mahal na mahal na niya ang kanyang pamangkin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles