-
5 Life Lessons na Natutunan Ko sa Pagpunta sa Star City: Simple Lang ang Buhay
Minsan, matututunan mo ang mahahalagang aral ng buhay sa mga lugar na hindi mo inaasahan.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Nagtataka siguro kayo kung anong (at kung meron mang) life lessons na maaaring matutunan sa isang amusement park. Lalo na sa isang tulad ng Star City na wala pa sa kalingkingan ng laki ng mga amusement parks sa ibang bansa. Pero para sa isang batang tulad ko (noong '90s) napakalaki ng epekto ng isang simpleng pasyalan.
Hindi ko pa alam ito noong bata ako, pero ngayong matanda na ako, saka ko naiisip na karamihan ng magagandang aral sa buhay ay nakuha ko sa bawat pagpunta namin sa Star City. Narito ang ilan sa mga natutunan ko:
Matuto kang maghintay
Maraming taong nagpupunta sa Star City noong kabataan ko—1995 siguro yun o 1996. Bagong bago pa ang Star City at pila talaga sa bawat rides, attractions, at kahit sa food stalls. Naalala ko na laging mahaba ang pila sa rollercoaster. Syempre dahil bata, mabilis akong mainip. Minsan umaabot pa sa point na iiyak na ako doon. Worst case scenario, inuuwi na lang kami ni Mommy at Daddy dahil iyakin ako. Ang ending, hindi na nakasakay ng rides, napalo pa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapatid ko lang dapat yung naglalaro pero 'di ako marunong maghintay.PHOTO BY Ana GonzalesTwenty four years later, narealize ko na patience is a virtue talaga. Lalo na sa panahon ngayon na lahat ay nasanay sa instant gratification. Ang totoo, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo agad-agad. Dadating ito sa tamang panahon basta willing kang maghintay. Walang magagawa ang pagrereklamo, pagmamadali, at pag-iyak. Minsan ang buhay ay isang mahabang paghihintay, kailangan mo talaga ng maraming pasensya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHindi lahat ng bagay ay para sa iyo
Hindi ko alam kung ako lang, pero competitive talaga ako noong bata ako. Lahat ng rides sa Star City, kailangan kong masakyan kasi ayaw kong magpahuli sa mga batang kaedad ko. Gusto ko, pagpasok ko sa school sa Monday, maipagmamalaki kong nasakyan ko lahat ng rides — pati na yung mga nakakatakot.
Pero ang totoo, may mga rides na hindi pambata at may mga kiddie rides naman na masyadong nakakahilo. Ngayong matanda na ako, ganun din. May mga bagay na hindi ko kayang gawin na nagagawa ng ibang tao, pero hindi ibig sabihin noon ay mas higit sila kaysa sa akin. Mayroon lang talagang nakalaan para sa atin at dapat ay proud tayo doon kaysa subukan nating gawin lahat kahit hindi na natin kaya.
Kahit hindi ko masyadong naiintindihan itong ride, sakay pa din ako.PHOTO BY Ana GonzalesADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBawat sandali ay mahalaga
Kung nakapunta ka na sa Star City, alam mong mabilis lang ang duration ng mga rides. Kapag natapos ang isang ride at gusto mo pang umulit, pipila ka nanaman. Kaya naman natutunan ko na pahalagahan ang bawat sandali.
Sa panahon ngayon ng social media, viral videos, at trending topics, kadalasa’y mas inuuna nating i-dokumento sa ating mga telepono ang mga nangyayari sa atin kaysa namnamin natin kung ano man ang mga kasalukuyang nangyayari. Noong bata ako, de-film pa lang na camera ang gamit ni Mommy at Daddy. Wala akong feed na ina-update at wala akong stories na kailangang i-curate. Ang goal noon ay mag-enjoy sa oras na iyon dahil ilang buwan nanaman bago kami makabalik.
Huwag kang magpapapigil sa takot
Ngunit huwag ka ring mag tapang-tapangan. Sabi nga nila, courage isn’t the lack of fear, it is acting in spite of it. Hindi lahat ng rides sa Star City ay pwede sa bata at may mga rides din na kahit pwede ay nakakatakot naman. Ang turo sa akin ng Daddy ko, hindi ka mag-eenjoy at matututo sa buhay kung hahayaan mong pigilan ka ng takot. Kung nagpadala ako sa takot, hindi ko sana naranasan ang saya ng pagsakay sa ferris wheel at pagtakbo paikot-ikot sa horror house. Nakakatakot na talaga ang buhay. Sayang ang mga oportunidad kung hahayaan mong takot ang maghari sa buhay mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi ako magaling magbalanse pero sakay pa rin!PHOTO BY Ana GonzalesSimple lang ang buhay
Maraming natawa nang minsang nabanggit ko na may mga life lessons akong natutunan sa Star City. Para sa kanila, hindi naman kasi masyadong impressive ang amusement park na ito, lalo na kung ikukumpara mo siya sa ibang pasyalan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBata pa lang ako, mababaw na talaga ang kaligayahan ko. Isa ito sa mga pinaka pinahahalagahan kong life lessons na natutunan ko sa aking ama. Para kasi kay Daddy, simple lang naman talaga ang buhay. Tayo lang ang nagpapahirap nito. Minsan, nagpapadala tayo sa mga bagay na wala naman sa ating control. Nagpapa-pressure tayo sa mga sitwasyong, gaya nga ng nabanggit ko kanina, darating din naman sa atin sa tamang panahon. Kung bibitawan natin ang mga bagay na ito (madaling sabihin, mahirap gawin) mas magiging madali at simple ang buhay.
Sinong mag-aakala na nagsimula sa isang simpleng amusement park tulad ng Star City ang journey ko upang matutunan ang mga importanteng life lessons na alam ko ngayon. Kadalasan ay masyadong malayo ang ating tingin at masyadong mataas ang inaabot natin kaya’t hindi natin nakikita na minsan, ang mga simpleng bagay na nasa harap na natin ang mismong magtuturo sa atin ng mga importanteng life lessons na magagamit natin sa ating pagtanda.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa sa mga paborito kong rides yung umiikot na teacup.PHOTO BY Ana GonzalesSa naunang ulat namin tungkol sa nangyari sa Star City, nabanggit naming ayon kay Atty. Rudolph Jularbal, tagapagsalita ng Star City, maaaring sa Oktubre sa susunod na taon na makakabalik ang operasyon ng amusement park.
Mayroon ka bang mga life lessons o fond memories na natutunan mo sa Star City? I-share mo na ito sa aming online communities sa Facebook at Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments