Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Mana sa Magulang! Mga Celebrity Kids na Mukhang Susunod sa Yapak ni Mommy at Daddy

    Namamana nga ba ang talent?
    by Jocelyn Valle .
Mana sa Magulang! Mga Celebrity Kids na Mukhang Susunod sa Yapak ni Mommy at Daddy
PHOTO BY @pauleenlunasotto and @peleinigoescueta via Instagram
  • Ang sabi nga nila, kung ano ang puno ay siyang bunga. Ilang celebrity kids ang magpapatunay na may pinagmanahan sila sa pagiging talented katulad ng kanilang mga magulang.

    BABY TALI SOTTO

    Si Talitha Marie Sotto, na binigyan ng nickname na Tali ng kaniyang ama na si Vic “Bossing” Sotto at ina na si Pauleen “Poleng” Luna, ay magdadalawang taon pa lamang sa November 6, pero mukhang may ibubuga na din siya sa comedy. Sina Bossing at Poleng ay mga co-hosts sa noontime show na Eat Bulaga, na kilala sa mga nakakatawang segment at jokes. Bukod pa ito sa pagiging isa sa mga batikang komedyante ng bansa ni Bossing.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Pauleen ay may mga video post sa kanyang Instagram account na nagpapakita ng kakyutan ni Baby Tali.

    Bagamat nag-iisang anak ni Bossing at Poleng si Baby Tali, may apat na nakatatandang anak ang actor na movie producer din. Ang panganay at ikalawang anak nito na sina Danica at Oyo ay mga anak din ng veteran actress na si Dina Bonnevie. Ang ikatlo naman, si Vico, ay ang bagong halal na Pasig City mayor at anak ng dating Eat Bulaga cohost na si Coney Reyes. Ang ikaapat na si Paulina ay anak ng retired actress at model na si Angela Luz.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    BABY ALESSA ZAMORA

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil parehong dancer ang kaniyang mga magulang, hindi na nakapagtataka kung bakit nahilig din sa pagsasayaw si Isabelle Alessa Zamora, na magdadalawang taon sa December 28. Ang nanay niya na si Jopay Paguia ay miyembro ng Sexbomb Dancers na namayagpag sa showbiz noong dekada 2000s habang ang tatay naman niya na si Joshua Zamora na miyembro naman ng Manoeuvres all-male dancer group.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kamakailan ay nakisali pa si Baby Alessa sa dance number ng kanyang Daddy Joshua at ng mga batang dance student nito. Natutuwang kinunan ito ng video ni Jopay at ibinahagi sa kanyang Instagram account. “Wow, nagulat kaming lahat anak at nakakasunod ka na sa choreography ng daddy mo,” sabi ng dancer-turned-actress sa caption.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinasal sina Jopay at Joshua noong June 6, 2014 matapos maging magkasintahan nang siyam na taon. Nabuntis si Jopay pagkaraan lamang ng isang taon, ngunit nakunan ito. Noong 2016, masaya niyang ibinalita na nagdadalangtao siyang muli, at isinilang nga niya si Baby Alessa.

    More from Smart Parenting

    BABY CALEN ALAPAG

    Magdadalawang taon pa lamang si Calen Asher Alapag sa darating na October 23, ngunit nagpapakita na ito ng interes at galing sa basketball. Siya ang ikatlong anak ni Jimmy Alapag at LJ Moreno. Si Jimmy ang dating team captain ng men’s national basketball team na Gilas Pilipinas at ngayon ay head coach ng San Miguel Alab Pilipinas team na naglalaro sa Asean Basketball League. Si LJ naman ay isang actress, TV host, at pastry chef na may-ari rin ng The LolliCake Factory.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga nakatatandang kapatid ni Baby Calen na sina Ian Maximus at Keona Skye ay pawang mga athletic din.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    BABY PELE ESCUETA

    Sa edad na lima, nagpapakitang gilas na si Pele Inigo Escueta sa pagtugtog ng drums. Hindi nakapagtataka dahil drummer ng bandang Rivermaya ang daddy niyang si Mark Escueta at singer, bukod sa pagiging actress at TV host, ang mommy niyang si Jolina Magdangal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na baby si Pele dahil kuya siya ng kapatid na si Vika Anaya, na nag-one-year-old noong nakaraang May 28. Hindi malayong mahilig din sa musika si Baby Vika tulad si Pele.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles