;
embed embed2
  • Sabi Ni Rita Avila, 'And'yan Lagi' Ang Pain Kahit Halos 16 Taon Nang Pumanaw Ang Anak

    Tatlong linggo lang nakapiling ni Rita ang only child pagkatapos niyang manganak noong 2006.
    by Jocelyn Valle .
Sabi Ni Rita Avila, 'And'yan Lagi' Ang Pain Kahit Halos 16 Taon Nang Pumanaw Ang Anak
PHOTO BY Instagram/msritaavila, YouTube/Ogie Diaz
  • May 16-year-old na sana ang aktres na si Rita Avila at kanyang asawa si Erick Reyes, isang TV director, sa darating na November 10, 2022, kung hindi lang binawian kaagad ng buhay ang only child nilang si Elia Jesu.

    Pumanaw si Elia Jesu sa edad na 3 weeks noong December 2, 2006 dahil sa heart complication, ayon sa news reports.

    "It took me siguro 10 years na fully naka-move na ’ko," pagtatapat ni Rita sa vlog ni Ogie Diaz nitong May 2022. "Ang sabi ko nga ang moving on parang hindi naman talaga siya mangyayari kasi habang may pagmamahal, nand’yan ’yan, eh.

    "So hindi talaga ako makaka-move on. Ang intindi ko sa move on, okay ka na, parang nakalimutan mo na ’yung pain. But as mother, and’yan ‘yan lagi."

    Pangungulila sa anak

    Binalikan ni Rita, 53, ang mga panahong sumusubok pa lang sila ni Erick na magkaanak. Aniya, medyo late na silang nag-asawa noong 2003, nasa mid-30s na sila. Kaya hirap na silang makabuo, dagdag pa ang nadiskubre niyang kondisyon na polycystic ovarian syndrome (PCOS).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang nagpapagamot si Rita, gumawa rin silang mag-asawa ng ibang paraan para lumaki ang tyansa na magkaanak. Nariyan ang pagtigil ni Erick sa paninigarilyo at pagsubok nila ng artificial insemination.

    Pagbabalik-tanaw ng aktres, "Sabi ko, siguro talagang ayaw. Kasi ’yun ang last wish ko bilang babae. Siyempre gusto kong magkaanak." Nang mabuntis kasi siya sa wakas, nakunan naman sa kasamaang-palad.

    Nagkaroon ng isa pang pagkakataon ang mag-asawa nang mabuntis si Rita sa simula ng 2006. Aniya, iningatan niya ang kanyang pagbubuntis, kabilang na ang regular na injection pampakapit ng baby, hanggang manganak siya.

    Kuwento ni Rita, "Sa unang punta namin sa pedia, na-discover na there’s something wrong. Tumuloy kami sa titingin ng heart n’ya. Nararamdaman ko na, ‘Naku, parang may problema!’

    "’Tapos nagtanong sila kung ano date ko gustong paoperahan. So kami ni Erick, kahit gusto naming i-delay para mas makapiling pa namin s’ya, sige hangga’t maaga at maagapan, gawin na. Ang hirap bilang magulang, di ba?"

    Dugtong ni Rita sa sumunod na nangyari sa kanilang anak: "Noong inoo-operahan s’ya, nagdasal ako. ‘Lord, mas alam Mo ang bigger picture.’ Basta ang ayaw ko lang po, mag-suffer ang anak ko. Hindi mo puwedeng isipin ang sarili mo. Basta ayaw ko siyang masaktan. Eh, kinuha."

    Pagtatapat niya, "Hindi ko alam kung anong gustong iparating ng Diyos. Siguro sabi Niya, ‘O, ayan, pinaranas ko na sa ’yo maging ina.’

    "After some time, masaya ako kasi I’m a privileged mother kasi totoong may angel ako. Pag halimbawang mamatay ako, may angel ako."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paramdam ni Jesu

    Nang mawalan si Rita ng anak, nagkaroon siya ng bagong bokasyon. Nagsulat siya ng mga libro. Ang lahat ng kinita niya sa pamamagitan ng royalty sa bawat nabiling libro ay inilaan niya sa pagtulong sa mga bahay-ampunan o orphanage.

    Paliwanag niya, "Para maipagpatuloy ko ang pagiging nanay. Nanggaling ako sa pagkawala ng baby, kaya gusto kong ma-extend ’yung ability ko na maging mommy sa kanila."

    Bukod sa orphanages, may tinutulungan din si Rita na mga elderly naman sa Pasay, kung saan kinukupkop ang mga "foreigner na madre."

    Sabi ni Rita, may mga paramdam si Jesu sa kanya: "Noon, madalas. Pero langaw, ’tapos paro-paro. Sabi namin, ‘Ano ba ’to?’ Kinukunan ko ng picture. Sinabihan pa ’ko ng asawa ko, ‘Picture ka nang picture, baka sabihin ikaw ang nagdadala ng langaw.’

    "At saka ko naisip, ‘Teka muna, parang si Jesu.’ Napatunayan ko ’yan. Nag-check in ako sa hotel kasi nagsusulat ako ng libro. Magbi-birthday ako. Out of the blue, may biglang langaw. Parang nag-kiss. Sabi ko, ‘Hotel, may langaw?’

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "’Tapos pumunta ako sa my mug ko, ubos na ang coffee ko, nakita ko may langaw. Kung ikaw si Jesu, punta ka nga sa daliri ko. Nagpunta! Strange pero nangyayari. Gano’n ulit, out of nowhere, may gumanoon na butterfly. Napaiyak ako lalo.

    "Niloloko ko nga ang anak ko, ‘Bakit naman langaw?’ Sabi ko siguro mas madaling maging langaw. Minsan, pumunta kami sa Baguio. Meron ding butterful, di s’ya umaalis. Ang tagal.

    "’Yun pala, nakita namin ’yung mommy na nakasabay kong manganak. May picture s’ya na hawak namin ang babies namin. Siyempre iyakan."

    Samantala, nilinaw ni Rita sa panayam niya kay Ogie na nahilig siya sa mga manyika bago pa niya ipinagbuntis si Jesu. Hanggang ngayon daw ay kapiling pa nilang mag-asawa ang mga manyika na para na nilang kampamilya.

    Basahin dito kung paano harapin ang pagkawala ng anak.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles