embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Jaw-Dropping Ang Sexy Performance Ni J. Lo, 50, At Shakira, 43, Sa Super Bowl

    Ang dalawang Latina superstars ay may tig-dalawa ding anak.
    by Jocelyn Valle .
  • Pinahanga nila Jennifer Lopez at Shakira ang mga nakapanood ng kanilang halftime show sa Super Bowl, ang taunang championship game ng National Football League (NFL), na ginanap nitong February 2, 2020 sa U.S. city na Miami.

    Naging online trending topic pa ang dalawang Latina pop superstars. Nangunguna sila sa trending list ng YouTube kung saan meron na itong higit 62 million views. Mapapanood sa video (mag-scroll sa baba para mapanood ito ng buo) ang ipinamalas nilang kahusayan sa pagkanta at pagsayaw sa halos 15 minuto na pagtatanghal sa Hard Rock Stadium.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi rin matatawaran ang kanilang kaseksihan, lalo pa’t 50 years old na si Jennifer at 43rd birthday naman nang araw ding iyon si Shakira. May tig-dalawang anak anak din sila.

    More from Smart Parenting

     

    Pareho silang may medley ng kani-kanilang hit songs. Nauna si Shakira, isang Colombian na may dugong Labanese, sa kanyang signature tunes na “She Wolf,” “Whenever, Wherever,” at “Hips Don’t Lie” kasama ang isang batalyong backup dancers. Tumugtog din siya ng gitara, nag-belly dancing, at nakipag-duet sa Puerto Rican rapper na si Bad Bunny. Kinagiliwan din ang paglabas ng kanyang dila upang lumikha ng matinis na tunog. Ayon sa news reports, ang tawag daw doon ay zaghrouta, na pangkaraniwang ginagawa sa Middle East countries tuwing may pagdiriwang.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumunod naman si Jennifer, na kilala din sa tawag na J.Lo, isang Puerto Rican-American. Kasama niya ang isa ring batalyon na backup dancers sa saliw ng kanyang chartbusters na “Jenny From the Block,” “I’m Real,” “Get Right,” “Waiting for Tonight,” “Love Don’t Cost a Thing,” at “On the Floor.” Nag-pole dancing din siya at nakipag-duet sa Colombian rapper na si J. Balvin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Sa huling bahagi ng halftime show ay isang grupo ng kabataaang babae ang ipinakitang nakapuwesto sa kani-kanilang tila puting hawla. Kabilang dito ang anak ni Jennifer na si Emme, na sinimulang kantahin ang J.Lo hit na “Let’s Get Loud,” habang tumutugtog ng drums si Shakira sa background. Umakyat si Emme sa stage upang samahan ang kanyang mommy na suot ang reversible coat na nagpapakita ng mga watawat ng U.S. at ng Puerto Rico. Dito nagbago ang kanta sa iconic Bruce Springsteen anthem na “Born in the U.S.A.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagtapos ang palabas nang sabay na kantahin at sayawin nina J.Lo at Shakira ang hit song ni Shakira na “Waka Waka (This Time for Africa),” na sumikat naman noong 2010 World Cup na ginanap sa South Africa. Agaw-pansin ang sabay din nilang pagtalikod para sa ngayon ay kilala nang epic booty shake. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Kahanga-hanga din ang mga kaganapan backstage, na ibinahagi naman ni J.Lo sa kanyang Instagram account. Ang isa ay litrato nila ni Shakira na magkayakap ilang oras bago ang palabas. Aniya sa caption, “So excited to share the stage with you tonight @Shakira! Let’s show the world what two little Latin girls can do.” Girl power, ika nga ng isa niyang hashtag para dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isa pang Instagram post ni J.Lo ay kasama niya ang anak na si Emme ilang sandali na lamang bago magsimula ang halftime show. Lahad niya sa caption, “All I want my girls, the little girls on stage with me and all over the world to know is how to use their voices and be proud of everything they are. We are proud to recognize that all of us together are what makes this beautiful country truly great.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Liban sa kanyang anak na babae, may isa pang anak si J.Lo at iyon ay ang twin brother ni Emme na si Max. Ang kambal ay 12 years old na sa darating na February 22. Sila ay mga anak ng singer-actress sa ex-husband na si Marc Anthony, na kapwa niya Puerto Rican performer. Kaya hindi nakapagtataka na mahilig din sa musika ang kanilang mga anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, si Shakira ay may two boys sa longtime partner niya na si Gerard Pique, isang Spanish football player. Ang panganay na si Milan ay seven years old at ang bunsong si Sasha, five years old naman.

    Tulad ng kanilang mga magulang, nagpapakita ng pagiging active at energetic ang magkapatid na Milan at Sasha sa isang Instagram post ni Shakira habang siya ay nagwo-work out.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles