embed embed2
  • Grow Your Own Food: Pagtanim Ng Gulay, Solusyon Ng Isang Misis Sa Food Supply Ngayong ECQ

    Imbes na siya lang ang makinabang, ibinahagi din niya ito sa kanyang mga kapitbahay
    by Lei Dimarucut-Sison .
Grow Your Own Food: Pagtanim Ng Gulay, Solusyon Ng Isang Misis Sa Food Supply Ngayong ECQ
PHOTO BY courtesy of Precious Rivero
  • Sa maniwala ka't sa hindi, maraming mga kabutihang naidudulot sa atin ang enhanced community quarantine na nararanasan natin ngayon sa Luzon.

    Nandiyan ang pagkakaroon ng maraming oras sa pamilya, ng sapat na pahinga, at ang pagbibigay-pansin sa ating kalusugan. Kung napapabayaan natin ang ating mga sarili noon dahil busy sa trabaho at sa iba pang mga bagay, ngayon ay wala na tayong dahilan para hindi makapag-ehersisyo o kumain nang tama.   

    At dahil sarado ang maraming mga establisyemento ngayon, malamang ay puro home-cooked at fresh from the market ang pagkain niyo imbes na fast food (hindi kagaya dati), maliban siguro sa paminsan-minsang delivery. Yun lamang, kailangang mag-ingat at iwasan hanggang maari ang pag-alis ng bahay (papuntang palengke o supermarket, halimbawa) para makaiwas sa banta ng coronavirus.

    Dahil pahirapan na din ang mag-order ng grocery items online (karamihan kasi ay fully booked na), heto ang isang ideya: grow your own food!

    More for parents like you


    Sa Quezon City, ito ang gustong ibahagi ng isang residente ng Tandang Sora sa kanyang mga kapitbahay: ang magtanim na lang ng kanilang sariling gulay para hindi na kailangang bumili pa sa palengke. Kaya ang ginawa niya, namigay siya ng libreng buto at seedlings sa nakakatuwang paraan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa labas ng gate ng bahay ni Precious Rivero, 40, idinikit niya ang mga sobreng naglalaman ng buto ng sari-saring gulay, kasama ng paskil na nagsasabing libre ito at maaring kumuha ang may gustong magtanim nito para sa sariling gamit. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    PHOTO BY courtesy of Precious Rivero

     

    "Free! Libre! Seedling / Seeds / Cuttings. Kumuha lamang ng kayang alagaan [nang] madami ang makinabang," nakasulat dito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Limit lang po ng hanggang tatlo[ng] items para po madami tayong makapagtanim," sabi pa niya.

    More for parents like you

    Nang makausap ng SmartParenting.com.ph si Precious sa pamamagitan ng Facebook Messenger, sinabi niya na bagamat matagal niya nang hobby ang pagtatanim, lalo pa niyang naintindihan ang kahalagahan nito nang magsimula ang banta ng COVID-19 sa bansa.

    "We’ve been growing vegetables and red tilapia for around 3 to 4 years now, starting as a hobby. We found it therapeutic and reassuring that we eat chemical-free and pesticide-free food right in our doorstep. Thus, it has always been our advocacy to share the love for edible gardening," sabi niya. Tinatawag din itong vegetable gardening.

    "At the onset of the COVID, I felt the anxiety of panic buying and not being able to buy food. I resorted to 'panic-growing' instead to channel this anxiety."

    Imbes na mag-alala na baka magkaroon ng shortage ng pagkain sa mga pamilihan at wala silang mabili, dinagdagan pa niya ang kanyang mga tanim na gulay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naisip ni Precious, kung matututo ding magtanim ang kanyang mga kapitbahay, matutulungan niya sila kahit paano sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

    "It crossed my mind a few times that it would be nice if everyone in my neighbourhood will do this.

    "We have a few plants that we can harvest from time to time, but it will not be enough if a couple of my neighbours will knock on our door to ask for some veggies to eat.

    "I knew then, I should influence them to start growing food on their lots."

     

    PHOTO BY courtesy of Precious Rivero
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Dito nagsimula ang ideya na mamigay ng mga seeds at seedlings sa kanyang mga kapitbahay.

    "I went through our seed stash, choosing tried-and-tested vegetables that can grow in our area, and repacked them in small envelopes.

    "I also transferred some of my seedlings and cuttings in individual pots and put them in front of our gate so anyone can just get what they want."

    Ayon kay Precious, mga buto ng pechay, lettuce o litsugas, mustasa, kangkong, sili, at iba pa ang kanyang ipinamigay.

    Mayroon din siyang ipinamigay na punla o seedlings ng kangkong, ampalaya, melon at sibuyas. Ang mga ito raw ay mamumunga na sa loob ng 30 araw, pero mayroon ding aabutin ng hanggang dalawang buwan.

     

    PHOTO BY courtesy of Precious Rivero
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Marami daw ang natuwa at naengganyong magtanim dahil sa ginawa niya, at naging mas malapit daw ang kanilang komunidad dahil dito. 

    "I was able to talk to some neighbors for the first time in years [with proper social distancing]. 

    "Some individuals residing in nearby areas and also as far as Manila and Caloocan came all the way to get some seeds and seedlings, as they can’t buy anywhere because of the community quarantine."

     

    PHOTO BY courtesy of Precious Rivero
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Sabi pa ni Precious, na may-ari ng Rustico Farms, sa mga workshops na inoorganisa nila noon ay talagang hinihikayat nila ang mga attendees na magsimula na ring magtanim sa kanilang sariling mga bahay, kahit pa sa palagay nila ay hindi sila magaling mag-alaga ng halaman, o yung tinatawag na walang "green thumb."

    "I always tell our guests and workshop participants that the 'green thumb' concept is not true.

    "One can always learn how to plant, especially [now] that information is just as easy as clicking a button. It's important to research, learn from your mistakes, and don't stop planting!"

    More for parents like you

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles