-
#SPConfessions: Hindi Na Interesado Sa Akin Si Hubby Simula Magkaanak Kami
At iba pang kwento ng selos at pagdududa.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Marami talagang magbabago kapag nagkaroon na ng anak ang mag-asawa. Isa sa mga posibleng dahilan nito ay ang kawalan na rin ng panahon para sa isa’t-isa. Nakakaapekto rin sa samahan ng mag-asawa ang pagbabago ng kanilang mga priorities—ang ama para makapagbigay ng pangangailangan ng lumalaking pamilya at ang ina, para maalagaan ang kanyang asawa at anak.
Dito nagsisimulang maging mahirap ang pagsasama ng mag-asawa. Kahit kasi may mga anak na, hindi pa rin dapat nawawala sa mag-asawa ang lambingan, sex, at date night. Ngunit minsan, hindi talaga ito naiiwasan.
Parang hindi na interesado sa akin si hubby
Two months na ang anak namin. After giving birth, okay pa naman kami ng asawa ko. Kaya lang, recently, parang may napansin akong nagbago sa kanya. Normally, kapag nagigising siya sa umaga at bago siya matulog sa gabi, hinahalikan pa niya ako at sinasabi niyang mahal niya ako. Recently, wala na.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi ko maiwasang isipin na baka may babae siya o ‘di naman kaya ay ayaw na niya sa akin. Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman siya ‘yung tipo ng lalake na mambababe. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang nagbago na siya.
Naghanap ng iba ang asawa ko dahil kay baby na daw ako naka-focus
Sobrang clingy at possessive ng asawa ko. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay o makihalubilo sa ibang tao. Sa katunayan, lahat na halos ng mga lalakeng kaibigan ko sa Facebook, bina-block niya—kahit ‘yung supervisor ko noong nagtatrabaho pa ako.
Mag-boyfriend at girlfriend pa lang kami, ganito na siya. Ayaw niya akong magtrabaho dati, pero napilit ko siya. Bago ‘yon, sobrang sweet at maasikaso niya sa akin. Gusto niya lagi kaming magkasama at kapag nga napagbibigyan ko siya, talaga namang sweet siya sa akin. Kahit kailan ay hindi siya nambabae. Kasama rin ako palagi sa mga family gatherings at sa halos lahat ng mga lakad niya. Kaya lang, dahil nagtatrabaho na ako, nabawasan ang panahon ko sa kanya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHanggang sa nabuntis nga ako dalawang buwan pa lang ako sa pagtatrabaho. Naging masungit ako ng kaunti dahil na rin sa pagod sa trabaho at sa paglilihi ko. Doon na siya nagsimulang mag-drama na hindi ko na raw siya mahal at wala na raw akong panahon sa kanya. Miss na miss na raw niya ang dating ako. Gustong-gusto niyang magresign na lang ako sa trabaho. Doon na siya nagsimulang magloko. Nahuli ko siyang nambababae dahil wala na raw akong panahon sa kanya. Pinatawad ko siya, nagresign ako sa trabaho, at nagpakasal kami.
"Sa umpisa ng aming pagsasama bilang mag-asawa at nang hindi pa lumalabas ang baby namin, sweet talaga kami sa isa’t-isa, lalo na siya. Lagi niyang sinasabi na sobrang saya siya at mahal na mahal niya ako."
Ngayong anim na buwan na ang anak namin, hindi na kami masyadong nagakakaroon ng personal time. Pagod na rin kasi ako sa pag-aalaga sa bata. Kasunod nito, nalaman ko na nangaliwa nanaman siya. Nahuli ko siyang may mga kausap na ibang babae. Sabi niya, nagawa niya lang daw iyon dahil wala na akong panahon sa kanya. Hindi ko na raw siya inaasikaso at inaalagaan, puro na lang daw anak namin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWI’m a full-time mom. Ayaw ko namang magkaroon ng yaya at ayaw din niya akong magtrabaho. Gusto niya, sa bahay lang daw ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Aminado naman akong may pagkukulang ako. Pero hindi na tama na naghahanap siya ng iba sa tuwing mararamdaman niyang wala na akong panahon sa kanya. Lalo na at sa anak pa namin siya nagseselos.
What other parents are reading

- Shares
- Comments