celebrity,Alden Richards,losing a parent,Miss Ni Alden Richards ‘Sinigang Na Lunod Sa Kanin’ Ng Nanay,celebrity, Alden Richards, losing a parent, Alden Richards's late mother, losing a loved one,Nami-Miss ni Alden Richards ang sinigang na lunod sa kanin’ na gawa ng nanay niya.
LifeLove & Relationships

Nami-Miss Ni Alden Richards Ang ‘Sinigang Na Lunod Sa Kanin’ Ng Nanay Niya

Pumanaw ang nanay ni Alden noong April 2008.
PHOTO BYInstagram/aldenrichards02

Totoong napakasakit na mawalan ng magulang. Sabi nga ni Alden Richards, "Parang nawalan ka ng kalahati ng buhay mo" (basahin dito).

Nagkuwento si Alden, 29, tungkol sa kanyang yumaong ina nang makapanayam siya kamakailan ng SmartParenting,com.ph at iba pang Summit Media editors. Nangyari ang interview pagkatapos muling pumirma ng kontrata ang actor-TV host sa kanyang home network, ang GMA-7.

Pumanaw ang nanay ni Alden na si Rosario Reyes Faulkerson noong April 2008 dahil sa pneumonia. Naulila ni Rosario ang asawang si Richard Faulkerson Sr. at kanilang mga anak na sina Richard Daniel, Richard Jr. (totoong pangalan ni Alden), at Riza Mary Cristine.

Pagbabalik-tanaw ni Alden noong lumalaki silang mga magkakapatid sa kanilang lugar sa Sta. Rosa, Laguna: "We’re a typical family that lives in the province. Ang nanay ko is a typical mom."

Lahad pa ni Alden tungkol sa kanilang nanay, "Pag gising sa umaga, maghahanda ng almusal sa mga anak ’tapos hihintayin kaming makapasok sa school. Pagkatapos, maglalaba, magluluto, maliligo, manonood ng teleserye. ’Ta’s pag pauwi na kami, magre-ready na ng hapunan. It’s a routine."

Hindi napigilan ni Alden na ngumiti sa pagbabagi ng mga alaala. "I’ve always remembered my mom as a happy person," aniya, sabay turo sa kanyang dimple sa kaliwang pisngi. "Sa kanya ko po nakuha ’to. Sa kanya ko nakuha ang dimple kasi wala namang dimple ang tatay ko."

Pagapatuloy niya, "To the people who know my mom, alam nila how nice of a person she is. She’s a person you can trust. She’s the type who will put the kids first. I think lahat naman ng parents gano’n, eh. Kami muna bago siya."

Ibinahagi rin ni Alden kung ano ang nami-miss niya sa kanyang nanay. Aniya, "Lagi ito: Every exam day, di ba half day lang tayo sa school, pag uwi ko, lagi merong sinigang. ’Yung sinigang, lulunurin niya sa kanin ang sinigang kasi alam na alam niyang favorite na favorite ko ’yun.

watch now

"Parang it’s one of rare moments namin. I think I will carry that hanggang tumanda ako. ’Yun ang nag-stick sa akin, ’yung moment namin ng mom ko."

Malaki rin ang naging papel ng nanay ni Alden sa pagpasok ng Kapuso top star sa showbiz. Paliwanag niya, "She’s one of my inspirations. She’s one of the reasons why I’m in this industry. It’s her dream na mapunta ako dito."

Isang taon pagkatapos pumanaw ni Rosario, sumali si Alden, gamit ang tunay niyang pangalan, sa artista search competition ng GMA-7 na StarStruck noong 2009. Bagamat hindi siya pinalad na makasama sa finalists, nabigyan naman siya ng break bilang aktor sa drama series na Alakdana noong 2011.

Taong 2015 nang aksidenteng mabuo ang love team nina Alden at Maine Mendoza na AlDub, na siyang naghatid sa kanila sa kasikatan hanggang ngayon sa kani-kanilang career. 

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close