celebrity,Jennica Garcia,Alwyn Uytingco,wedding anniversary,reconciliation,Jennica Garcia Uytingco,relationship with spouse,Alwyn, Jennica Sa Kanilang 12th Anniversary,celebrity, Jennica Garcia, Alwyn Uytingco, reunited couple, wedding anniversary,Patunay ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia sa kasabihang Love is lovelier the second time around.
LifeLove & Relationships

Inamin Ni Alwyn Uytingco Na Muntik Silang Matapos Ni Jennica Garcia 'Dahil Sa Akin'

Patunay ang mag-asawa sa kasabihang "Love is lovelier the second time around."
PHOTO BYFacebook/Alaskador

Masayang ibinahagi kamakailan ni Alwyn Uytingo sa kanyang Facebook followers ang date nila ng asawang si Jennica Garcia sa Pinto Art Museum sa Antipolo.

"Noong nakaraang weekend, ang daming petsa na kailangan i-celebrate namin," bungad ng actor-director sa kanyang post nitong February 15, 2022. Inisa-isa niya ang mga mahahalagang okasyon na iyon: birthday niya ng February 11; anniversary nila ni Jennica ng February 12; at Valentine's Day naman ng February 14.

Diin niya, "Hindi sa lahat ng oras napagbibigyan kami ng chance ma-celebrate lahat ng 'yan."

Sabi pa niya wala siyang balak magpa-birthday party dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at tumatanda na raw siya, sa edad 34. Kaya tanong niya, "Ice-celebrate ko pa?" Sabay dagdag paliwanag na, "Ayoko na ng attention para sa sarili ko."

Mas excited daw siyang ipagdiwang ang anibersaryo at "balentimes" nila ni Jennica, na tinatawag niya sa nickname nitong Jen, "lalo na sa taon na 'to."

Tuluyang nagkuwento si Alwyn sa pinagdaanang pagsubok sa pagsasama nila ni Jennica ng nakaraang taon. Nagsimula bilang boyfriend-girlfriend noong 2010 at humantong sa kasalan noong 2014. Biniyayaan sila ng dalawang anak na babae: Mori at Alessi.

Lahad ni Alwyn, "Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sakin. Ako po ang may sala. Sorry na po.)

"Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga. Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya."

watch now

Pero simple lang daw ang naging selebrasyon nilang mag-asawa. Sorpresa niyang dinala sa Pinto Art Museum si Jennica, na matagal na raw gustong bumisita roon. Naglibot sila sa malawak na museum at kumuha ng mga litrato ng ilan sa maraming paintings, pati na ang magandang view. Kumain din sila at naghulog pa ng barya sa wishing well.

Kuwento pa ni Alwyn, "Nung mapagod na kami, nag aya si Jennica na umuwi na. Sabi ko, puntahan muna namin yung garden sa labas ng Gallery 7. At yon ang da best na panapos sa day trip namin. Hindi namin inaasahan na may mga tumpok ng bamboo doon sa garden. Sa tuwing humahangin, parang kumakanta yung mga bamboo kapag nagbe-bend yung trunk nila."

Doon sa puntong iyon ng kanilang date naalala ni Alwyn ang pelikulang Avatar, na ginawa ng Hollywood director na si James Cameron. Taong 2009 pa ipinalabas ang pelikula, pero kamakailan lang ay inulit niya itong panoorin dahil talagang paborito niya.

Bigla raw naisip ni Alwyn ang  simula ng pagkakakilala nila ni Jennica noong mga panahon na iyon na bagong palabas ang Avatar.

Pagbabalik-tanaw ni Alwyn, "Nasa isang bar kami noon. Kasama ang common friends namin. Halos magkatabi kami, pero di kami nag uusap. Wala ako ibang masabing ice breaker kundi...'Napanuod mo na ba ‘yong Avatar?' Sagot niya, 'hindi, ano 'yon?'"

Pagpapatuloy niyang kuwento, "Doon na nagsimula ang conversation namin. And up to this day, hindi ko pa rin makakalimutan ang topic namin na 'yon. Anyway, sorry lumalayo na.

"May isang linya doon sa pelikula na sinasabi ang mga character na tumatak sa akin. Yung quotable line na 'I see you, Jakesully.' Imagine, sabihin sa’yo ng isang warrior princess ‘yon.. na nakikita ka niya. Hindi lang yung pisikal na anyo mo, pero ina-acknowledge niya ‘yong presence mo. ‘Yong kapasidad mo, yung worth mo."

Kaya raw ngayong pinanood niya ulit ang Avatar, pagkatapos ng pagsubok sa kanila ni Jennica, mas lumalim at bumigat ang ibig sabihin ng linyang "I see you," na para sa kanya, mas matimbang pa sa "I love you." Iyan din ang nagsilbing pamagat ng kanyang appreciation post.

Dito na nagbigay ng taos-pusong mensahe ni Alwyn kay Jennica, gamit ang tawag ng kanilang dalawang anak: "Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at napaka imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal. I see you, Jennica. Mahal kita."

Para sa kuwentong second chances sa pag-ibig, basahin dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close