embed embed2
  • Ang Makabagong 'I Love You': Mga Katagang Kasingkahulugan Ng 'Mahal Kita'

    Anong modern twist ninyo ng partner mo sa Valentine's Day?
    by Ana Gonzales .
Ang Makabagong 'I Love You': Mga Katagang Kasingkahulugan Ng 'Mahal Kita'
PHOTO BY Smart Parenting
  • Sabi nga nila, kapag magulang ka na o matagal na kayong mag-asawa, ang Valentine's Day ay hindi na tungkol sa mga naglalakihang bouquets ng bulaklak o mga kahon ng chocolates. Minsan, Valentine's na rin ang feeling kapag may pa-diaper, breastfeeding supplies, at formula milk si hubby. Ito na nga raw ang modernong Araw ng mga Puso—ang makabagong paraan ng pagsasabi ng 'I love you'.

    Kaya naman nang i-post namin ang meme na ito sa aming Facebook page, marami ang nakarelate na mga magpartners.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Challenge: Magbigay ng tatlong salita na pwede ring ibig sabihin ay "I love you". Walang patid na tawa at kilig nang mag-comment na ang Smart Parenting community!

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Narito ang ilan sa kanilang mga pinaka nakakatawang sagot:

    "Ako na maglalaba"

    Sino ba namang hindi kikiligin kapag narinig mo ito sa asawa mo lalo na pagkatapos ng mahabang araw ng pag-aalaga sa mga bata.

    Kasama na rito ang lahat ng iba pang chores na aakuin ng asawa mo, tulad ng:

    "Ako na magluluto"

    "Itatapon ko basura"

    "Maglalampaso na ako"

    "Huhugasan ko plato"

    "Magaalaga ako bata"

    At ang paborito ng marami:

    "Titiklupin ko damit"

    Wala na kasing mas nakakakilig pa sa asawang willing tulungan ka sa mga gawaing bahay nang hindi mo na pinipilit o sinasabihan.

    What other parents are reading

    "Bigyan kita pera"

    Marami ang pabirong nagsabi na katumbas na rin ito ng 'I love you'—lalo na kung dedicated para sa me-time ang cash na ibibigay ni hubby o wifey. Madalas kasi, hindi na naglalaan ng pera para sa sarili ang mga magulang. Kaya naman kapag may ganitong extra, sadyang nakaka-touch talaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama na rin dito ang ano mang patungkol sa pangangailangan, tulad ng:

    "Heto budget pamparebond"

    "Magpamanicure ka muna"

    "Heto pang milktea"

    "Bili ako diaper"

    "Bili ako milk"

    At syempre, ang talagang paborito ng mga nanay:

    "Bayaran ko 'yan"

    Lalo na kapag mga bagay sa cart nila ang pinaguusapan.

    What other parents are reading

    "Bunutan kita puti"

    Bukod sa pag-ako sa mga gawaing bahay, iba rin ang impact kapag pinagsisilbihan natin at tayo ng ating mga partners.

    Bentang-benta sa mga nanay at tatay ang mga katagang tulad nito:

    "Imamasahe kita mamaya"

    "Gawan kita kape"

    "Gisingin kita bukas"

    "Samahan na kita"

    What other parents are reading

    "Nood tayo Netflix"

    Nakakataba rin ng puso kapag mayroon kayong quality time na magpartner. Isa kasing magandang ibigay sa iyong mahal sa buhay ay panahon at atensyon. Kaya naman parang 'I love you' na rin kapag sinabi mo ang mga ito:

    "Nood tayo sine"

    "Labas tayo mamaya"

    "I-date kita bukas"

    "Nood tayo K-drama"

    What other parents are reading

    Marami pang ibang simpleng paraan para maiparamdam natin sa ating mga mahal sa buhay na hindi natin sila nakakalimutan. Kahit ang mga simpleng tanong lang tulad nito ay mahalaga:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Anong kailangan mo?"

    "Kumain ka na?"

    "Paano kita tutulungan?"

    Kapag Araw ng mga Puso (o ano pa mang araw), hindi lang 'I love you' ang tatlong salitang pwede mong sabihin sa mga taong mahalaga sa iyo para maiparamdam mo sa kanila na mahal mo sila.

    Ikaw? Paano mo pinaparamdam sa partner mo na mahal mo siya? Anong tatlong salita ang katumbas ng 'I love you' sa inyong dalawa? I-share mo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles