embed embed2
  • Dimples Romana Sa Umpisa Ng Buhay May-Asawa: 'Talagang Nagpapatayan Na Kami Sa Salita'

    Sa halos 17 taon nila bilang mag-asawa, marami na silang natutunan sa isa’t-isa.
    by Jocelyn Valle .
  • Bago pa man ikasal si Dimples Romana sa kanyang mister na si Boyet Ahmee halos 17 taon na ang nakakaraan ay mabuti na silang magkaibigan, bukod pa sa pagiging magkapit-bahay. Kaya naman malaking tulong ang kanilang friendship sa mga pinagdaanan nilang matitinding away bilang mag-asawa.

    Nagkuwento sila Dimples at Boyet kay author-speaker na si Bo Sanchez. Sinabi ng aktres na hindi nawala ang respeto nilang mag-asawa sa isa’t-isa bilang magkaibigan, at ang respetong iyon ang isa sa nagtulak sa kanilang ipagpatuloy at ipagtibay ang kanilang pagsasama.

    Pagbabalik-tanaw ni Dimples: “We were fighting so much. We almost killed each other, talagang nagpapatayan na kami sa salita. Rurok na talaga ng kainisan namin sa isa’t-isa kasi ang dami naming pinagdadaanan, plus we were parents right away.”

    More from Smart Parenting

    Nagkuwento sila Dimples at Boyet sa Facebook Live interview sa kanila ng author-speaker na si Bo Sanchez nitong Friday, May 15, 2020
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dalawang taon pa lamang na magkasintahan sina Dimples at Boyet nang sila ay magpakasal noong June 2003. Halos 19 years old si Dimples nang panahon na iyon, may promising showbiz career at pinagbubuntis ang panganay nila.

    Dugtong ni Dimples, “So we were not able to experience our marriage na kaming dalawa na lang muna. That’s the basic adjustment na nahirapan kami. Sa akin, ang pinakaimportante is that there is humility in accepting that there were a lot of shortcomings. There were a lot of things that we had to fix. 

    “When you are, in a way, okay with that, that is the beginning that you are able to fix whatever needs to be fixed. Because when there is denial, then you just keep on prolonging the process. I remember, when I was praying, I said, ‘Father, paano ba ’to? I’ve lost all respect. Paano na ’to to myself, to my husband?’ But the respect, because we were friends, hindi nawala.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sang-ayon dito si Boyet. Aniya, “Bottom line is respect for each other.”

    More from Smart Parenting

    May dagdag na kuwento siya tungkol sa kanilang mga alitan noon. “I remember having this argument before, ang away namin petty na lumaki na lang. Nagka-realization ako, pagod na pagod na ’ko. ‘Walang sense itong pinag-aawayan natin. I’d rather argue with you kung ano ang mga pangalan ng mga anak natin, anong lulutuin natin.’ So nahimasmasan kami parehas.”

    Malaki din daw tulong ang Diyos at ang pamilya sa gabay at inspirasyon, pati na rin ang kanilang mga kaibigan. Gusto ni Dimples na bumibisita ang kanilang mga kaibigan lalo na kapag nasa gitna silang mag-asawa ng hindi pagkakaunawaan. Binabalanse daw ng presensya ng kanilang mga bisita ang energy sa loob ng bahay, at bumubuti ang kapakiramdam nilang dalawa. 

    Lahad ni Dimples, “We realized na wala palang kakuwenta-kuwenta ang pinag-aawayan namin.” Dugtong naman ni Boyet na may sari-sarili silang circle of friends noon at napagbuklod nila ang mga iyon nang maging mag-asawa na sila at maging magulang kay Callie, 15, at Alonzo, 5.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Ngayon daw ay pinagtatawanan na lang ng mag-asawa ang mga pinag-awayan nila noon. Kaya bukas sila sa pamamahagi ng kanilang kuwento at payo na rin lalo na sa mga nakababata sa kanila, tulad ng mga inaanak nila sa kasal. Hindi sila nahihiya na sabihin na malala ang mga pinagdaanan nila na nag-iwan pa ng “mga marka sa mga kamay kasi grabe.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Dimples, “We have no shame in saying it. Baka it can save others’ marriage. There is always a purpose.”

    Dugtong niya na nagkakainisan pa rin sila ni Boyet, at nagagalit pa rin siya sa asawa kahit likas na mahaba ang kanyang pasenysa. Pero alam na nila kung kailan at paano umiwas.

    Naiintindihan na ni Dimples, halimbawa, ang pet peeves o mga bagay na kinagagalit ni Boyet. Para nga daw sports car na Ferrari ang kanyang mister sa bilis nitong magalit. Hindi man lang nakakaramdam ng tampo muna hanggang mabuo itong galit. Bigla na lang daw haharurot sa galit. Umabot ng walong taon ang kanilang buhay mag-asawa bago niya napagtanto at natanggap ang ganitong ugali ng kabiyak.

    Natanggap na din daw ni Dimples na hindi madali para kay Boyet ang mag-sorry. Katunayan, bilang niya ang ilang beses na humingi ito ng dispensya sa kanya at pansin niya na may template ang sinasabi nito sa tuwing magte-text ng sorry.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At kung magaling daw siya sa Math dahil makuwenta siya kapag nag-aaway sila ay mahusay naman sa History ang kanyang mister dahil binabalikan nito ang nakaraan.

    More from Smart Parenting

    Pero lahat daw ng mga kahinaan nila ay tanggap ng isa’t-isa. Lahad ni Dimples, “I realized na, ‘Okay, ganito ang asawa ko.’ If I try to change him, he’s not going to be him anymore. Not the Boyet that I love. I love him as a whole. I have to understand na ako ang pinadala dito para intindihin siya.

    “Just the same way he knows how to love me. He knows when I’m feeling down. He already knows what to do. Parang siya lang ang may hawak ng manual kung paano ako mahalin.”

    Dagdag na punto ni Boyet na kung ang isang tao ay gustong baguhin ang ugali ng napangasawa nito, dapat ibang tao na lang ang pinakasalan nito. Sabi naman ni Dimples, galing iyan sa ideya ng Mr. Right o Miss Right dahil lahat tayo ay gustong makatagpo ng perfect partner. Iyon nga lang ang perfect one, maaaring hindi perfect one para sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung mahirap man kay Boyet na mag-sorry sa salita ay dinadaan naman niya ito sa pagserbisyo sa asawa, tulad ng pagluluto, dahil service ang language of love niya. Hindi na rin pinipilit ni Dimples ang mister na mag-sorry. Pag nagkakainisan sila, yayakapin na lamang niya ito at magme-make face habang nakatalikod para mai-release ang inis na nararamdaman. 

    Pero pag pareho pa silang hindi handa ay hindi nila pinipilit na magkaayos bago matulog. Kahit daw napag-usapan na ang problema, ayon kay Boyet, kung nagkakabanggaan pa rin sila, ibig sabihin ay hilaw pa ang kanilang pagbabati. Kaya mabuti daw itulog na lang muna ang hindi nila pagkakaintindihan.

    Paliwanag niya, “Ang motto ko, whoever sleeps at night with a heavy heart, ’yon ang mahihirapan na matulog. But once you have forgiveness, tapos na, let’s move on. Then makakatulog ka nang maayos niyan.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles