Dahil nga sa enhanced community quarantine, isang miyembro na lang ng pamilya ang pinapayagang lumabas para pumunta sa mga groceries at drug stores. Kalimitang naaatasan dito ay ang mga haligi ng tahanan.
Willing na willing naman ang mga tatay—kahit ano talaga basta para sa pamilya. 'Yun nga lang, pagbalik mula sa grocery o sa drug store, kalahati ng inilista ni mommy ay wala o 'di kaya ay mali ang nabibili nila.
Kaya naman naging tampulan tuloy ng tukso ang mga nakakatawang struggles ng mga daddies tuwing pumupunta sila sa grocery.
Kamakailan nga, nagtrending pa ang isang Malaysian daddy nang i-post niya ang litrato niya kasama ang iba pang mga tatay na kanya-kanyang paraan para 'ipa-check' ang kanilang mga binibili sa kanilang mga misis—may kumukuha ng litrato at mayroon pang nakikipag video call sa mga asawa nila.
Pumutok ang post na ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village dahil talaga namang relate na relate ang mga nanay. Bigay todo rin sila sa pagbabahagi ng kanilang mga experiences!
Narito ang mga nakakatawang karanasan ng mga nanay tuwing pupunta sa grocery ang mga asawa at partners nila. Ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa unlimited tawa!
'Yung nabili naman niya lahat, pero naiwan naman niya sa bilihan!
Ito ang naging experience ni mommy Gerlyne Mari Bajan-Bautista. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil dumating si daddy na hindi naman dala ang mga binili niya. Kamot ulo na lang si mommy!
'Yung 'wala' raw pero pag ikaw naman ang namimili, meron naman!
Maraming nanay ang talaga namang agree dito! Karaniwang palusot na kasi nina daddy na sabihing wala, pero hindi lang pala nila alam kung saan hahanapin.
Ito namang hubby ni mommy Mary Ann, napakaraming mga nakakatawang tanong tuwing mamimili. Pag-uwi rin daw ni daddy, napakarami ring kwento na para bang nanggaling siya sa field trip! Daming tawa ni mommy palagi.
'Yung sige rin sila sa kuha ng mga treats na gusto nila!
Sabi naman ni mommy Glaiza Adan, sira ang budget nila dahil sa chips at treats na sinisingit ni daddy. Daming natawa at nakarelate kay mommy!
Ito namang hubby ni mommy Mau Fernandez, may mga pa-extrang dagdag pero may mga essentials namang nakakalimutan! Napapatawa na lang si mommy sa kanya.
May nabili naman ang asawa ni mommy Facebook user Daile Pencilcat—'yun nga lang, panat na panat naman!
Wrong spelling naman si mommy Jane Tejada Meredores, kaya sobrang nalito tuloy si daddy kung anong bibilhin!
'Yung kailangan mong picturan para sigurado!
Marami rin ang nagsabi na hindi sapat ang listahan lang. Kailangan picturan mo rin! 'Yan ang experience ni mommy Jhoana Adriano Adriano.
I-checheck muna ni mommy Jhoan Cabral ang buong basket bago magbayad si daddy!
Pagbabahagi naman ni mommy Lala Tellano-Viray, magaling ang asawa niya sa pamimili. 'Yun nga lang, pag wala na ang eksaktong nakasulat sa listahan ni mommy, hindi na ito bibili ng kapalit! "Kung may pinalit man, hindi magagamit! (hahaha) Tulad ng kangkong at pechay walang stocks, so pumulot na lang siya ng ibang gulay na may dahon, which is saluyot!" kwento ni mommy.
Siyempre, kung mga mga bloopers, may mga tagumpay din!
Ang hubby ni mommy LJ Mcblow naman, check muna sa kusina bago pumunta sa grocery para sure na walang makakalimutan.
Kwento naman ni mommy Beatriz Aeysha Asher, isang magaling na cook ang asawa niya. Matipid din itong mamili, kaya wala siyang problema!
Wala nang inabutan nang minsang mag-grocery ang hubby ni mommy Belle Alconcel Salido.
Para naman sa hubby ni mommy Mary Joyce Fullado-Aguja, very helpful ang kanyang asawa—hindi takot mamili, kahit ang mga 'feminine' needs ni mommy.
"Quaran-eating" naman ang ginagawa ng mga anak ni mommy Jhem Bon kaya naman "pang fiesta" ang ipinapabili niya kay daddy.
Hindi naman akalain ni mommy Mary Fatima Ramilo Macabale na napakalaking bahagi ng puno ng malunggay ang kukunin ni daddy nang utusan niya itong humingi sa kapitbahay!
Ito naman ang tatay ni mommy Rein Dela Cruz Castro. Siya ang namimili para sa pamilya. Minsang nagpabili si mommy ng prunes, hindi talaga sumuko si daddy sa paghahanap kahit sinabihan na siya ng mga grocery staffs na pasas lang ang mayroon. Nang may makita siya, nagpapicture talaga siya sa mga staff para masiguradong tama! Kahit ano talaga, gagawin ng isang tatay para sa anak niya. Kapapanganak lang din kasi ni mommy kaya todo alaga sa kanya ang tatay niya.
Ilan lamang ang mga ito sa mga experiences na ibinahagi sa amin ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Bagaman mahirap at talaga namang challenging ang lahat ng nangyayari ngayon, nakakahanap pa rin ang mga magulang ng paraan para hindi masyadong maging mabigat ang sitwasyon, lalo na para sa mga bata—mahirap nga namang maging negatibo pa sa panahon ngayon.
May mga mali man sina daddy sa grocery items na binibili nila, labis-labis pa rin ang appreciation ng mga ilaw ng tahanan dahil sa pagiging matapang at matatag ng mga tatay. Kayo ang mga frontliners ng pamilya!
Maraming salamat sa walang sawang pagpunta sa grocery at bilihan sa kabila ng banta ng COVID-19. Naaappreciate ng lahat ang pag-aalaga at pagtataguyod ninyo sa inyong mga pamilya.
Para sa iba pang kwento ng pag-asa at pinakahuling balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito.