;
embed embed2
Grieving Pa Rin Si Geneva Cruz Sa Kanyang Ina: 'She Was So Protective'
PHOTO BY instagram/GenevaCruzOfficial
  • Ilang buwan na ang nakalipas nang pumanaw ang kanyang ina, pero lubos pa rin ang pagdadalamhati ng celebrity mom na si Geneva Cruz. Noong Abril 2021 ay inanunsiyo ng singer-actress ang pagkamatay ng ina niyang si Marilyn dahil sa COVID-19.

    Ibinahagi niya sa SmartParenting.com.ph sa latest episode ng Dibdibang Usapan na malapit sila ng kanyang ina sa isa't-isa. Pagbabalik-tanaw niya, kahit 45 years old na siya ay gustung-gusto pa rin siyang ipag-drive ni Marilyn at lagi silang magkasama.

    Hindi man raw perpektong ina si Marilyn, alam niya kung gaano sila minahal at inalagaan nito. Ayon kay Geneva, "I think God created my mom to be of service to her family because there is nothing else in this world that made her more happy."

    Kaya naman halos mawalan na ng gana sa buhay ang aktres at hindi na rin kumakain simula nang pumanaw ang kanyang ina. Sabi niya, “When you’re so brokenhearted, paano mo hahanapin ang sarili mo? Paano mo huhugutin ‘yung strength na natitira when you are bleeding inside?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero dahil sa tulong ng kanyang anak na si London, pati na rin ang kanyang ama at mga kapatid, ay unti-unting nakabangon si Geneva mula sa trahedya na dumaan sa kanilang buhay.

    “My sisters were like, 'buhay pa si papa, meron pa tayong parent. Celebrate natin ang life ni mama, let’s heal together. Pero let’s also focus on the ones who are still here,'” sabi ng aktres.

    Panoorin ang mga lesson na natutunan ni Geneva mula sa kanyang ina sa latest episode ng Dibdibang Usapan:

     

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles