Maraming netizens ang nalungkot sa Facebook post ni Aj Jallorina nog December 17, 2002. Panimula niyang pagbabahagi, "From marriage certificate to death certificate. From congratulations to condolences."
Kalakip ng nanyang post ang wedding photo nila ng kanyang mister na si James Steven Chong.
Pagpapatuloy ni Aj, "Mahal ko, thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nag, di mo ako nasu-surprise kasi lago akong nakukutuban.
"Mahal ko, hindi ko ito nakutuban. Hindi ako makapaniwala. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lagat."
Ang pinakamalungkot na bahagi ng kanyang post, "Napakasakit na pumipirma tayo sa marriage certificate natin, December 15.
"Tapos, December 16, death certificate mo na ang pinirmahan ko."
Sambit pa nio Aj, "Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo."
Wala siyang binanggit kung ana ang nagini dahilan ng maagang pagpanaw ng kamyang mister.
Sa huli, puno ng emosyon niyang sabit, "Mahal, salamat sa sampung taon na pagmamahal.
"Mahal na mahal kita."
Nagbahagi naman ang Facebook Page na Event Innovators-Wedding Coordinator ng parawan nang ikasal sina Aj at James.
Anito, "One of the saddest news we received from our couple.
"We offer our sincere condolences to Mrs. AJ Jallorina Chong."
Bumaha rin ang pakikiramay mula sa mga kapamilya, kaibigan at kakilala nina Aj at James, at maling sa netizens na ramdam na ramdam ang dalamhati ng sobrang gaan nabiyudang bride.
READ RELATED ARTICLES ON GRIEF:
- Mom With Cancer On Helping Kids Cope With Death: 'They Understand More Than You Think'
- Don't Stop At 'Nasa Heaven Na' When Explaining Death To Your Child: What You Can Say
- ‘I Will Bring Him Home In A Box’: Bereaved Mom Mourns Son’s Tragic Death While Vacationing Together
This story originally appears on Pep.ph.
Smartparenting.com.ph editors have made minor edits.