Bago naganap ang marriage proposal ni Derek Ramsay kay Ellen Adarna nitong late March 2021, hiningi muna ng aktor ang “blessing” ng kanyang anak na si Austin, 17. Naging maganda naman daw ang pagu-usap nilang mag-ama.
Lahad ni Derek, na matagal nang hiwalay sa unang asawa at nanay ng anak, “Austin was the first people I spoke to, and my son thinks it would be really cool if he had a younger brother. He really adores Ellen. He thinks she’s cool.”
Si Ellen ay may two-year-old son sa kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz. Elias ang pangalan ng bata, at co-parenting ang arrangement ng kanyang mga magulang (basahin dito).
Dagdag pa ni Derek na sinabihan siya ni Austin ng, “I want you to be happy.” At lubos daw ang kanyang kasiyahan nang dumating si Ellen sa kanyang buhay. Nagbigay ng interview ang engaged couple sa vlog ni G3 San Diego.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kuwento ni Derek na isang araw pagkatapos ng engagement nila ni Ellen, siya naman ang nilapitan ni Austin at para tawagin na “Dad” sa unang pagkakataon. Sabi daw ng anak sa kanya, "I promised myself if you were engaged I'd call you dad...I think it's time to call you dad."
Nagulat man daw siya sa ginawang iyon ng kanyang anak, sabi ni Derek napuno naman ng saya ang kanyang puso. Hindi daw niya napigilang umiyak at napatakbo kay Ellen, na naroon din sa bahay nila ni Austin nang mga oras na iyon. Akala nga raw ng kanyang fiancee ay may namatay dahil sa lalim ng kanyang iyak.
Naniniwala si Derek na si Ellen na nga ang nakatakda para sa kanya. Aniya, "Ellen's energy and presence have really, really turned my world around. Everything is just falling into place. The thing that I've been praying for the most for my son to call me dad happened the day after the proposal."
CONTINUE READING BELOW
watch now
Sabi naman ni Ellen, "perfect timing" ang pagkakakila at pagi-ibigan nila ni Derek. Ika nga niya, "If I met him five years ago, I would tell him, 'No, it wouldn't work. I'd be the same crazy girl. Ang daming issues, I would just hold it in and couldn't express it properly.
"During the pandemic, I fixed myself. I worked myself. I did a lot of inner work. So at that time, I knew what I wanted na. I know what’s good for me and what’s bad for me." Sinabi ng aktres noon na dumaan siya sa postpartum depression at nalampasan niya iyon (basahin dito).
Mapapanood ang interview nila Derek at Ellen dito:
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.